Prologue

52 1 0
                                    

"Dave, sorry. Inaamin ko, nag-decide akong makipag break sayo basta-basta. Pero pinag-sisihan ko na. Sobrang nagsisisi na ako, Dave."

"Diane, hindi naman pwede yun. Di pwedeng aalis ka tapos babalik ka kapag okay ka na. Paano kung sabihin ko na sa pag-alis mo, may nakilala na akong bago? Bagong tao na minahal ako nung panahon na wasak at lugmok ako dahil sa pag-alis mo?"

"Dave..."

"Stop being unfair, Diane. Mahal kita pero hindi ko kayang saktan si Bea."

"Paano ako? Mas kaya mo na ba akong makitang umiiyak at nasasaktan ngayon?"

"Kinaya mo din na makitang nasasaktan at umiiyak ako dati diba? Siguro ngayon, kakayanin ko din."

"Dave please, no. Ako na lang ulit. Tayo na lang ulit."

"Tama na Diane. Ayoko na."

"And, cut!" Agad na tumigil ang pag-roll ng camera. Pati yung luha ko, matik na tumigil din at ngumiti sabay yakap sakin ni Jigs, ka-eksena ko kanina.

"Good job, Serenity! Kuhang-kuha ang emotions at timing sa pag-bagsak ng luha!" Salubong ni Direk Tonet saakin bago ako niyakap.

"Thank you, Direk." Nahihiya kong sabi.

"Ikaw din, Jigs. Galing mo! Di ako nagkamali pag-tambalin kayong dalawa." Sabi ni Direk tapos tinulak palapit sakin si Jigs. Tumama pa nga noo ko sa dibdib niya, tangkad din kasi nito eh.

"Nadala lang sa emotions ni Serenity, Direk. Si Serenity talaga ang magaling dito." Nakangiting sabi ni Jigs saka tumingin sakin. Kahit nawawala ang mata niya kapag nakangiti, alam ko naman nagtama sandali mata namin, tapos sabay din kaming napaiwas at hindi ito nakaligtas sa mata ni direk.

"Ay sus, nagkahiyaan pa. Magiging hottest loveteam na kayo. Dapat masanay na isa't isa."

"Ay direk, pwede po ba mag-water break?" Tanong ko agad. Si Jigs naman, ramdam ko na napatingin na naman saakin.

"Ay oo naman. Sige, go. Dun muna kayo sa tent ninyo ha. Tapos roll ulit tayo sa next scene."

"Okay, direk. Thank you po." Paalam ko saka nauna nang mag-lakad pero sabi ko nga, mas matangkad si Jigs sakin. Ang takbo ko, lakad lang sakanya.

"Iwas na iwas sa topic na loveteam ah." Pang-aasar niya.

"Alam mo Jigs, kahit kailan di ko ginusto ang loveteam. Kaya swerte na lang talaga nila kung papatok ito sa masa." Sabi ko saka pumasok na sa sarili kong tent kung saan naghihintay sila Mama.

Hay nako. Love team? Bakit ba kailangan pa nun kung kaya naman na mag-trabaho at maging successful nang walang ka-loveteam at nag-iisa, diba?

Tsaka, sakit sa ulo lang din yan eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Are Inlove || SHARDON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon