"Aaaahhhhh!!!". Isang sigaw ang umalingawngaw sa gitna ng daan. Madami ang nagsitakbuhan at nakiusyuso. Isang lalaki ang dali-daling bumaba mula sa sasakyan at nilapitan ang nakahandusay na sya nya ring nabangga. "Bilis, tulong, tumawag kayo ng ambulansya. Bilis" sigaw ko sa mga nakikiusyuso. Kinalma ko ang aking sarili upang makapag-isip ng maayos. Kitang-kita ko ang nakahandusay at duguan na ito. Bigla akong kinabahan at kita ko sa mga nakiusyuso na wala pang tumatawag. Pilit ko mang kalmahin ang sarili ko ngunit dahil sa kaba ay di ko na alam ang gagawin ko.
"Tabi, tabi... Rome... Rome... Dalhin na natin sya hospital, baka ano pang mangyari pag mag antay pa tayo ng ambulansya. Bigyan ko muna ng paunang lunas at sakay na natin sa sasakyan mo" Isang kalmadong lalaki ang biglang lumapit sa amin ngunit dahil sa kaba ay nakatulala lang ako sa kanya. "Asan ang susi mo ako na ang magdrive. Ipasok na natin sya sa kotse mo." Kalmado pading sabi nya. "Ano pa hinagawa mo, bilis!!!." Dahil sa sigaw nya ay natauhan ako at pinasok na namin ang nabangga ko sa sasakyan ko. Ang tumulong sa amin ang sya nang nagmaniho dahil nasa estado pa ako ng pagkagulat at kaba. Ako na ang umalalay sa duguang nabangga ko.
Ilang minuto lang at nakarating na kami sa isang hospital. Dalawa na kami ang nagbuhat at pinasok na namin sa sya hospital. Sa kasalukuyan ay duguan na din ang aking damit ngunit hinayaan ko lang ito dahil nag aalala ako sa nabangga ko. Ilang minuto din ang lumipas at Lumabas na ang doctor na nag asikaso sa nabangga ko.
"Sino ang pamilya ng pasyente?" Tanong ng doctor. "Ako po ang nakabangga sa kanya. Kamusta na po sya, ako na po bahala sa lahat ng gastusin nya rito." Sabay lapit ko doctor.
"Doc, kamusta po sya? Nabigyan ko na sya ng paunang lunas" singit ng tumulong sa amin.
"Ohh! Doc Zyne... Okey na sya. Ngayon ay inoobserbahan namin ang sugat sa ulo nya na sanhi ng pagdurugo. May mga kunting galos din sya na natamo at base sa ibang mga resulta ng tests wala naman nakitaan na malalang kumplikasyon. Ngunit sa mga susunod na araw ay oobserbahan pa natin kung may iba pa ba syang nararamdaman. Sige, alis na muna ako. Maiwan ko muna kayo."
Dahil sa narinig kong balita mula sa doctor na kumausap sa tumulong sa akin ay nahimasmasan ako kahit papaano. Nilapitan ko ang nagngangalang Zyne upang magpasalamat.
"Ahhhm. Sir. Maraming salamat po sa inyong tulong. Ako nga po pala si Vin ang nakaaksedinte po. Wag po kayo mag alala sir, sasagutin ko po lahat ng gastusin nya dito." Tinignan nya ako mula Ulo hanggang paa. Kinabahan akonsa puntong iyon.
" Hmm. Sige. Papatawarin kita sa nagawa mo. Since hindi mo sya tinakbuhan. At nakikita ko naman na may Kaya ka sa buhay kaya alang alang sa perwisyong nagawa mo sagutin mo ang pagpapagamot sa kanya."
Bawat bitiw nya ng mga salita nya ay kabado ako ngunit may isa lang ako pinagtataka sa sinabi nya, "Ahm, sir ano po ibig nyo sabihin sa papatawarin nyo po ako? Kaano ano nyo po yung nabangga ko sir?"
" Bago ako mag kwento sayo, ayusin mo muna ang sarili mo. Nagkalat ang dugo sa katawan mo. Mag linis ka muna. Tara may malapit akong kaibigan dito. Doon ka na magpalit. May mga dala ka bang pampalit?" Tanong nito sa akin.
" Meron po ako sa aking sasakyan."
" Bago yun, sabay ka muna sa akin." Hindi ko alam ngunit pumunta kami sa isang area sa hospital at pinaupo nya ako. Nilapitan nya ang isang nurse at nakita kong may inabot sa kanya. Agad lumapit sa akin at nilapit nya ang ulo nya sa aking ulo. Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na yun at nakatingin lang ako sa kanyang mukha. Ngayon ko lang napansin napakaaliwalas ng mukha. Ang gwapo nyang tignan. Kinis ng kanyang mukha, mala chinito ang kanyang mga mata, at pulang pula ang mga labi nito. Mula sa aking pagkamangha ay biglang natanong ko ang aking sarili "Anong nangyayari sa akin? Bakit namamangha ako sa kanya?"natapos ang aking pag iisip ng biglang may mahapding likidong ang lumapat sa aking noo.
"Aray!"
" Wag ka malikot. Nililinis ko ang sugat sa may noo mo upang di maimpeksyon. Akala ko ay dugo galing sa naaksedinte mo, galing pala sayo." Sabi nito sa akin at sabay na nilagyan na ng gasa (gauze).
" Posibleng nakuha ko ito noong nabangga ko ang kakilala mo. Dahil sa nakapag break agad ako noong nakita ko sya at nauntog ako sa monobila." Explain konsa kanya.
" Ohhhm. Cge tara na magbihis na ka na muna. Sabi ng doctor at magiging okey naman na daw sya. Balikan nalang natin sya pagkatapos mo magpalit."Ilang minuto lang at andoon na kami sa kakilala nya raw. Nag-usap silang dalawa at tinuro agad sa akin ni Zyne ang CR upang doon magbihis. Binilisan lang ang pagligo at agad ng nagbihis upang makabalik at makausap ko ang hospital na pinagdalhan namin sa naaksedinte ko.
Nilapitan ako ni sign pagkatapos ko mag ayos. "Ano pala ulit pangalan mo?" Tanong nito sa akin. "Vin po sir" sagot ko dito.
"Okey Vin, balik na tayo sa hospital." Aya nya sa akin. "Ty, alis na kami." Sabay nito sa kaibigan nya at napatingin din ako sa dako ni Ty at nag paalam na rin. Kunting sulyap lang ang nakita ko kay Ty ngunit masasabi ko malakas din ang dating nya.
Palabas na kami sa bahay ng kaibigan nya ng biglang tumunog ang Cellphone ko. Nakita sa orasan ng CP ko na 1:00pm na
"Shaine, sorry, cancel the appointment now. Emergency happened... (Talking at the other line) I will explain later... Okey... Bye..."1:30pm at nakabalik na kami sa hospital at pinuntahan ang doctor na nag asikaso sa nabangga ko. Si Zyne na ang lumapit sa Doctor at sinabi nya sa akin ang resulta.
"Vin... Si Rome..."
😲😲😲
_______________________________
... That will be all for today po muna.
Sana po may magcoent either maganda o pangit para ma improve ko po ang flow ng story. Thanks.
Hope meron magsupport at makaappriciate para mapagpatuloy ko lubusan ang kwento... Bawat Episode ay gagawin ko lahat upang may laman ang bawat baitang.
YOU ARE READING
BLEEDING LOVE
RomanceIsang kwento na di akalaing mangyayari. Isang kwento na magpapabago sa takbo ng mundong ginagalawan. Isang kwentong patuloy na magtatanong "normal ba ang magiging daang tatahakin?". Sa henerasyong ginagalawan natin, lahat ng bagay ang maaari mangyar...