Chapter 20

369 18 1
                                    

Lucho

*

"Ang laki ng ngiti natin a," puna ni Francis nang madatnan niya ako rito sa sala.

Sobrang saya ko, sino ba namang hindi mapapangiti kung 'yung babaeng hinahangad mo pinayagan ka nang manligaw.

Yes, ligaw palang pero feeling ko sinagot na niya ako. Kung pagpayag palang sa panliligaw ay ganito na ako kasaya, paano pa kaya kapag sinagot na nga niya talaga ako?

Shake!

"Anong nakain mo sa birthday ni Pamela kagabi at todo todo ka kung makangiti," nilingon ko siya pero hindi pa rin nabubura ang ngiti ko sa mukha, ewan, parang nasanay na yata ang mukha ko.

"Mmm," pagkibit balikat ko sa kanya.

"Anong klaseng sagot 'yan?" giit niya.

"Wala," giit ko naman at nginisihan siya.

"Wala raw pero kung makangiti wagas," inirapan niya ako at umupo ito sa kabilang dulo ng sofa. Kung makasistansiya naman 'to wagas, ano ako? May sakit lang?

"Nga pala nasaan si Lito?" tanong nito habang nakasampok ang kilay niya.

Si Lito na naman, minsan ang sarap kutusan ni Lito. Siya nalang kasi palagi ang hinahanap ni Francis. Ang sarap isako at iwala.

"Bakit mo naman hinahanap?" hindi ko mapigilan na hindi magtunog galit.

"Bakit nga ba hindi?" Inis na sagot naman niya. "Pandak na 'yun ibigay ba naman number ko kay Grace," dagdag pa niya kaya napalingon akong sa kanya dahil sa gulat. Kakong 'yun! Bakit naman niya ibinigay? Si Grace naman napaka, hindi talaga nakakaintindi ng nais kong ipabatid sa kanya kahapon. Privacy ni Francis 'to.

"M-mag ka text kayo ni Grace?" Tanong ko ng mapagtanto.

"Oo, sinabi niya sa'kin na chat daw siya ng chat sa'kin sa Facebook. Hindi ko naman magawang makareply kasi hindi na ako nagbubukas ng account ko, nakakasawa narin kasi," saad niya.

"K-kinukulit ka ba niya?" na-curious ako bigla, ano kayang pinag-usapan nila. Kaya pala naging busy si Grace sa Cellphone niya kagabi at panay ang ngiti niya. Tss!

"Medyo. Parehong pareho kayo, buti nalang hanggang alas onse lang natapos ang conversation namin. Ang dami niyang kuwento," giit niya. Huh! Lamang pa rin ako kesa kay Grace, eleven lang sila natapos kami nga ni Francis mga one na. Haha! Wala ka pala e!

"Kinumpara mo pa talaga ako, for sure naman mas may sense akong kausap," nakangusong sagot ko.

"May sense ka diyan, puro kabulastugan nga lang mga texts mo," ah ganun? So ibig sabihin mas nagugustuhan niyang ka-text si Grace. Tss!

"So ano? Mas gusto mo pa siyang ka-text kesa sakin?" inis na saad ko, ewan, naiinis lang talaga ako kay Grace. May something kasi sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

"O bakit parang naiinis ka? Selos ka?" nginisihan niya ako at tinaasan ng kilay.

Ah gusto mo ng ganito? Sige pagbibigyan kita ngayon.

"Oo nagseselos ako, so ano? Pwede bang wag mo nang pansinin mga texts ni Grace?" sagot ko ang nginisihan ko rin siya, maagap siyang nag-iwas ng tingin. Yown! Tapang mong manukso, tiklop ka rin pala agad.

"Puro ka talaga kalokohan," sabi niya.

Nangunot naman ang noo ko. Kalukohan? "Hindi ako nagbibiro, nagseselos talaga ako," napalingon siya sa'kin, kita sa mukha niya ang pagtataka. Kainis so ano? Akala niya talaga biro lang ang nararamdaman ko? Pero teka? Aish! Bakit ko ba sinasabi ang mga ito, masyadong awkward pakinggan lalo pa't sa kapwa lalake ko pa sinasabi. Nakakabakla.

Lucho's Francis [BxB] | BrightWin × OffGun FanFic |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon