I

103 44 19
                                    

Hi!!!

❗️errors ahead❗️


                🌻🌻🌻



"Gusto mo talaga sya nuh?" Faye. My best friend, asked. 



Di ko pinansin yung tanong nya at cinareer ang pagtutulala ko sa kapeng nasa harap ko. Nasa coffee shop kami ngayon naka tambay.



Kitang-kita ang usok na nang gagaling mula sa kape ko. Alas-sais palang at kami palang ang costumer ng shop. Naisipan namin lumabas ni Faye.



Malamig yung simoy ng hangin dahil umulan ng malakas kagabi kaya medyo basa pa yung kalsada. Baguio really is a relaxing place.



"Ay mali! Mahal pala, hindi gusto" she rolled her eyes playfully and then took another sip from her own coffee.



"Alam mo dai, itahimik mo yang bibig mo at i-enjoy mo yung kapayapaan dahil baka ipaligo ko sayo yang kape mo pag na irita ako." Sita ko sakanya.



"Hmp! K fine." Sabi nya at tumingin nalang sa labas ng bintana ng shop.



Oo Faye, mahal ko yun. At nasasaktan ako, pag na aalala sya. Pag inaalala ko yung kalagayan nya.



I was referring to Zion Kesller. We call him Zy. He's someone very special to me. Manliligaw ko sya, supposed to be my boyfriend by now pero may nangyaring hindi maganda.



A very shocking news when her mother called me on the phone, crying. That Zy was rushed in the hospital full of bruises and blood on his head.



Hindi ko na sya nakita sa lagay nyang ganun dahil pag dating ko sa ospital, nalinis na sya. Wala nang dugo pero kalat ang pasa sa upper body nya.



Sobrang nakakaawa pag nakakita ka nang taong ganun yung itsura, lalo na kung mahal mo yun. Ang akala ko sa mga sine lang ako makakakita ng ganun, pero hindi.



Mga taong lansangan daw gumawa nun sakanya. Plus, mga lasing pa daw. Tsaka hindi lang dalawa yung gumawa nun, lima daw. I can't even imagine kung ano itsura nya sa eksenang yun.



Yun yung sabi nung kaibigan namin na kasama nya nung nangyari yun, si Owen. Marami rin syang pasa pero hindi sya kagaya ni Zy na knock out talaga. Doctors say na he's in coma. And that fvcking sucks.



Pati kami ng mga kaibigan at pamilya nya nahihirapan sa sitwasyon nya. Pero we didn't lose hope. Kahit na isang putaragis na taon na syang naka coma.



Eto yung araw, last year, na dapat sasagutin ko na sya pero hindi nangyare. I kept thinking, kung pinapunta ko nalang sya sa condo, maybe it would lead him away from any harm. Faith was slowly fading from me.



Prayers were the only thing I could possibly offer. Hindi ko naman kayang bayaran yung hospital bills nya eh. I don't have enough money.



Sana lang talaga magkikita kaming dalawa, na ayos ako at ayos na rin sya. Hindi yung ako lang nakakakita sakanya. Tapos ganun pa itsura. Bullsht!!!








"Dyan nalang po sa tabi. Ingat po kayo 'lo."  sabi ko sa taxi driver bago lumabas. Syempre nag bayad rin muna ako, duh!



When the sun meets the moon | ✔️Where stories live. Discover now