Dalawang linggo na yung lumipas nang huli kong mabisita si Zy. Ilang araw na akong linalagnat at kulang sa tulog dahil sa duty ko. I work as a call center agent.
Unti nalang at pakiramdam ko mapapatalsik na ko sa trabaho ko sa daming may reklamo sakin. I couldn't focus. Wala sa lugar umatake yung pag ooverthink ko. Kahit gustong gusto ko itago at wag dalhin sa trabaho yung problema ko, kusa nalang talagang lumilitaw.
"Eh bakit ka kase linagnat?" tanong ni Faye mula sa kusina dahil nagluluto sya ng noodles.
Dito sya natutulog simula nung pangalawang araw ng lagnat ko. Para daw may bantay ako.Manager sya ng isang fast food chain malapit sa SM. Ewan ko ba sa babaeng yan at minsan hindi pumapasok para lang sakin. Eh pumapasok parin naman ako so wala sya gaano mababantayan kasi nga wala ako sa condo pag gabi.
"Na ambunan ata ako nung pagkaalis ko nung bumisita ako kay Zy." sabi ko.
"Oh ayan, humigop ka habang mainit para mapaso yang bibig mo." sabi nya at linapag yung mangkok na may noodles sa coffee table sa harap ko. Nag thank you ako at sinimulan naming kumain.
Nakatulog naman ako ng matagal pero parang pagod parin pakiramdam ko. Moments later, meron na palang luhang tumulo sa mata ko. Tinakpan ko yung mukha ko kase nahihiya ako kahit alam kong wala akong ganun.
"Halla bakla ka, anong nangyare?" gulat na tanong sakin ni Faye. Hinawakan nya yung dalawang kamay na naka takip sa mukha ko para tanggalin yun pero umiwas ako.
Hindi ko na napigilan at humagulgol na ako. Walang pakialam kung maririnig ba ako nung mga kwarto na nasa tabi ng condo ko. Humihikbi ako at medyo nahihirapang habulin yung hininga.
Naramdaman kong tumabi sakin si Faye at inalalayan nya yung ulo kong ilagay sa balikat nya. Naka akbay sya sakin at hinahaplos yung balikat ko papunta sa likod. Ganun lang ginawa nya habang pinapakinggan yung iyak ko.
I couldn't take it anymore. I just want Zy back to normal. I want everything to be okay, yung kasing bilis ng pagpikit at mulat ko. Na sana maging maayos na rin ako, o kaya sana andito si Zy para pakalmahin ako.
I found myself at an edge of a cliff, sitting. Hindi ako mahuhulog kase naka kapit ako sa railings. Hindi ko gaano kita yung pinaka baba nito dahil sa kapal ng hamog. So wala gaanong view.
"Lord! Parang awa na po! Gisingin nyo na si Zion!" sigaw ko at nag simula na namang umiyak. Humangin ng malakas dahilan para mas ginawin lalo yung binti ko dahil naka shorts lang ako at jacket.
Nakalimutan ko rin yung bonnet ko kaya eto ako ngayon, todo lamig. Ang tanga mo rin naman kase Lou! edi mas lalo kang papalpak sa trabaho kung hindi ka magpapagaling!
Napasabunot ako sa buhok ko at mas lalong na iyak sa inis. Ayaw ko na uli maramdaman yung ganitong emosyon. Sawa na ako!
"Putangina!!!" sinigaw ko at halos magasgas na yung lalamunan ko.
Napasuntok na rin ako sa railings, masakit pero napawi agad. Hindi ko na rin gaano pinansin yung sakit dahil sa galit.
"Zion!!!" I cried.
I screamed one last time bago ko napag desisyunan na umalis na. Napahampas ako sa manubela ng kotse ko ng makita ang oras sa phone. Thirty minuets nalang at malalate na ako sa trabaho. Hindi ko na rin alam kung gaano ako katagal bago makapunta dito. Kaya paniguradong malalate talaga ako. Panigurado ring may sermon na naman sakin yung boss ko.
"Sorry I'm late, Ma'am Ysabe—"
"Again and again! Palpak ka na nga lang sa trabaho mo tapos lagi ka pang late!" Bulyaw ni Ma'am Ysabell. Boss ko.
Napahawak sya sa sentido nya at nag pakawala ng buntong hininga. Napayuko nalang ako.
"I'm sorry Lusine, but you have to leave." she said and didn't offered me a chance to speak. I was standing there, about to cry.
Lumapit sakin si Macy, yung nagibg kaibigan ko dito sa trabaho. Tinapik tapik nya yung likod ko.
"If may kailangan ka, contact mo lang ako ha?" humarap sya sakin at ngumiti ng malungkot. "Tulungan nalang kitang ayusin mga gamit mo sa desk mo." sabi nya at yun nga ang ginawa namin.
Habang nag aayos may nakita akong picture na nahulog galing sa maliit na notebook ko sa desk. Nakabaliktad sya kaya di ko alam kung ano yun.
Nang pulutin at tignan yun, si Zy tapos ako. Yung nag movie date kami. I smiled bitterly before hiding it in my pocket.
I'll come and visit you later.
My phone was vibrating on top of my desk so I answered it immediately kaya hindi ko agad nakita kung sino yung tumatawag.
"Hello?"
[ Lou! Thank God sumagot ka. I'm going out with my college friends. Saan ka pumunta kanina? Nasa work ka na ba ngayon? ] walang tigil sa pananalita si Faye.
I tried my best not to keep my voice from shaking at singhot ng singhot.
" Nag stroll lang ako kanina. Yup, nasa work ako. Bibisita ako kay Zy. Ingat ka!"
[ Hah?! Nasa work ka pala eh bakit ka bibis— ] *tooot* *tooot*
Binaba ko na agad yung tawag dahil baka hindi na kayanin ng boses ko at mahalata nyang umiiyak na naman ako. Wala ako sa mood mag explain sa kanya.
Macy helped me cary my things hanggang sa makababa kami sa building. Ipinasok ko muna sa shot gun seat yung paper bag na may laman ng gamit ko bago uli humarap kay Macy.
She hugged me. I hugged her back also.
"Mag bobond tayo soon ha? Mag iingat ikaw!" sabi nya at tumango nalang ako. Ngayon ko lang naramdaman yung hapdi sa lalamunan ko kakasigaw kanina.
Bumitaw kami sa pagkakayakap at tuluyan na syang umalis. Tsaka lang ako sumakay sa kotse ko ng mawala na sya sa paningin ko. I decided to eat kase yung tanging kain ko lang ngayong araw ay yung noodles kaninang umaga.
Saan pa ba ako pupunta? Edi sa KFC. Nang makarating ako dun, unti lang yung tao kaya sobrang bilis na serve yung order ko. Sa pinaka dulo ako kumain, ako lang tao.
Humihikbi pa ako ng unti habang kumakain. Natatawa ako ng unti sa kung ano man itsura ko ngayon. Kaya mas lalo akong nag mukhang baliw.
Again, my phone was vibrating. This time, tinignan ko na kung sino yung tumatawag. At agad kong sinagot nang makita kung sino yun.
"Tita?"
[ Lou! Gising na ang anak ko!! ] I heard tita Hannah cry out of joy.
Napatakip ako sa bibig ko at hindi ako makahanap ng pwedeng maisagot kay tita.
"I'm on my way po."
[ Osige, mag iingat ikaw ija. ] sabi ni tita bago ipatay yung tawag.
Hindi ko na inubos yung pag kain ko dahil wala na akong pake sa gutom ko. In fact, nawala nga ata gutom ko sa excitement eh.
This may be the night, that we will have an eclipse. This might be my answered prayer. The cure from my sadness and the longest moment I've been waiting to happen.
Nasa labas na ako ng store at tinitigan muna yung kotse ko sa kabilang side ng kalsada. Napasibghap ako sa malamig na hangin.
This is it.

YOU ARE READING
When the sun meets the moon | ✔️
Short StoryLou, would've been Zy's girlfriend by now if there wasn't a tragic event that happened, causing Zy to experience more than a year of coma. What would the moon do while the sun is asleep? Will the universe let an eclipse happen again? 『a three chapte...