Vice P.O.V..
"Well, it's been 25 minutes... Brad, sorry.... pero... late ka na.."
Yan ang mga linyang sinabi sa akin ng kaibigan kong si Vhong at Jhong, at sabay na tinapik ang balikat ko na may mapait na ngiti. Kumpleto sila, magkakasama.. at siya, mukhang masaya na, ang tamis ng mga ngiting ibinibigay niya sa mga bisita, at ang pagtingin sa kanya ng asawa niya, mukhang totoo at walang katulad.
Wala na siguro talaga, tapos na ang lahat, kasal na siya. Huli nanaman ako. Lagi na lang akong late
Kung hindi lang talaga ako nag-inarte, kung ginawa ko lang ang dapat kong gawin, kung ipinaglaban ko lang siya, kung hindi lang ako nagingtanga at lalong lalo na kung hindi mabagal yung taxing sinakyan ko kanina, ay na-abutan ko pa sanang malaya yung babaeng mahal ko , edi sana kami yung magkasama ngayon, kami yung masaya, at ako ang tumitingin ng ganun sa mga mata niyang walang katulad. Kung maibabalik ko lang yung mga araw na masaya kaming dalawa. Pero.. Wala na.. Tapos na, sumuko na ako ee, sumuko na rin siya, pareho na kaming bumitaw, ako... sa paninindigan ko sa kanya at siya naman sa harap na mismo ng altar.
Bahala na nga...
Hindi ko alam ngayon kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Malayo na rin ako sa lugar kung saan ginaganap ng selebrasyon ng kasal ni Karylle, pero ano pa bang magagawa ko, magiging masaya na lang siguro ako para sa kanya. Sana lang talaga pinaglaban ko siya.
-----------
General P.O.V...Flash back...
"Kung hindi mo lalayuan ang anak ko, sinasabi ko sayo, marami kang bagay na pagsisisihan, at sinasabi ko sayo, hindi kayo bagay, ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung magkataong ikasal kayo? Kung magkatuluyan kayo? Na ang asawa ng anak ko ay bakla? Ayaw kong ang anak ko ang maghirap sa mga sitwasyong ganon, at isa pa, puro kahihiyan lang ang maidudulot mo sa anak ko, at hindi lang yun, papa-ano na lang kung mapagtanto mong hindi mo pala talaga siya mahal? Na LALAKE talaga ang gusto mo? Iiwan mo ang anak ko at ipagpapalit sa lalaking 'yon? O pagsasabayin mo sila? Ganun ba ang gusto mo ha? Hindi deserving ang anak ko na maykahati, kungsapagkain at mga bagay-bagay nga lang hindi ko hinahayang may makihati sakanya, sa mga tao pa kaya na magiging parte ng buhay niya. Kaya kung pupwede lang iwasan mo na siya."
BINABASA MO ANG
25 minutes (A ViceRylle One-shot Fanfiction)
Fanfiction"well, it's been 25 minutes..."