Prologue

8 0 1
                                    

"ENID, OH MY GOD! YOU MADE IT! NAKAPASA KA SA PUPCET! WHAT THE FUCK! SABI SAYO EH!"

Parang naglaho ang lahat ng ingay sa paligid ko at ang tili lang ng mga kaibigan ko sa harap ang ingay na naririnig ko.

"Pano ba 'yan? Magkakahiwalay - hiwalay na talaga tayo sa College. Naiisip ko pa lang, parang ang lungkot na." Jila suddenly thought, but the smile was still plastered on her face. "Pero ganon talaga noh! See you na lang, bibisitahin ka naman namin don!"

"Hindi naman masyadong malayo ang Manila, pwede ka nga namin bisitahin lagi after class pag college na tayo. Gusto mo 'yon?" Andrea tried to crack a joke---- well, atleast for me. But since they all agreed to what she said, it's now like a promise.

"Hoy bakit s'ya lang? Baka nakakalimutan n'yong sa Manila rin ako mag-aaral?" Nia asked. Oo nga pala, sa National University din s'ya magc-college.

"Ha, sino ka?" Pambabara ni Andrea sabay irap pa nito.

"Wag lang kita makikita tumapak sa Manila, Andrea."

"Hala, akala mo naman bibisitahin ka namin don. Nag aral aral ka sa Manila e, panindigan mo yan." We all laughed with Andrea's words.

Ang alam namin nag nagkasundo sila ni Nia na dito sa isang University sa probinsya mag aral ng college, hoping na maging maging blockmates since parehong BS Biology ang kukunin nilang Pre-Med course bago magpatuloy. Pero dahil lilipat na rin ng bahay sila Nia pagkatapos ng graduation ng Senior High School, dun na rin s'ya pinag take ng entrance exams nila tita.

"Leche ka talaga!"

"Leche ka rin teh."

"Pano naman dito yung mga kaibigan nating pasado sa UPCAT at gustong doon na mag aral pero di pinayagan ng magulang?"

Lahat kami napunta ang tingin kayla Klyde at Visca. Sabay na nawala ang ngiti sa mga muka nila nang napagtanong sila ang tinuturo ni Hilary. Sabay sabay kaming nag take ng UPCAT at sabay sabay din naman pumasa. Pero silang dalawa ang gustong gusto na doon pumasok, ang iba naman ay tanggap na ang kapalaran na dito sa probinsya magpapatuloy, si Nia ay sa NU na raw dahil doon mas malapit ang bagong bahay nila sa Legarda. Samantalang ako ay nakafocus talaga sa pagpasok sa PUP.

Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko ang PUP kaysa sa UP, minsan iniisip ko nalang dahil siguro sa mas marami ang letrang 'P' nito.

"Excuse me, madam. Pinipilit ko pa si mommy." Maarteng sagot ni Visca, natural na sa kaniya palibhasa ay isa sa pinakamayaman sa aming magka-kaibigan.

"I'm still trying to convince my parents, too. But if they wouldn't really allow me, then i'll stay here." Si Klyde naman. Mag best friend sila ni Visca since brith----literal kasi magkaibigan ang parents nila, kaya nga nang napasama samin si Visca ay no choice s'ya kundi sumama na rin sa grupo.

"Hep! Wag mo na pilitin sila tita-mommy, Klyde. Dito ka nalang at baka marami pa magkagusto sa'yo don. Hindi ako papayag don, crush." Andrea butted in, she even winked at Klyde. Sabay sabay kaming nagtawanan ulit.

Obviously, crush ni Andrea si Klyde. Hindi lang kasi mayaman at gwapo 'tong tropa namin noh, matalino pa. Well, top 1 s'ya samin at top 2 naman ako. Actually, pasok kaming lahat sa top 10 ng klase. Sabi nga nila, dahil kami kami rin ang magkakasama sa groupings madalas, dream team daw. Di nila alam, patamaran kami sa paggawa ng mga activities.

Cramming is life...

"Asawa ka ghorl?" Pang aasar ni Nia.

"Sa probinsya ka mag c-college ghorl? Hindi diba? Dun ka na at tanggal ka na sa tropa teh. Di ka na-inform?"

Hindi ko napansin na natuyo na yung mga luha ko kakatawa sa nagsisimulang asaran na naman nila Nia at Andrea. Pero yung bilis ng tibok ng puso ko dahil sa balita kanina ay nandito pa rin.

Shit. Nakapasa ako sa dream University ko. Nakapasa ako sa PUP.

------
hakdog

Belive me, Tara (Iskolar's #1)Where stories live. Discover now