Dave's
Nandito kami ngayon ni Lillian sa music room namin nag-aaral kase sya ng gitara para sumali sa music fest. sa school namin. Nandoon sa baba si Mom dahil tinutulungan nyang mag ayos sina Nana, at si Dad naman ay kasama nung driver nya dahil pinalinis nila yung van at yung kotse ni Dad.
Jane's
Nandito kami sa resort kung saan ipag diriwang ang birthday ng kapatid namin na si Jacob ito ay ang 7th Birthday nya. Ngayon ay lumalangoy na sila at ako ay nandito sa room na inarkilahan namin dito sa room na ito ay kami lang ni Jake ang matutulog pero meron kami ditong tig-isa na kama,dahil si Mom,Dad at Jacob ay nasa isang kwarto lang at meron lang doon na dalawang kama kaya inarkila na nila kami ng sarili naming kwarto."HAPPY BIRTHDAY JACOB" iyan ang ipinalagay ko para sa kanyang birthday cake at sa ibabang bahagi nito nakasulat ang "We love ü" at "FROM:MOM,DAD,KUYA&ATE" ako kase ang bumili ng cake nya bilang regalo ko sakanya pero meron padin kaming surprise gift na nakalagay sa likod ng bahay namin.
Ranz's
Nandito ako ngayon sa room ko dahil nag babalot ako ng regalo para kila Mom&Dad dahil Anniversary nila ngayon. Nandoon sila ngayon sa school ni Kyline dahil kinuha nila ang card nito kakauwi lang din namin ngayon dahil kaka galing lang namin sa simbahan malapit dito sa subdivision na tinitirahan namin. kaya mabilis lang din silang naka-alis. Nag-paorder na ako ng pizza sa yellow cab at ng iba pang pagkain dadating iyon mamayang 9:30,ngayon ay 8:52 palang at mamayang10:00 pa dadating sila Kyline patapos na rin ako dito sa pag babalot kaya makaka tulong na rin ako kila yaya na mag ayos doon sa baba.
Jake's
Nandito na kami sa bahay at kakadating lang din namin galing sa resort na pinagganapan ng birthday ni Jacob nag bubukas na din sya ng regalo at hindi pa namin binibigay ni Jane yung regalo namin sakanya."nasan na yung gift ni kuya at ate? " nag katinginan kami ni Jane pati na rin sina Mom&Dad kaya agad kaming pumunta doon sa likod ng bahay namin at biglang bumungad sa kanya ang isang malaking kahon binigay ko yung susi kay Jacob "What's this?" sabi nya sakin "susi, para magamit mo yung regalo namin sayo"
at agad siyang tumakbo papunta sa box na iyon at agad agad nyang binuksan "Wow! thank you kuya and ate,i love you so much"
At sumakay na sya sa kotse niyang laruan. Iyon ang dati pa niyang hinihiling saamin ni Jane pero sabi namin sakanya na pag iipunan muna namin."I'm so happy!" sigaw nya habang pinapa andar ang sasakyan niya.Jasmin's
Nandito ako ngayon sa room ko at kakatapos ko lang mag aral ng gitara. Si kuya Dave ay nandoon sa kwarto nya dahil inaayos nya yung mga gamit nya dahil sila Nana ay nag papahinga na dahil kakatapos lang nila ni Mom mag ayos dun sa baba at sila Dad naman ay pauwi na rin. Gumagawa ako ng project namin sa school ngayon.
Quino's
Nandito kami sa labas ng bahay ng lola ko dahil birthday ngayon ng pinsan ko na si Darren ito ang 8th Birthday nya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang regalo kaya binili ko nalang siya ng damit at shades na sigurado naman ako na magugustuhan niya. "HAPPY BIRTHDAY DARREN! WE LOVE YOU!" yan ang nakalagay sa cake niya na si tito ang bumili. Si kuya ay nasa labas ngayon dahil nag ba-basketball sila ni Darren.
Alliyah's
Nandito ako sa court dito sa subdivision na tinitirahan namin dahil inaya ako ng kapatid ko na si Aaron para samahan siya,meron namang kubo dito at electric fan kaya kahit nakaupo lang ako dito ay hindi ako maiinitan. Si Mama at Papa ay nasa bahay namin dahil nag-lilinis sila.
Cathlyn's
Nandito kami sa mall dahil ipinagsho-shopping kami ni Dad dahil birthday nya ngayon ang weird kase dapat kami ang gagawa nito sakanya,pero meron naman kaming surprise sakanya. Kunyari ay magaaya lang si Caleb doon sa club house ng subdivision na tinitirahan namin pero meron kaming surprise para sakanya. Si Caleb ang nakababatang kapatid ko 5 years old palang siya.
Quinn's
Nandito na kami sa simbahan dahil natapos na kaming kumain. Galing kami sa Birthday ng pinsan ko na si Darren na ginanap sa bahay ng lola ko. Ngayon ay nasa simbahan na kami upang magpasalamat sa Diyos. Uuwi na din kami pagtapos nito.
Gail's
Nandito kami sa bahay ng tito namin ngayon dahil tinutulungan siya ni Daddy na ayusin yung sasakyan nila si Mommy naman ay nagluluto ng pagkain kasama ni tita. At kasama ko ngayon sila Gab at Ven kambal silang dalawa si Gabriel Vans at si Gia Venice nandito kami sa kwarto ng pinsan namin na si kuya Kyle 19years old kasama ang tatlo pa niyang kapatid na si Diane 15 years old, Joseph 12 years old at Zach 7 years old.