Maraming nagtataka at naguguluhan kung bakit sa haba ng taon na pagsasama ng Hari at Reyna ay hindi pa din ito nakabubuo ng batang magiging tagapagmana ng kanilang trono balang araw. Kung kaya't labis nila itong ikinapag-alala, dahil sila'y tumatanda na at kailangan na nila ng tagapagmana.
Sa kabilang banda, isang matandang nakabalot ng itim na balabal, daladala ang ang kanyang tungkod na kanyang suporta sa kanyang paglakad, siya'y patungo sa kastilyo upang maghatid ng mensahe.
Agad siyang hinarangan ng mga kabalyero, "Narito ako upang maghatid ng mensahe sa Hari't Reyna ukol sa pagkakaroon ng anak." nakangiting wika nito, agad nagtungo ang isang kabalyero sa hari at sinabi ito na sya naman agad pinahintulutang papasukin ng Hari ang matanda.
"Sabihin mo sa akin, kung ano ang dapat naming gawin upang magkaroon kami ng supling." maotoridad ngunit puno ng pag-asang sabi ng hari. Umaasa na sana'y ito na nga ang maging paraan upang magkaroon sila ng anak.
Palihim na napangiti ang matanda, umaayon ang lahat sakanyang plano.
"Mayroong diwatang nagngangalang Eileithyia, tawagin niyo lamang sya at agad nya kayong tutulungan. Ngunit pakakatandaan ninyo na anumang hilingin niyo sakanya ay may kaakibat na kapalit." wika ng matanda at tska naglabas ng isang pirasong papel, sya'y nagbigay pugay sa hari at reyna at tska inilapag sa harap nila ang papel.
"Kunin niyo ang papel na iyan, at bigkasin ninyo upang matawag ninyo ang diwata." nakangising sabi ng matanda pagkatapos kunin ng hari ang papel na inilapag nya. Tinignan ito ng hari at tska sya naglaho na parang bula.
Agad nagtungo sa silid ang Hari at Reyna. Bakas ang tuwa at pag-asa nila, ngunit naroon pa din ang pag-aalinlangan.
"Sigurado ka ba sa gagawin natin?" nangungusap na tanong ng Reyna.
"Wala na tayong ibang pagpipilian pa mahal ko." determinadong sabi ng Hari.
Ibinuklat ng Hari ang papel at huminga ng malalim tska ibinigkas ng malakas at malinaw ang mga salita.
"Ω θεά Ειλιθία, σας καλούμε. Σας χρειαζόμαστε, παρακαλώ ακούστε μας και καλέστε το όνομά σας, Eileithyia!"
Tila huminto ang oras at panahon pagtapos banggitin ng hari ang mga kataga. Isang diwata ang nasa kanilang harapan at nakatitig sakanila.
"Anong maipaglilingkod ko sainyo?" wika nito sa napaka gandang tinig niya.
"Nais naming magkaroon ng anak, ng tagapag-mana." buong giting na wika ng hari habang yakap ang kanyang asawa.
Napangiti ang diwata sa wika ng hari. "Ngunit alam naman siguro ninyo na anumang hilingin ninyo ay may kaakibat na kapalit hindi ba?" naniniguradong wika nito.
"Alam namin, at nakahanda kaming harapin ang kapalit na yon." wika ng Reyna at patuloy na ngang bumagsak ang nangingilid niyang luha.
"Makikilala nyo siya sa tamang panahon, dahil mahina na ang katawan ng Reyna, pipili ako ng dilag na magdadala ng inyong anak, huwag kayong mag-alala dahil dugong bughaw pa rin ang dadaloy sa batang iyon." huling wika ng diwata at tuluyang naglaho. Naiwan ang tulalang hari at reyna na hindi pa din makapaniwala sa nangyari.
"Hihintayin ka namin, anak ko." wika ng reyna habang patuloy pa rin sa pag-iyak sa bisig ng kanyang asawa.
--------------
Note: This is a work of fiction. The characters, places, events are fictitious. Any similarities to any dead nor living person, actual events and any historical facts are purely coincidental.
Also this story contains a lot of typo's, grammatical errors, misspelled words,so I apologize for that. I hope you guys understand me, I'm not a professional writer at all.
-RielheartTina
BINABASA MO ANG
Rise of the Wicked Princess
FantasíaA nobody that turned into a powerful woman that can save the whole world of Vitarus who's against into Bevicsair. Can she handle it when she finally met the other person who have the guts to beat her? A story that can be full of lies, betrayal and...