SIMULA

75 6 0
                                    

Nang masigurado na nakaalis na si Alessandra at ang nobyo nito ay sumakay na sya sa sasakyan na maghahatid sakanya sa venue ng kasal. Inayos nya ang belo na nakatakip sa mukha nya, para hindi mapansin ng driver na hindi siya si Alessandra.

Ilang minuto ang lumipas ng biglang huminto ang kanilang sinasakyan sa gilid ng kalsada. Tiningnan nya ang driver at mukhang problemado ito.

"Ah ma'am, nasiraan po tayo" sabi nito sabay kamot sa ulo.

"Malapit na po dito ang simbahan? Tawagan nyo nalang po sila para ipaalam na nasiraan tayo dito" sambit ko rito tumango ito at tumawag.

Tiningnan ko ang paligid at napansin na may mga taxi na dumadaan.

"Ah manong, ako nalang ang pupunta don. Magtawag muna kayo ng aayos sa sasakyan" nilingon ako nito.

"Naku ma'am pasensya na po. Chineck naman po itong sasakyan kahapon" tumango ako dito at lumabas ng sasakyan. Lumabas din si manong para ipangtawag ako ng taxi.

Agad akong sumakay sa taxi at kumaway kay manong na busy na chinecheck ang sasakyan.

"Sa malapit na simbahan lang po" sabi ko rito ng tanungin kung san ako patungo.

Bumaba na ako ng taxi, dahil binayaran na ni manong ang taxi kasakay ko. Tiningnan ko ang mga tao sa labas na mukhang gulat sa pagdating ko.

"Oh! Anjan na pala ang bride! Nakakaloka. Akala ko malalagot na ako kay Mr. Lacdameca!" Excited na sigaw ng bakla ng makita ako. Sino naman si Mr. Lacdameca?

Inayos nila ang gown ko at bahagya akong tinulak papasok ng simbahan. Dahan dahan na bumukas ang pinto at lahat ng tao ay nakatingin sakin.

Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong makilala sa mga tao na nasa paligid ko. Tumingin ako ng diretso sa lalaking nasa harap.

Hindi ko maaninag ang itsura nito, pero kita ang ganda ng pangangatawan nito. Everyone cheered for me, nilingon ko ang side kung san dapat ang magulang ni Alessandra pero wala ang mga ito.

Nakatayo na ako sa harap ng lalaking papakasalan dapat ng kaibigan ko. But he looks different, mukhang nasa early thirtes ito, napakakisig kumpara sa picture na pinakita sakin ni Alessandra. An old man cleared his throat kaya naman ay tumuloy ako maglakad para tumabi sa lalaki. He looks angry.

He smiled at me but I can tell that his smile is fake. He leaned on me.

"Ang usapan ay hindi ka dadalo sa kasal na to. What are you doing?" He whispered.

"Can we start the ceremony, Mr. Lacdameca?" The priest asked him.

Wait... Mr. Lacdameca? I thought I'm marrying Massimo Salvador?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon