Marami sa atin ngayon ay nababahala,
Panahong lahat tayo'y ang nais ay lumaya,
Sa pagsubok na ito'y sana'y manaig ang awa,
Manaig ang pagtutulungan, at pagmamahal sa kapwa.
------------------------------------------------------------
Hindi man magkakasama at maraming pagbabago,
Lahat sana'y magbayanihan mapa-ano man ang estado,
Mangibabaw ang pagkakaisa ng tao't gobyerno,
Na kahit mahirap, tayo pa rin ay magpapakatao.
------------------------------------------------------------
Pagsubok na hinaharap ay sabay-sabay lalabanan,
Sisiguraduhing sa labang ito ay walang maiiwan,
Hindi lamang mga doktor, nars, at sundalo ang magtutuwid ng kapalaran,
Sapagkat kailangan ang bawat isa upang dagok ay malampasan.
------------------------------------------------------------
Hindi man natin sigurado ang ngayon at bukas,
Sadyang sinusubok ang pananampalataya't lakas,
Huwag mawalan ng pag-asa sapagkat lahat ng bagyo ay nagwawakas,
Siguradong ang kabutihan at pagmamahal ang pinakamabisang lunas.
------------------------------------------------------------
Mabigat man ang mga suliraning ating pinagdaraanan,
Ngunit dahil dito'y marami ring nagbago sa ating kapaligiran,
Mga pamilya ay nabigyan ng pagkakataong magsama't mapakinggan,
Lahat tayo'y pinagtibay at mas pinalakas ang kalooban.
------------------------------------------------------------
Hindi lang ikaw, hindi lang ako,
Hindi lang sila, hindi lang kayo,
Sabay-sabay nating lalabanan ito,
Tiwala lang, may Diyos tayo.
Enit-sircH
BINABASA MO ANG
Pagsubok lang
PoetryIto ay isang tula na nagnanais magpaalala na matatapos din ang mga problemang kinakaharap ng ating mundo ngayon. Ito rin ay ang aking daan upang makapagpasalamat sa mga taong patuloy na nagtatrabaho upang gampanan ang kanilang mga sinumpaang serbisy...