PROLOGUE

7 1 1
                                    

AMETHYST [On-Going story]

THIS IS A WORK OF FICTION, NAMES, CHARACTERS, SCHOOL, EVENTS, BUSINESS, INCIDENTS, ALL OF THESE ARE PART OF THE AUTHOR'S IMAGINATIONS.

PLEASE REFRAIN FROM COMMENTING IRREVELANT THINGS, IF YOU FIND THIS STORY INAPPLICABLE TO YOUR STANDARDS, I AM SUGGESTING YOU TO LEAVE.

This story may contain some grammatical errors due to the author's laziness. Mwuah.

READ SILENTLY!!!

PROLOGUE

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa mala anghel na mukha ng lalaking mahal ko, pagkatapos magpaautograph nung nasa harap ko ay ako na ang kasunod.

"My gem? Kahit ba naman tayo na magpapa-autograph ka pa rin?" Natatawang sabi nito, dapat ay tumatawa na rin ako ngunit pinipigilan ako ng lungkot.

"Clyde? I-i have something to tell you kaya ako nandito" medyo malakas na sabi ko rito dahil napakalakas ng sigawan ng mga tao, marami ring nakapila sa likod ko para magpaautograph kay Clyde ngunit hindi ko na sila pinansin, litong lito na ako, di ko alam ang gagawin ko.

Sa kabila ng maingay na mga tao, naririnig ko ang tibok ng puso ko, napakalakas nito, pinipigilan ko ang sarili kong lumuha sa mga oras na ito.

"W-what? Amy are you okay? You are very serious today" he asked, frustrated.

'Sana nga okay lang ako'

Kinapa pa niya ang noo ko para tingnan kung may sakit ba ako. Habang ang ibang mga fans naman ay pumunta nalang sa ibang musikero para doon nalang magpafansign muna.

Kinuha ko ang kamay niya at kinulong ko ito sa mga palad ko, may namamagitan sa aming long table kung saan sila nakaupo kasama ang ibang miyembro ng grupo nila, ang The Beats.

"I can't be with you Clyde" nanlalamig ang kamay ko nang ipakita ko sakanya kung ano ang hawak ko, kasabay ng pagbabago ng ikot ng mundo, sunod sunod na bumuhos ang luha niya.

'I love you, please don't cry, baka magbago ang isip ko' parang may sariling bibig ang puso ko na siyang nagsasabi dito.

"N-no, no my gem, my baby, tell me you're kidding, please?"

'Sana nga biro lang, sana prank lang ito, sana, napakaraming sana sa isip ko.

Ang sakit.

Napakasakit ng nararamdaman ko.

Napakaunfair ng mundo.

Bakit hindi ko maiexplain ang side ko.

Lumuluhang tiningnan niya ako sa mata kasabay ng mahigpit na pagyakap niya sa akin, hindi ko na siya pinigilan. "Why?" Bulong pa nito.

Huling yakap.

Hinayaan ko siyang yakapin ako nang panandalian.

Panandaliang saya. Kahit ngayon lang gusto kong maramdamang minahal ko ang perpektong lalaking ito, at minahal niya ako kahit labag sa kalooban ng napakaraming tao.

Nakakatawang isipin, ako yung naiinis sa sarili ko, nageguilty ako, imagine? Yung taong pinangarap ko ng ilang taon iiwan ko? Yung taong pinapangarap ng maraming tao ay sinayang ko.

"Yes i do." Sabi ng lalaki sa harap ko.

Ipinangako niyang mamahalin niya ako, sa hirap at ginhawa, sa harap ng panginoon, ipinangako niyang di niya ako iiwan.

Ngunit ang lalaking ito ay hindi ang taong nasa puso ko, sa kabila ng mga ngiti ko ito ay ang
lumuluha g puso ko.

How i wish na si Clyde ang nasa harap ko, na sana natupad man lang ang aming pangako.

Pangako sa isa't isa, pero ang pangako namin sa isa't isa ay tinutupad ko sa lalaking hindi siya, sumasakit ang puso ko.

Bakit hindi si Clyde?

Selfish na ba ako nito?

Iniisip ko ang ibang tao sa oras ng kasal ko, sa harap ng magiging asawa ko, sa harap ng maraming tao na ang akala ay mahal ko ang lalaking ito.

AmethystWhere stories live. Discover now