Chapter 1

6 0 0
                                    

"Sa ulo ng mga balita, isang sasakyan ang sumalpok sa isang motor na nakaparada. Isang bata ang namatay nang dahil sa insidenteng ito"

Unti unting nawawala ang tunog mula sa telebisyon para bang nabingi ako ng bahagya, ayoko nito, ayokong mapanuod to, ayokong marinig to, ayoko ...

"Remo, anak"

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang isang tinig na tumawag sa aking pangalan.

"Anak, ayos ka lang ba?"

"O-opo ma. Gagayak na po ko para pumasok"

Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta ng cr para maligo at gumayak.

*********
" The concept of the zodiac originated in Babylonian astrology, and was later influenced by Hellinistic culture."

/buntong hininga/ nakakabagot talaga tong klase na to.

" Psst, remo ayos ka lang lalim ng buntong hininga mo ah. "

Kahit sino nalang talaga napapansin netong tao na to. Nag okay sign lang ako sakanya. Ayokong kausap yung monggoloid na yun.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para maglaro. nang bigla itong tumunog dahil may nag text.

" Babe, kita tayo mamaya after school. Same place. See u. "

"Okay babe, see u. Love you "'

Pagkatapos kong magreply ay tinuloy ko na ang naudlot na paglalaro. Ayoko na makinig sa subj na to. Nakakatamad lang.

*********

Dito kami madalas magpunta ng girlfriend kong si coleen. Sa tabing dagat malapit sa school kaunti lang ang napunta dito, bago ko pa makilala si coleen madalas  nako pumupunta mag isa dito bukod kasi sa tahimik at magandang tanawin eh masarap din ang simoy ng hangin.

Magmula nung insidenteng nangyari sa kapatid kong si izzy nawalan na ko ng tiwala sa ibang tao. Pero nagbago ang lahat ng yon ng makilala ko si coleen. Ang babaeng mahal na mahal ko.

Nag p-part time siya bilang model at ako naman bilang photographer, parehas kaming nasa 4th yr college ni coleen, multimedia arts ang course ko ang course niya naman ay fine arts. Bukod kasi sa pag momodel hilig din talaga ni coleen ang pag guhit.

Hindi kami madalas magkita ni coleen pero sa mga panahong down na down ako nandiyan siya palagi. Pero sa pag kakataong ito parang may kakaiba akong nararamdaman iba yung kaba ko ngayon.

" Hi babe, kamusta? "
Lumapit ako sakanya para yakapin at halikan ang pisngi nya.

"Okay naman ako. Ikaw? "

"I'm fine. Pero alam mo sobra akong nalulungkot ngayon, sinisisi ko na naman ang sarili ko sa
pagkawala ng kapatid ko."

"Ahmmm, remo may sasabihin ako"

Kung tama man tong kutob ko ayokong marinig ang sasabihin mo.

"Nagugutom ka? Gusto mo kumain? Tara treat kita ano gusto mo? SB? Mcdo? Jollibee? KFC? Ano babe? "

"Remo stop! "

Tumigil ang mundo ko sa sigaw niya. Bakit? ngayon lang ako sinigawan ni coleen ng ganyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Happiness starts with U Where stories live. Discover now