The Unknown

874 46 21
                                    

KAORI POV

"Wala na akong nakikitang gagawin ko pa dito." seryosong sagot ko.

"Ah-ano kasi.." nauutol na sagot nya, napakamot pa sya sa batok nya. Nahihiya ba sya?

"Ano?" walang emosyong tanong ko pa rin.

"Kumain ka na ba? B-baka nagutom ka kasi." hmm.. Ayuko nga. Bahala ka dyan

"Sa bahay na ako kakain." sagot ko

"Sige. Sa labas na lang ako kakain. Magluto sana ako ng para sa atin pero wag na. Ayaw mo naman" magluluto sya para samin? Gusto ko pero hindi ngayon. Ayukong maramdaman nya na lahat ng sabihin nya susunod ako.

"Ok. Una na ako" sagot ko

Ngumiti sya sa sagot ko. Ano namang nakakatuwa sa sinabi ko.

Maiwan na nga kita dyan.
Pagbukas ko ng pinto ay napahinto ako.

Shet! Ang lakas ng ulan. At paano nga pala ako uuwi samin e mukang walang nadaang taxi dito.

"Bakit?" tanong nya

"Naulan. Papa-book na lang muna ako Grab." there's no harm on staying a little bit more, right?

"Ok. Magluluto na lang rin ako. Maiwan na kita dyan" at tinalikuran nya na ako para pumunta ng kusina.

Nagbook na ako ng Grab sa phone ko pero wala. Walang na accept. Nagugutom na rin ako at di nakakatulong na naaamoy ko ang niluluto nya.

Amoy masarap ito.

Pinuntahan ko sya sa kusina.

"Wala pa rin akong nakukuhang Grab." hindi nya man lang ako inimik. Attitude much

"Baka naman pwede mo ko ihatid ulit." lakas loob ko ng sabi sa kanya pero tinitigan nya lang ako ng masama.

"Please?" sabi ko na nagpacute pa konti sa kanya.

"Busy ako." sagot nya at tinikman ang niluluto. Pssh. Busy busyhan

"Tikman mo." sabi nya tsaka ako sinubuan.

Sa gulat ko ay tinikman ko ito agad.

"Aww! Ang init." bakit ba sinubo ko agad! Napaso tuloy ako.

"Masarap ba?" tanong nya. Wala man lang paki sakin

"Paano ko malalasahan e napaso nga ako!" mas inintindi nya pa luto nya kaysa sakin.

"Hipan mo kasi. Isa pa." kumuha ulit sya ng sabaw at sya na umihip dito. Ayiieh. Kinilig naman ako ng slight.

"Oh!" alok nya sakin na tinikman ko agad.

Di ako nagkamali! Amoy masarap at lasang napakasarap!

"Wow! Ang saraap. Ang galing mo pala magluto!" masayang puri ko sa kanya

"Ang OA mo." suplada talaga. Sya na nga pinuri.

JELAY POV

"Wala na akong nakikitang gagawin ko pa dito." malamig pa sa bangkay na sagot nya.

Pano ko ba sasabihin na dito muna sya na hindi nya mahahalatang gusto ko?

"Ah-ano kasi.." di ko masabi nakakainis! Napapakamot na lang ako sa batok ko

"Ano?" walang emosyong tanong nya

"Kumain ka na ba? B-baka nagutom ka kasi." ba't ako nauutal?!

"Sa bahay na ako kakain." aray. Ayaw nya ako makasama.

Namiss ko pa naman sya.

Hindi ako nagpahalata sa kanya na disappointed ako.

"Sige. Sa labas na lang ako kakain. Magluto sana ako ng para sa atin pero wag na. Ayaw mo naman" last card ko na ito. Sana naman pumayag syang mag stay.

Obsession (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon