Minsan, may mga bagay na handa mong isakripisyo at iisantabi para lang hindi mawala ang importanteng tao sayo.
Ako si Jayson at may bestfriend ako, si Nathalia. Bata pa lang kami, magkasama na kami. Medyo may pagkasuplada yun pero sa mga taong di nya kilala pero pag nakaclose nyo yun, naku, sobrang kulet at ingay nun. Pero kahit ganun, sorang lambing at thoughtful din naman sya.
Pag malungkot sya, sakin nya agad sinasabi. Lagi ko na lang syang inaasar para mawala ang kalungkutan nya. Sandalan namin ang isa’t isa. Hinding hindi namin pinapabayaan ang isa’t isa.
Hanggang isang araw, nag-iba ang pagtingin ko kay Nathalia. Nakaramdam ako ng kirot sa puso sa tuwing nakikita ko syang umiiyak. At sumasaya naman ang puso ko sa tuwing tumatawa sya.
Oh hindi, nahuhulog na ako sa BESTFRIEND ko. Hindi tama ito. Dapat kong pigilin ang nararamdaman ko. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin sa ipagtatapat ko.
Isa pa, hindi ako ang mahal nya, meron syang ikinukwento sakin na isang lalaki na handa nyang makasaman sa buong buhay nya. Ayaw ko ng makagulo pa. Kaya dapat kong itatak sa kukote ko na hanggang mag-BESTFRIEND lang talaga kami.
***************************************************
Ako si Nathalia at may bestfriend ako, si Jayson. Bata pa lang kami, magkasama na kami. Napakayabang at napakaalaskador nung ungas na yun. Pero maaalalahanin at maaasahan din naman sya.
Pag malungkot ako, sa kanya ko agad sinasabi. Kaso lagi nya lang ako inaasar kaya sa huli, naghaharutan na lang kami at nakakalimutan ko na ang dahilan kung bakit ako malungkot. Sandalan namin ang isa’t isa. Hinding hindi namin pinapabayaan ang isa’t isa.
Hanggang isang araw, nag-iba ang pagtingin ko kay Jayson. Naiinis ako pag nakikipaglandian sya sa ibang babae at nalulungkot ako pag nakikita ko syang palihim na umiiyak.
Oh hindi, nahuhulog na ako sa BESTFRIEND ko. Hindi tama ito. Dapat kong pigilin ang nararamdaman ko. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin sa ipagtatapat ko.
Isa pa, nakakabatang kapatid lang ang tingin nya sa akin. Lagi kong sinasabi sa kanya na may lalaking handa kong makasama sa habang buhay. At sa tuwing kinukwento ko sa kanya yun, wala akong lungkot na nakikita sa mukha nya. Kaya hindi ko na lang sinasabi na sya yung lalaking yun. Kaya dapat kong itatak sa isip ko na hanggang mag-BESTFRIEND lang talaga kami.
THE END.
================================================
A/N : Sana pu nagustuhan nyu (:
COMMENT yer suggestion ((: