MAXINE'S POV"Naalala mo pa 'to? Ito yung iniregalo ko sayo noong 18th Birthday mo" sabi ni camille at ipinakita kay kyle ang isang teddy bear
"Oo nga noh, ayaw ko pa ngang taggapin kasi ayaw ko ng teddy bear" natatawang sabi ni kyle
"Pero tinanggap mo parin kasi sa akin nanggaling"
"Mukhang close na close talaga kayo dati" sarkastikong sabi ko
Ngumiti si camille "Yes, halos di nga kami mapaghiwalay e"
Inirapan ko siya at kinain ang cake na nasa harapan ko. Kanina pa kami nakauwi pero wala talaga akong mahanap na paraan para paghiwalayin ang dalawa. Kanina pa kasi dikit ng dikit si camille kay kyle. Linta ba siya? Tsk. Para siyang sawa kung makakapit kay kyle. Sobrang bait kung makaasta pero nasa loob naman ang kulo
"Hinay hinay lang sa pagkain, diba ayaw mo sa cake?" sabi ni kyle at tumabi sa akin
Sinamaan ko siya ng tingin "Dati yun"
"Bakit galit ka?" tanong nito at tumawa
"Kasi nasasarapan ako sa cake"
"Okay"
Itinirik ko ang mga mata ko. Hindi niya ba alam na nagseselos ako sa kanilang dalawa? Manhid ba siya? Kailangan ko pa bang isigaw na naiirita ako sa higad na camille na yan
Tumayo ako at tinalikuran siya "Matutulog muna ako"
"Pero alas tres palang"
Naiiritang tumingin ako sa kanya "Pagod ako, magpapahinga muna ako. Tsaka muna ako kausapin kapag tapos na kayong mag-usap"
Tumayo siya at hinalikan ang pisngi ko "Okay, ipaglututo kita mamaya"
Tipid akong ngumiti nang maramdamang lahat ng inis ko ay nawala dahil sa halik ni kyle at gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil doon. Ang rupok mo naman maxine!
"Tsk"
Pumunta ako sa kwarto at humiga sa kama. Gumagala pa siguro kami ni kyle ngayon kung hindi pa dumating ang asungot na camille na yun. I can't believe that my first date is ruined because of that bitch. Ayaw kong lumalapit siya kay kyle kasi nagseselos ako pero ayaw ko namang paalisin siya kasi ako yung magmumukhang masama
Aaminin kong natatakot. Natatakot ako na baka maagaw niya si kyle mula sa akin. Kasi ganun naman palagi diba? Yung first love yung laging pinipili.
"Wake up honey"
"Kailangan mo ng kumain"
Bigla akong nang may maramdaman akong humahalik sa leeg. Hindi na ako nagulat nang makita si kyle na nakadagan sa akin habang naka ngising nakatingin sa akin
"Anong ginagawa mo?" tanong ko
"Palagi kong pinipigilan ang sarili ko dati kasi baka mapansin mong lalaki talaga ako kaya palagi akong lumalayo sayo"
"Pinagnanasaan mo ako dati?" nagulat ako sa sinabi niya "Bakit hindi ko man kang napansin yun?"
Ngumisi siya "You don't know how I badly want you..."
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang kabang nararamdaman ko. Bakit ang hot niyang tignan ngayon?
"You can take me, kyle" randam ko ang pamumula ng pisngi ko "Hindi ko naman kailangan magpigil"
"Are you sure?"
Sunod sunod ang paglunok na ginawa ko nang hubarin niya ang damit ko. Nanatili lang akong tahimik. Tumingin siya sa akin at sinunod na hinubad ang bra ko. Now I'm half naked. Isusuko ka na ba ang bataan ko sa kanya? Of course, nakabukakang ibibigay ko sa kanya ang perlas ng silanganan ko
"Yes, I'm sure"
"I'm just joking" tumawa siya ng malakas "Gusto ko lang makita ang reaksyon mo. You should see your face"
Naiinis kong tinampal ang braso niya at pinaalis siya sa ibabaw ko "Fuck you, kinabahan ako ng sobra doon"
"Gusto kong may mangyari sa atin sa gabi ng kasal natin" sabi niya
"Gaano ka kasigurado na ako ang gusto mong mapangasawa?"
Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko "Siguradong sigurado ako, Oo mo nalang ang kailangan ko"
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Is this a proposal? Kasi kung proposal ito, hindi na ako magdadalawang isip na sasagot ng oo. O baka isa na naman ito sa mga trip niya?
"Your joking right?"
Kinamot niya ang batok niya na parang hindi sigurado sa isasagot niya "O-oo, masyado pa tayong bata para doon diba? Hindi ka pa sigurado sa akin tama ba?"
Pilit akong tumawa "Bakit ba ang seryoso ng tanong mo sa akin kyle?"
Nag-iba ang emosyon ng mukha niya "Siguro gutom lang ako"
"Okay, gutom na rin ako e"
"Kyle!" napasigaw ako ng bigla niyang pinisil ang dalawang nipples ko
"What?" tumingin siya sa akin na para bang walang ginawang masama "You can't blame me, kasalanan yun ng dibdib mo. Its tempting me"
"At kasalanan pa talaga ng inosenteng dibdib ko ah"
Tumawa lang siya at tinulungan akong isuot ang tshirt ko. Gusto ko sanang isuot ang bra ko pero pinigilan niya ako. Gusto niya raw kasi nakikita ang dibdib ko. Bastos talaga
"Anong gusto mong lutuin ko?" hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng kwarto
"Sinigang"
"Hindi pa ako naka pagluto ng sinigang dati, pwedeng iba nalang?"
Ngumuso ako "Gusto ko ng sinigang e"
Nagulat ako ng bigla niyang halikan ang labi ko "Ang cute mo kapag nakanguso ka"
Lumayo ako sa kanya "Hindi mo ako pwedeng halikan kapag hindi mo ako ipinagluto ng sinigang"
"Sige na, ipagluluto kita" hindi maipinta ang mukha niya "Pasalamat ka mahal na mahal kita"
Kinindatan ko siya "Mahal din kita"
Napahiyaw ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinapit ako papunta sa kanya
Napangisi ako "Akala ko magluluto ka?"
"Dinner can wait"
Hindi na ako nagsalita ng hinalikan anh labi niya. Napangiti nalang ako at tinugon ang halik niya. Mukhang naadik din si kyke sa mga labi ko
"I really love your lips" sabi nito at kinagat ang ibabang labi ko
Ikinawit ko ang mga kamay ko sa leeg niya. Mukhang matagal pa kaming makakakain ng dinner nito!
Landi muna bago kain
BINABASA MO ANG
That gay is mine - Completed
RomanceHer pov Nakita ko si Kyle na naka upo sa mga isa sa mga bench habang nagbabasa ng libro "Hi babe" sabi ko at umupo sa lap niya Nakita kong nag iba ang expression ng mukha niya "umalis ka nga girl hindi tayo talo noh" maarteng sabi niya Ang arte tal...