*playing Kiss Me by New Found Glory*
Uhhh.. 5 minutes. Five more minutes please babangon na ako..
“HOY MARGE! Kung ayaw mong maistorbo ang mga kapatid mo ay patayin mo yang alarm mo! Ang ingay!” *momy
Ugh. Ang aga aga ang ingay na naman ni nanay. Issnooze mo muna. Pag tumunog ulit gigising nako. Promise.
*playing Kiss Me by New Found Glory*
“MARGARITA! AAKYAT NAKO DYAN. ISA.” *mommy
“Opo nay. Ito na. Ito na. Chill lang po kayo.” *marge
Tayo. Unat. Hilamos. Ligo. Toothbrush. Bihis.
Ako nga pala si Margarita Alcantara. Marge nalang for short. Hindi ko nga alam dito sa tatay ko at bakit puro alak ang ipinangalan sa anak nya. Palibhasa liquor bottle collector si daddy at si mommy naman siguro ay wala ng choice o tinamad lang magpangalan. Ay basta yun na yun. Si Ate Martini, isa nang businesswoman sa Cebu at ang bunso naman naming na si Mojito, ayun cute cute padin at magsstart na ng klase as a kinder stundent ngayong pasukan.
Nagulat na lang ako ng nakita kong nauna pa sakin si Miggy sa upuan. Aba’y kumakain na ng pancake. Inaanak din kasi siya ni mommy kaya feel at home na siya sa bahay. Psh.
“Marge, kain ka na o. Tsaka magsuklay ka din. Ilang araw nang hindi nakatikim ng suklay yang buhok mo?” *miggy na bulol bulol pa habang nagsasalitang puno ang bibig ng pagkain
“MEH. Pag nabulunan ka tatawanan na lang kita” *marge
“Kuyaaaaa Migggyyy” *mojito
“Hi baby moji. Ang cute cute talaga nitong kapatid mo o! Ba’t di nagmana sayo? HAHAHA” *miggy
Hinampas ko nga ang loko.
“AH. Sakit nun a. Moji o. Ate is bad” *miggy
“Ate. Don’t be bad to kuya Miggy. He’s nice and gwapo po kaya. I want to be like him!” *moji
“Ay baby, don’t say bad words” *marge
“Hoy anong bad don a? *miggy
“Ikaw mismo ang bad. Ayoko ngang maging playboy tong kapatid ko” *marge
“O sha, sha tigil na sa pag-away ah. Kumain na lang at malalate na sa school. At kayong dalawa? Di ba kayo titigil sa pag-aaway nyo? Nako nako ggraduate na lang kayo ay ganyan padin kayo? Di na kayo mga bata a” *mommy
“Opo” *miggy *marge
“Sge na tara na. Alis na tayo let’s goooooo!!!!” *miggy
“Goodluck sakin.” *marge
“Ano?” *miggy
“Walaaaaaa.” *marge
Hay nako, first day of school na naman. And as usual, kung hindi ako iirapan ng mga babaeng makakasabay naming sa school, sisikuhin ako o baka tulakin pa. Ba’t kasi naggwapuhan sila sa unggoy na ‘to. Kahit alam naman nilang may pagka playboy ay tuwang-tuwa pa din. Hay. Basta nasama lang sa list of Miggy Suarez’s girlfriends. Mga desperado nga naman.
Eto na. Eto na ang kalbaryo ko. Malapit ko nang madama.
“Ay teka ka lang Miggy. Kunin ko lang sa likod ng kotse yung notebook ko. Naiwan ko ata dun e.” *marge
“Sge una nako hams” *miggy
Ay oo nga pala di ko nasabi. Hams tawag niya sakin. Mukha daw kasing hamonado mukha ko. Sya naman din hams ang tawag ko sa kanya. Hambog.
“Yes. Got it. Thank you Mang Ben. Pakihatid na lang si Moji ah?” *marge
Then I planted a kiss on my brother’s cheek.
Eto na.
Pagkalabas ko palang sa kotse. Pulutong na ng mga babae ang nakita ko. Hindi ko na mahagilap si Miggy. Sabi ko na nga ba e. Mga babae naman kasi, tumigil na kayo sa kakapantasya dyan, wala nang pag-asang tumino yan at pagpapasa-pasahan lang kayo nyan.
“Miggy. Miggy” *marge
“Wow umasa pakong mahahanap ko pa sya a” *marge
Then out of nowhere, may humila sa balikat ko. Si Miggy pala. He pulled me into his arms at inakbayan pako. Edi tumalim ang mga tingin sakin ng mga babae sa school. Wrong move Miggy.
Panibagong kalbaryo nanaman to. Hay, please. Make it stop.
Dear Diary,
First day of classes na naman. And as usual, sasabak na naman ako sa gulo dahil sa pinaggagawa nitong bestfriend ko. Akbayan ba naman ako ng gago. Uh, please. Sana naman tumigil na tong kahibangan ng mga babae sa school naming. O kaya naman, lamunin nako ng lupa. Please lang.
Aside from that, wala namang pinagbago. Nasa star section sya at ako, nasa section two. May taglay kasi syang talino at ako naman, pwede na. Buti na nga lang at naghiwalay kami ng landas, kung hindi buong araw sira ang ulo ko kakaisip kung pano titigil to. Mabilis naman natapos ang klase at nagsiuwian na din ang lahat. Hindi ko na hinintay si Miggy kasi alam kong makikipaglandian pa yun.
All in all, masaya naman kahit papano kahit medyo asungot lang ang mga babaeng papaligid ligid samin ni Miggy. Kahit nakakasuka na mga mukha nila, wala naman akong magagawa e. Kaibigan ko si Miggy. At masaya naman ako kapag kasama sya J
HI! Thanks sa mga nagbabasa nito! Sana maenjoy nyo!
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Campus Heartthrob
Teen FictionNakakainis na nakakatawa na nakakabaliw. Yan ang everyday feeling ko bilang bestfriend ni Miggy, ang campus heartthrob sa school. Sana nga lang ay matagalan ko ‘tong baliw na kaibigan ko na ‘to. At alam kong malaking gulo ang pinasok ko.