I am already panicking. I don't know what I am going to do when Ali's mom will find out that he is here in Japan and most specifically in my home. This is suicide.
I opened the door and I saw him smiling from ear to ear. There's the Ali that I know for years. The Ali that I fell inlove with. The Alistair Hio of my life.
"I told you I will be careful." He said while carrying his luggage.
All my worries were finally over, seeing his face made me happy. He is really the source of my happiness. 3 years without seeing his face is somewhat depressing and I didn't even imagine that it would come to this point, where I can finally see him.
Umupo kame sa may lapag, magka harap. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa'kin. I am facing my laptop. It's already late and I am finishing the last episode for season 1 of Elite.
"I finished that one. You want spoilers?"
"Talagang natapos mo to?" I asked him.
"Oo nga. Pero syempre ayaw mo ng spoilers." He said and he sipped his tea, "Tapusin mo na yan. I want to sleep." He said.
"Dito ka naman sa labas matutulog." I told him.
"Kaya mo ba na mag isa lang sa kwarto?" He asked, "3 years rin yon Ali. Nakaya ko nga." I told him.
"Hindi ka ba natetempt na makatabi ako?" He asked me.
Minsan rin ang sarap nitong tirisin. Ang raming alam sa buhay.
Alas dos na ng madaling araw at hindi man lang ako makatulog. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko kay Ali. Hindi talaga ako makatulog, ngayon pa na alam kong andito siya.
"Hoy Alistair Hio dito ka nga." Bulong ko sa kanya mula sa pinto ng kwarto ko.
"Wow naman. Sabi na eh. Hindi mo ko matiis." Sabi pa niya.
"Titirisin kita." Banta ko sa kanya.
Pumasok siya sa kwarto ko at agad namang tinanggal ang pang itaas niya.
"Punyeta. Mag damit ka nga!" Suway ko sa kanya.
Ngumiti lang siya ng nakakaloko at humiga sa kama ng walang pang itaas. "Mainit. Hindi ba uso AC sayo?" tanong niya.
"Ayaw ko mag AC ngayon, hindi ko feel." Sabi ko sa kanya.
Kahit na andito na siya sa tabi ko, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga pictures nung pumunta ako ng Okinawa. Ang ganda talaga ng mga cherry blossom trees don. Sayang nga lang wala si Ali sa tabi ko. Kahit 3 years na ako dito, yun ang unang beses kong pumunta ng Okinawa para tingnan ang cherry blossom trees. Wala akong gana nung una, isa pa wala si Ali, tyaka naka coma rin siya that time. At hindi man lang ako makauwi sa Pinas.
Hinablot niya ang cellphone ko at nilagay sa ibaba ng kama. Humarap siya sakin at ngumiti. Hinawakan niya ang mukha ko.
Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang mukha niya. Sa totoo lang, wala pa ring pinagbago sa 3 years na hindi ko siya nakita. Talagang, talagang... na miss ko siya. Naramdaman ko na unti unti na akong naiiyak habang nakatingin sa mukha niya. I felt his lips move towards my lips.
Alistair Hio, bakit ka ganyan?
-
I woke up facing his adams apple. Hindi ko na maalala anong nangyari kagabi matapos niya akong halikan.
"Wake up na. Lutuan kita ng healthy breakfast." He said and smiled.
If smiles could kill, patay na siguro ako ngayon.
"Wag mo lang iopen ang blinds ha. Baka makita ka ng mga tao. Malaman. Parehas tayo patay nyan." I told him.
Nag thumbs up lang siya at umupo sa kama. He faced me, smiling. "Kiss mo muna ako." He teasingly said.
"Manahimik ka nga. Magluto kana don." I said.
Nag pout naman siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko, "Ako nalang kikiss sayo." He said and gave me a smack.