Love sometimes isn't fair. Love sacrifices.
I'm Anna. Anna Crisostomo. 16. Pagmamay-ari ng pamilya ko ang pinakamalaking mall dito sa buong Pilipinas.
Aaminin ko, nasa akin na lahat. Ang pamilya ko, pera, kaibigan. Of course, si Joshua, ang mahal kong boyfriend.
Papasok pa lang ako sa university namin. 8:30 am ang klase ko. Architecture is my course. Second year college na ako, same as Joshua - ang boyfriend ko. Excited na ako makita siya dahil kaklase ko siya sa first subject ko. This is our first anniversary to celebrate. Hawak hawak ko pa yung frame na ginawa ko para sa kanya. Puro memories namin lahat nandun.
Papasok na ako sa room pero nakita ko siya sa may pintuan. Nakikipaghalikan siya kay K..Kristina? Ang matalino sa subject namin na ito. Kaklase din namin siya. Hawak hawak ni Joshua ang likod ni Kristina at si Kristina naman nakakapit sa batok ni Joshua.
Unti unting bumuhos luha ko pero hindi pa rin nila ako napapansin. Nalaglag ko yung frame by accident dahil nanginginig ako. Narinig nila at saka lang sila sa bumitaw sa isa't isa.
"Anna.." malungkot na sabi ni Joshua sa akin. Binigyan niya si Kristina na umalis-ka-na-muna look.
"K-Kristina, di.. dito ka l-lang." Pilit kong diretsong sabi at pinipilit na hindi humagulgol.
"Anna, let me explain." sabi ni Joshua habang papalapit sa akin.
"Explain? Eh kitang kita ko na kayo! Explain ka pa? What will you say?Alam mo kung ikaw kaya yung nasa lugar ko, Joshua? Ano? First Anniversary natin! Gagaguhin mo pa ako? Sana pala nakipaghalikan din ako sa ibang lalaki. Ang sakit sakit. Tapos makikita mo, edi alam mo din kung gaano kasakit! Pero ako.." I took a long pause.
"Never akong nanlalaki. Never pumasok sa isip ko na lokohin ka." Bumuhos na yung mga luha kong kanina ko pa pinipigil.
"At ikaw.." Turo ko kay Kristina. Lumapit ako sa kanya.
"Puno ka ba ng kalandian sa katawan mo?" I pointed at her.
"Anna, stop this." sambit ni Joshua. Aba't pinagtanggol pa siya. Walanghiya talaga. Bakit? Ano ba ginawa kong kasalanan?
"Stop this? Kayo nga na hindi tumigil sa halikan dyan! Ano ba meron siya na wala ako?!" Akmang sasampalin ko na si Kristina. Nang biglang hinarang ni Joshua ang kamay nya at hinawakan ang kamay ko.
"Tama na. Please. Nagmamakaawa na ako. Nasasaktan na siya." Huh? Siya pa talaga inintindi.
"Ano tingin mo sa akin? Bato? Hindi nasasaktan? Takte Joshua. Sino ba girlfriend mo sa aming dalawa?" Tuloy tuloy yung luha ko. Wala akong pake sa mga taong maaaring makakita sa amin.
"Ikaw pero.. Anna.. ma-mahal k-ko si Kristina." napaluhod na lang ako. Tumulo na naman ang mga luha.
"Akala ko ba mahal mo ako?" Yan na lang nasabi ko. Pinagdiiinan ko talaga yung mahal.
"Dati yun Anna. Iba na ngayon."
Bigla ko siyang sinampal. Ang sakit. This is the one na meron si Kristina na wala ako. Ang pagmamahal ng boyfriend ko.
"Ang sakit sakit Joshua, pati ikaw Kristina. Oo nga pala, Joshua. Kung gusto mo kunin yung frame okay lang. Para kahit man lang hindi ko sinayangang pagkagastusan yan! Pag ayaw mo, edi itapon mo." Tumayo ako at inayos ang sarili ko. I need to compose myself. Nakakaawa na ako masyado.
"Bye guys. Enjoy. By the way, Happy First and Last anniversary, Joshua." Sarcastic kong sabi sabay wave sa kanila while acting strong. For the last time, I stared at Joshua before tuluyang umalis. He looks so sad. Like he's regretting something. Nevertheless, I don't care.
BINABASA MO ANG
Akala ko ba mahal mo ako? (One Shot)
Teen FictionLove sometimes isn't fair. Love sacrifices. Akala ko ba mahal mo ako? He said, "Tama na. Mahal ko siya. Sorry." Yan ang pinakamasakit na narinig ko mula sa kanya. Lahat pala ay isang akala lang.