Paradise in Storm
2020
"Yani Althea! Pinapatawag ka roon ng demonyong Cyd sa site." sabi ni Kayla sa akin pagkapasok niya ng office ko.
"Wow ang unprofessional sis ah? Maka-Yani Althea akala mo nasa bahay? Nasa condo ka ghorl?" sabi ko at inirapan ko siya.
May inaayos akong documents dito sa laptop ko at kailangan na raw ng mga kliyente ko kaya naman mula kaninang umaga ay ito ang pinagkaabalahan ko. Matatapos naman na ako at ipapaprint ko na lang sa assistant ko para hindi na ako mahassle. Wala pa akong lunch mga sis. Doon na lang siguro ako maglunch sa site, for sure naman may pagkain doon si Cyd.
Inayos ko na ang gamit ko at nagretouch sandali, "Bantay ka dito sa office ko sagutin mo tawag kung may tatawag." bilin ko naman sa kanya bago ako umalis.
Nagpalit pa muna ako ng rubber shoes at ayoko namang mahirapan sa suot kong heels pag nasa site na ako. Gaguhin pa ako ni Cyd Ferrer.
Nagdrive ako pa-Antipolo dahil doon iyong site ng ginagawang condominium. I was a bit uneasy habang nagda-drive, idagdag mo pa ang traffic pero hinayaan ko na lang.
"Wow, Architect Claveria, nakakahiya sa'yo ah? VIP ka?" sabi niya st sininghalan ako. Inirapan ko lang siya.
"May food ka?" iyon ang bungad ko at hindi pinansin ang sinabi niya. Naupo na muna ako dito sa tent habang inaasikaso niya 'yong planong sinasabi niya sa akin.
"Bakit? Nagskip ka na naman ng lunch ano?" sabi niya at pinagsingkitan pa ako ng mata. Tumango lang ako at sinabi niyang walang pagkain dahil anong oras na pero nag order pa rin siya ng wings at rice sa favorite naming kainan.
Kumain pa muna ako bago niya ipakita sa akin iyong kanina niya pa sinabi na adjustment daw, "So 'eto nga Yani Althea, may adjustment kaming inaayos dito sa part na 'to dahil medyo sumikip 'yong lugar." sabi niya habang turo sa papel na hawak niya.
"Wow, adjust adjust walang paa-paalam? Archi ka na rin Ferrer?" pangbabara ko naman sa kanya. Madali naman ayusin iyong adjustment na gusto niyang mangyari, gusto ko lang siyang inisin.
"E ano pa lang ginagawa mo dito?" sarkastikong sabi naman niya at inirapan pa ako. Kaunti na lang talaga iisipin kong bakla 'tong gago na 'to.
"Ha?"
"Sabi ko ano--"
"Hatdog." sabi ko at tinakbuhan ko siya. Hinabol niya naman ako at akmang babatukan ng may tumawag sa kanya. Wow, saved by the bell, or should I say saved by the kuya na tumawag sa kanya? Tsk, nevermind.
"Why?" seryosong sagot niya lang.
"Nandito na po kasi si Engr. Ayala. Nasa may tent po siya."
Nagpantig ang dalawang tenga ko sa narinig ko. Engineer Ayala? Napatingin sa akin si Cyd, siningkitan pa niya ako ng mata. "Makakaganti rin ako sa'yo Archi Yani." sabi niya at tumawa.
Pumunta na si Cyd sa tent pero ako nandito lang sa likod dahil chinecheck ko pa ng mabuti 'yong adjustment na sinasabi ni Cyd sa akin kanina, nang matapos ay sumunod din ako kay Cyd sa tent.
"Cyd!!!" hiyaw ko sa kanya mula sa malayo.
Napalingon naman sa akin si Cyd pero binalik niya rin sa kausap niya ang atensyon niya. Tumakbo ako papalapit sa kanila ng hindi nililingon ang kasama niya dahil nakatalikod siya sa akin. Ako pa mag-aadjust?
"Uy Cyd."
"Architect Claveria, engineer Ayala is here, don't just call me whatever name you want, if we're in site. Wala tayo condo mo. Have some professionalism. Act like one." he said then chuckled. Nang-iinis ba siya? Or bobo talaga siya? Ang arte. Kung ako nga Yani Althea ang tawag niya.
Nilingon ko naman iyong kaninang kausap niya. Nagulat ako ng makita kung sinong Engineer Ayala ang tinutukoy niya. Nanlaki ang mata ko pero hindi ko pinahalata ang reaksyon ko. Gusto kong umatras at bumalik sa likod pero pakiramdam ko ay nafreeze ako sa kinatatayuan ko. I can't even say a word. Biglang bumigat ang paghinga ko. I'm lost for words and reactions.
"Say hi." utos pa ni Cyd at doon lang ako bumalik sa reyalidad.
"Uh, hi Engr. Ayala." matipid kong bati sa kanya. I don't want to mess things up. I didn't even clear things to him. I sighed. Tumango lang siya at hindi na ako ulit pinansin. He looks so clean and more mature than before.
"He will be joining our team since na-injured si Engr. Gomez." paliwanag ni Cyd sa akin kung bakit nandito si Calix.
Calix Ayala.
Hindi nagprocess ng maayos iyong sinabi ni Cyd. Umalis na si Calix and he even said na binisita niya lang iyong site at kinilala ang makakatrabaho niya. He doesn't even know na ako ang Archi at si Cyd ang head.
Umalis siya na parang bago ang lahat sa kanya.
Umalis siya na parang walang nangyari.
And he left us like he doesn't even know me at all.
Katulad ng ginawa ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Paradise In Storm
Teen FictionYani Althea, a student from UST, is known as a ghoster and party goer but she said she is not. Calix, a student from De La Salle University, engineering in the making, rich but humble.