01

89 22 0
                                    

Si Coleen kate ay anak ni Kate Lewis at ni James Treechada at Apo ni don Wilson treechada ang may ari ng TU. Half Thai at half British siya. Pinanganak sya sa Thailand at lumaki siya dito sa Pilipinas.

Sa murang edad mayroon na siyang 5 mamahaling kotse 2 mamahaling motor, dalawang condo, isang bahay sa Paris, Korea,Thailand at sa Italy at kapag tapos na siya sa college ibibigay na sa kanya ang isa company ng pamilya nila.

Madalas mabully si coleen ng mga nag aaral sa university na pagmamay-ari ng pamilya nila dahil tinatago niya ang totoong pagkatao niya sa mga ito pati na din ang pagiging miyembro ng black gang. Pero lahat ng nambubully sa kanya ay nagkakaroon na lang bigla ng card sa mga locker at kinabukasan mararanasan din nilang mabully ng black gang.

---

Coleen

Papunta ako ngayon sa university namin nagpahatid na lang ako kay mang canor dahil hindi nila alam ang totoo kong pagkatao.

Habang bumabyahe kami nilalagay ko ang contact lens ko sa mata kong kulay green yes green siya dahil na mana ko ito kay dad british siya kunti lang naman ang na kuha ko kay mom ang pagiging maganda niya at pagiging magaling sa pagkanta at paglaro ng volleyball.

Nang mailagay ko na sa mata ko ang contact lens nauntog naman ako sa upuan na nasa harap ko bigla kasing prumeno si manong

"Manong ano meron?" Wika ko habang sapu sapu ang noo

"Sorry po ma'am may biglang po kasing dumaan na motor sa harap natin" manong said

Umandar na ulit ang kotse ilang minuto lang nakarating na kami sa university.

Habang naglalakad patungo sa classroom namin may pumatid sa akin unang bumagsak sa sahig ko ang aking tuhod. Hindi ko agad nagawang tumayo dahil sa basag na tiles ako bumagsak sobrang sakit ng tuhod ko ngayon.

"Tayo na dyan" tinignan ko kung sino ang nasa harap ko si alex pala nakalahad ngayon ang kamay niya sa akin hinawakan ko iyon. Nagulat naman ang iba sa ginawa ni alex dahil tinulungan niya ako.

"Kaya mo bang maglakad?" Tanong niya saakin habang inalalayan akong tumayo.

"Hindi sobrang sakit ng tuhod ko" wika ko habang nakatingin sa tuhod ko.

Naramdaman ko na lamang na nakaangat na ako sa ere buhat buhat niya na ako pala ako. Sa bawat madadaanan namin may mga bumubulong mukhang kami ang pinaguusapan. Papunta na pala kami sa clinic.

Ibinaba niya ako sa kama at agad naman akong inisikaso ng nurse nilinis niya ang sugat ko at nilagyan ng bandage buti nga daw walang bubog na ang tuhod ko.

"Bakit kasi tinatago mo pa din ang pagkatao mo ck" mahinang saad niya sapat lang ang hina na kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Hindi pa pwede lex basta mangyayare din yun... Nakita mo ba kung sino pumatid sa akin?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan si nurse J baka marinig kami nito.

"Oo kami na bahala doon ck, kaya mo na ba maglakad?"

Tumango ako sa kanya at bumangon na sa pagkakahiga. Paghakbang ko bigla naman akong nakaramdam ng kirot nadurog ata buto ko.

"Kaya pala ah" nilingon ko si alex na ngayon ay nakangiti. Pinaupo niya ulit ako at lumabas siya para tignan kung may mga tao pa sa hallway.

"Wala ng tao sa hallway pwede na kitang madala sa tambayan doon ka na lang magpahinga" saad niya habang hinahap ang wheelchair, inalalayan niya akong makaupo sa wheelchair.

Habang tulak tulak niya ang wheelchair kinausap ko ito.

"Alex ang wig ko at ang maskara ko?" Hindi kasi nila pwedeng ng ibang gang na kasama namin na ang isang coleen kate lewis ay miyembro ng black gang.

"Andun sa cabinet ko nakatago suotin mo yun baka mabuking ka ng mga Phoenix" alex said.

Nang makarating sila sa tambayan agad hinanap ni alex ang wig at maskara ni coleen at pinasuot niya ito dahil hindi nga siya pwedeng makilala. Ang dating blonde hair ni coleen ay naging black na dahil sa wig na itim. Kumuha naman si alex ng pang cold compress para mawala ang pagmamaga ng tuhod ng kanyang kaibigan pag katapos ng cold at hot naman.

"Dito ka na lang muna coleen babalik na ako sa room ako na bahala sa magpaliwanag" humakbang na si alex papunta sa pintuan.

Pinagmasdan ko ang tuhod kong namumuo na ang dugo at may sugat grabe naman ang ginawa nila sa akin nanahimik lang akong naglalakad kanina tapos biglang may mamatid! Ano kaya ang magiging itsura ng mga nambubully sa akin kung malaman nilang isa ako sa black gang hmmm.

Ipinikit ko ang aking mata para makapag pahinga muna kahit sandali lang.

"Hmmm"

May umuyugyog ata sa akin sino ba to? Halos mapatalon ako sa gulat dahil kay charles jusq naman natutulog ako eh.

"Ck kain ka na" wika niya habang may hawak na plato na may carbonara pagkakuha ko ng carbonara tumayo si Charles at inayos ang kurtina na nagtatakip sa salaming naghahati sa amin ng Phoenix at Black gang.

Inalis ko naman ang maskara ko at pinalitan ng maskarang tanging bibig ko lang ang makikita upang makakain.

"Coleen naman pwede ba tigilan mo na itong pagtatago mo hindi ka na nakakatuwa lagi ka na lang napasa"

Ayan na nenermon na siya ulit. Hinayaan ko na lang siya magsermon mapapagod din siya.

Nagbuntong hininga na lang si Charles. "Pagkatapos mong kumain hahatid na kita sa condo mo para doon ka na magpahinga makita ka pa ng mga babae nila Alex dito"

Tulad nga ng sinabi ni Charles hinatid niya na ako sa condo pero ngayon dala ko na ang wig at maskara ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving you (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon