I.

39 4 0
                                    



"Ms. Dellam, kindly wait for your professor outside the faculty for your next exam." Sabi ng professor ko sa Distribution Management pagkatapos kong mag-take ng special exam sa kanya, after ng school year.

"Thank you Mr. Palomar." Saad ko bilang pasasalamat kasi pinayagan niya akong mag-exam kahit pa hindi pa ako nakakabayad ng tuition for Finals.


I'm Calliah Dellam. I'm currently in my Third Year in College, taking up Marketing Management. And I'm here today in our university to take special exams since I haven't paid my tuition for finals and I don't know when will I be able to pay for it. I was just really thankful that my professors understand my situation.

Sobrang hirap kami sa pera ngayon lalo na ang tatay ko ay hindi na ulit naka-sampa sa barko bilang isang technician. Nalugi ang kompanyang pinapasukan niya at kinailangan nila magbawas ng mga tao at sa kasamaang palad, kasama roon ang tatay ko. Ang mga kapatid ko ay may mga trabaho pero hindi yun sapat para tustusan ang pag-aaral ko.

Dapat nga hindi na ako makakapag-aral ngayong semester kasi 'yong pinang-down payment ko ngayong term ay ipinautang lang sa akin ng blockmate ko na si Carmina. Siya yung isa sa itinuturing kong bestfriend sa university namin, may sariling kumpanya ang pamilya, at sa totoo lang, siya ang pumilit sa akin na magpautang ngayong term kasi sayang raw dahil matalino raw ako. Wag raw ako tumulad sa kanya na nagbubulakbol. Kaso nga, nahihiya na rin ako paano siya mababayaran kasi last term, third year first semester, siya na ang nagbayad sa kulang sa tuition ko kasi hindi ko na alam saan ako kukuha nang pambayad doon.


"Ms. Dellam? Is that you?" Naputol ang pag-iisip ko noong may tumawag sa akin. Napa-angat ako ng ulo para makita kung sino ang tumatawag sa akin.

"Good morning Mrs. Reyes." bati ko nang makita kung sino ito.

"Come inside. Follow me." tumayo ako para sumunod sa kanya. Siya ang professor ko sa Labor Laws and Legislation, ang susunod na exam na itetake ko. Kasal na si Mrs. Ella Reyes pero alam ko, wala pa silang anak, hindi raw sila magka-anak. Ewan ko kung totoo 'yon kasi narinig ko lang 'yon isang beses noong nasa canteen ako kasama ang mga ka-block ko.

Umupo ako sa upuang itinuturo niya, sa may gitna ng faculty kung saan may parihabang lamesa na kakasya ang sampung tao. Walong upuan na magkakaharap, at dalawang silyang naka-pwesto sa magkabilang dulo nito.

"Ms. Dellam, dala mo ba ang permit mo?" Sabi ni Mrs. Reyes habang palapit sa akin dala-dala ang blankong exam papers.

"Opo ma'am." Sagot ko habang kinukuha ang exam permit ko sa loob ng shoulder bag ko. Pagkakita ko nito ay inabot ko sa kanya na nakatayo sa harap ng inuupuan ko.

"You know Ms. Dellam, you're a very bright student. I don't know what is happening with your family, but they should have prepared for this already." Nakatingin ako sa kanya habang tumatango tila nauunawaan ano man ang gusto niyang iparating. "I will let you take my exam because I am very worried about your grades if you won't be able to take this. But make sure to answer the questions very carefully, okay?"

"Yes ma'am. Thank you for letting me take the special exam." Sagot ko. Pagkasagot ko sa kanya ay naglakad na siya papunta sa cubicle niya. Yumuko na ako para makita kung ilang pahina ba mayroon itong exam niya.

Napakamot na lang ako sa noo ko na'ng makitang apat na papel na itong nakastapler at tatlo sa mga ito ay back-to-back at yung pang-huli ay kalahati lamang ng buong pahina. Pero ang maganda doon, kahit gaano katagal ako mag-sagot ay ayos lang dahil wala naman ako sa klase.

Nights And LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon