PUSO

1 1 0
                                    


“Kaya mo ito Sairara! Para sa tribo at sa pamilya mo kayanin mo!” pagpapalakas ko sa aking loob habang inilalagay sa aking damit ang butones na camera. Kailangan ko ito para makita ng mga nakatataas ang aking gagawin.

Kailangan ko na tapusin ito ngayon. Sa isang taon na ibinigay sa amin na palugit ako na lamang ang nahuhuli sa lahat. Pinagbibigyan na lamang ako ng nakatataas na tumagal ng ganito dahil ang mga magulang ko ay isa sa mga magagaling na serial killers.

May naramdaman akong papunta sa kwarto ko at maya-maya lang ay kumatok na ang aking pinakamamahal na si Maxwell.

“Ano ba Maxwell nagulat mo ako doon ha!” Nagkunwari akong nagulat at nakita ko nanaman ang kaniyang pang colgate na ngiti

“Ang tagal mo kasi Sai akala ko tuloy nakatulog ka na dito haha” isa sa mga bagay na nakapagpahulog ng aking loob sa kanya ay ang kanyang boses na para kang hinehele

“Opo na eto na nga e tapos na ho, sir. Masyadong ka naman po excited” Isa sa mga bagay na ayaw niya ay ang tinatawag siya ng ganoon.

Sumimangot siya kaya naman tawa ako ng tawa sa itsura niya.

“Tara na nga doon sa baba baka mamaya mawala pa ang mood mo at hindi na tayo matuloy niyan hahahaha”

“Imposible alam mong matagal kong hinintay na dumating ang araw na ito” hinalikan niya ang aking pisngi at tumuloy na kami pababa


Mahaba ang aming naging byahe at dahil nga ako ang nagplano ng date na ito ay ako ang nagmamaneho.

“Dapat ay sinabi mo na lamang ang lugar kung saan tayo pupunta Sai, alam mo naman na ayokong napapagod ka” hawak hawak ko ang kanyang kamay habang nagmamaneho dahil pinasuot ko siya ng blind fold.

Pagkarating namin sa aming paroroonan ay imposibleng hindi ka mamamangha sa lugar.
Bumaba muna ako ng sasakyan at idinikit sa pinto ang isang maliit na camera. Pumunta ako sa pinto ng kabilang sasakyan at pinagbuksan si Maxwell.

“Maxwell pwede mo na tanggalin. Nandito na tayo”

Unti-unti niya tinanggal ang telang nakatakip sa kanyang mata. Makikita mo sa kanyang itsura ang pagkamangha habang tinitignan isa-isa ang mga nakalagay sa kanyang harapan. Isang telang puti na nakasabit, projector sa harapan nito, lamesa at upuan para sa aming mga pagkain at isang dartboard. Kumunot ang kanyang noo pagkakita sa dartboard.

“Bakit may dartboard pa?” tanong niya sa akin

“May isa kasi akong talento na gusto kong ipakita sa iyo” ipinakita ko sa kanya ang aking pinaka-matamis na ngiti “Tara na kunin na natin ang mga pagkain”

Kinakabahan ako habang kumakain kami. Ito ang unang beses na magagamit ko ang aking talento at sana ay magustuhan ito ng mga nakatataas para hindi masayang ang lakas ng loob na aking ibinuhos dito.

“Ikaw lang ba ang gumawa ng lahat ng ito o may katulong ka?” nasa gitna kami ng pagkain ng itanong niya sa akin ito

“Syempre naman ako lang gumawa lahat nito. Gusto ko kasi purong effort ko lang ang maibibigay ko sayo sa araw na ito” sabi ko sabay kindat sa kanya kaya naman ay napangiti siya

“Paano mo nga pala nahanap ang lugar na ito? Matagal na ako nakatira dito sa Laguna pero ngayon ko lamang nalaman na may bangin pala sa parteng ito”

“Nako naghanap-hanap lang ako sa internet. Ang totoo niyan sa isang horror page ko pa nga ito nakita”

“Bakit sa isang horror page pa?”

“Mahilig kasi ako magbasa ng mga kwentong puro kababalaghan iyong mga puro patayan ba. Habang nagbabasa ng isa sa mga post doon nabasa ko yung kwento tungkol dito sa lugar na ito. Yung bangin diyan nakikita mo ba?” tinuro ko ang bangin sa kaniyang likuran banda at tumingin naman siya “Bakit anong mayroon sa bangin na iyon?” tanong niya sa akin pagkatapos lingunin ang bangin
Bago magsalita ay ngumiti muna ako sa kanya na para ako isang baliw “Sabi doon sa post lahat daw ng nagdadate na magkarelasyon dito ay nahuhulog ang isa sa bangin at mamamatay” sa isang saglit ay nakita ko sa kanyang mga mata ang takot. “Pero syempre Maxwell biro lang iyon hahaha.”

Nawala ang takot sa kanyang mata at napalitan ng mga ngiti ang kanyang bibig.

“Ikaw ha natakot mo ako saglit doon. Alam mo naman na matatakutin ako.”
Tinapos na namin ang aming pagkain at hinarap ang aming mga upuan sa harap ng telang puti para makapanood.

Habang hinahanda ko ang pelikula na aming panonoorin hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay. Pinipilit ko itong pawalain lalo na't alam kong nakatitig siya sa akin.

“Manood kang mabuti Max ha? Dahil sa kalagitnaan niyan ipapakita ko sa iyo ang talento ko.”

“Huwag kang mag-alala dahil hinding hindi ko aalisin ang mga bata ko sa palabas” pagkatapos niya sabihin ito ay iniakbay na niya sa akin ang kanyang braso at sumandal naman ako dito.

Nasa kalagitnaan na kami ng pelikula, ibig sabihin ay oras na para magpakitang gilas ako.

“Aray!”

Agad na binaling ni Max sa akin ang kanyang paningin “Sai anong nangyari sa iyo?! Ayos ka lang ba?”

“Nako okay lang ako! Nasubsob lang yung daliri ko dito ng kahoy hehe” leche tiis-tiis lang talaga at konti na lang matatapos ko na rin ito “Sige na manood ka na gagamutin ko lang ito saglit sa sasakyan” binigyan ko lang siya ng isang ngiti at tumayo na

Habang papunta sa sasakyan ay sinadya kong matalisod para ako ay mahulog sa bangin.

Hinayaan ko ang aking sarili na mahulog at maramdaman ang lakas ng hangin. Bumagsak ako ng malakas sa isang malambot na bagay. Tinanggal ko kaagad ang kutson at inilagay ang isa sa mga pinatay na tao ng aking mga magulang sa pwesto kung saan dapat ako mahuhulog. Kahawig nito ang aking katawan pati ang buhok at nakasuot ng damit na tulad ng sa akin. Ang mukha nito ay nakaharap sa sahig upang masigurong hindi ito mahahalata ni Maxwell.

Tinignan ko ang aking cellphone panandalian para masiguro na hindi pa namamalayan ni Maxwell na nawawala ako.

Nagsuot kaagad ako itim na damit, maskara na may butones ang mga mata at nakatahi ang bibig. Matapos kong magbihis ay umakyat na ako pabalik sa kung nasaan si Maxwell. Tinignan ko ulit ang aking cellphone, namalayan na ni Maxwell na nawawala ako.

Nakikita ko sa screen ng aking cellphone na umiiyak siya. Nakasuot sa aking isang tainga ang isang ear piece dahilan para marinig ko ang kanyang sinasabi habang nakaharap sa bangin.

“Sorry Sairara hindi dapat ito nangyari sa iyo... Kung hindi ako humiling na dalhin mo ako sa lugar na ganito sa araw ng mga puso hindi ka sana mahuhulog... Kasalanan ko ito” sabi niya at muling humagulgol

Tinanggal ko na ang ear piece dahil alam kong hindi ko magagawa ang aking misyon ngayon kung magpapadala ako sa ipinakikita ni Max.

Umalis na ako sa aking pwesto at lumapit sa pwesto niya. Bago siya makalingon pa ay nahulog siya sa bangin. Leche mapapalya pa ata ang plano ko. Mabuti na lamang at nakahawak pa siya sa gilid kaya inabot ko ang aking kamay.

Inabot niya ito at siya ay nakabalik sa lupa. Nakita ko ang takot at gulat sa kanyang mga mata dahilan para muntik ulit siyang mahulog.

Hinawakan ko ang kanyang braso upang mapigilan ang kanyang pag atras at itinuro ang bangin sa kanyang likod.

“Sa-salamat”

Nilabas ko ang kutsilyo sa aking likod at inihagis sa dartboard. Tumama ito sa gitna.

Naramdaman kong naistatwa siya sa kanyang kinatatayuan, matalinong tao si Max kaya marahil ay may ideya na siya kung sino talaga ako.

Humarap ako sa kanya. Gusto ko na bago ko siya patayin ay alam niya kung sino ako.

“Patawarin mo ako aking puso” tinarak ko kaagad ang isa ko pang kutsilyo na dala sa kanyang ulo.

Matapos niya bumagsak siya sa sahig ay tinanggal ako ang nakatarak na kutsilyo sa kanyang ulo. Tumalsik ang kanyang dugo sa aking katawan ngunit hindi ko ito inalintana. Sinimulan ko ng hiwain ang kanyang dibdib at dinukot ko ang kanyang puso. Tinanggal ko ang kanyang mga mata at sinimulang tahian ng butones. Itinahi ko rin ang kanyang bibig. Itinapat ko ang butones na camera sa aking pagkakagawa sa katawan ni Max, ipinakita ko rin ang puso na aking kinuha.

“Magaling Sairara nakumpleto mo ang iyong unang misyon. Malaking tulong nito para sa ikabubuti ng buong mundo. Bumalik ka na rito upang maipagdiwang na natin ang pagtatapos ng inyong mga misyon. Hayaan mo na ang mga tagalinis ang umaasikaso sa duming iyan” ang sabi ng isa sa nakatataas sa aking ear piece na suot. “Masusunod kamahalan” at pagkatapos ko sabihin ang mga katagang iyon ay siya ring pagtulo ng aking luha.


Nakarating ako sa aming kuta. Mga kabilaang puri ang aking natanggap sa kanila maliban sa isa.

“Mabuti naman at natapos mo ang misyon? Akala ko magpapaabot ka pa ulit ng isang pasko bago mo siya mapatay,” sabi ni Lyn. Siya ay isa sa mga kasabayan ko sa pagpatay ngayong taon.

“Pinaplano ko kasi ang pagpatay ko Lyn hindi tulad ng iba diyan na basta makahanap ng oportunidad tinatarak kaagad ang kutsilyo. Hindi pa sinisiguro kung patay na yung tao,” binigyan niya ako ng isang hilaw na ngiti at ako'y umalis na.  Alam kong naasar siya sa aking sinabi pero wala ako pakeelam, siya ang nagsimula nito.

Nilapitan ko ang aking mga magulang.

“Napakagaling mo anak. Manang mana ka talaga amin ng iyong ama,” halos mawala na ang mata ng aking ina sa pagkakangiti.

Ilang minuto lamang ay nagsimula nang magsalita ang may pinaka mataas na ranggo sa lahat upang parangalan ang may pinaka magandang pagkakapatay.

“Binabati ko ang lahat ng mga nagtagumpay sa misyong ito ngunit ang mga misyon ninyo ay hindi lamang basta pagpatay. Kinakailangan na maganda ang pagkaka plano ng inyong mga pagpatay at sa kung paano ninyo itinahi ang mata at bibig ng inyong mga biktima.”

“Sana ay ikaw ang mapili anak,” sambit ng aking ina. Binigyan ko na lamang siya ng isang tipid na ngiti.
“At ang napili sa taong ito ay si Sairara Otico!”

Nagpalakpakan ang mga tao habang kinukuha ko ang aking tropeya sa entablado. Kinamayan ko isa-isa ang mga nakatataas.

“Napaka ganda ng iyong pagkakatahi Sairara, marahil nakatulong dito ang iyong hilig sa pananahi.” Sambit ng pangalawang nakatataas sa akin.

“Marahil nga po kamahalan"

Tinanggap ko ang aking tropeya at nagsalita ng ilang pasasalamat sa harap.

Nagpatuloy ang kasiyahan sa aming kuta ngunit ako ay lumabas muna upang mailabas ang aking kalungkutan sa pagkaka patay ko kay Maxwell.

“Patawarin mo ako sa aking nagawa Maxwell. Kinailangan ko lamang tuparin ang aking misyon,” sinabi ko ito habang nakatingala sa buwan. Ang bagay na hilig tignan ni Maxwell tuwing gabi “Mahal na mahal kita aking puso,” hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy na agos ng aking luha.

Patuloy lamang ako sa aking pag iyak nang nakarinig ako ng yabag ng isang tao sa aking likuran.

Nilingon ko ito at bumungad sa akin si Lyn na hawak ang isang baril na may silencer sa dulo.

“Anong gagawin mo sa akin Lyn?”
Itinutok niya ang baril sa akin. “Palagi na lang ikaw ang bida sa lahat.
Panahon na para ako naman ang pansinin nila!”

“Huminahon ka Lyn iba-"

Nakaramdam ako ng init sa aking dibdib. Hinawakan ko ito at naramdaman sa aking mga daliri ang dugo.

Dahil sa panghihina ay napabagsak ako sa sahig.

Lumapit sa aking tabi si Lyn at yumuko.
“Pasalamat ka at nabigyan pa kita ng isang pabor Sairara… Magkakasama na ulit kayo ng iyong puso,” sambit niya habang nakangisi pa.

Unti-unti ay nahihirapan ako sa aking paghinga. Nakatingala ako sa kalangitan kung saan kitang kita ko ang maliwanag na buwan. Hanggang sa naramdaman ko ang pagbigat ng aking mga talukap.

END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon