Before reading this, i just wanna thank those people who helped me in this story! Thank you so much Fatmah and Lea, they were the one whom i asked for a feedback for this story and they also helped me with the characters' name.
Lovelots ❤CHAPTER 1
~Amethyst
"Amy naman! Alam mo bang sa sobrang mahal ng album na yan e pwede pa tayong makapagrocery ng one week?!" Kakapasok ko lang sa condo hawak yung album ng The Beats eh ito na agad ang bungad sa akin ni jade . OA naman nito.
"Shut up! Ililibre nalang kita ng lunch mamaya" pagkain lang naman ang katapat nito, ano ba naman to, tinatago ko pa naman to pero parang hinintay pa ako ng ipokritang to.
Im gonna support my husbandseses. Hihihi
Pokpok ka ghurl?
Inilibot ko nanaman ang paningin ko sa mga naglalakihang poster sa kwarto ko, favorite ko dito itong pinakamalaking poster sa gitna na mukha ni Clyde, i can't believe how handsome he is, parang ang unfair naman! siguro nung umuulan ng kagwapuhan nalulunod siya sa bagyo. ha? hakdog.
tapos may long bond paper size naman na picture nila sa baba at marami pang picture sa mga gilid, tapos may guitar rin ako sa dulo, pero pang decor lang, hayss i've always wanted to play guitar pero no one can teach me how, nagsesearch pa naman ako sa youtube ng mga tutorials pero wala eh, hindi ko pa namememorize yung mga chords.
Tapos problema ko pa tong si jade, paniguradong isusumbong ako nito kay mama, sumbongera pa naman tong pinsan ko, maygad! Pinaglihi to ni tita kay Korina Sanchez tsaka kay Jessica Soho eh, kaya for once in my life never ko siya nakitang tumahimik.
And oh.em.gee! May mall show rin sila at may kasamang pagpapafansign doon! Kaya buti nalang ay nakabili na agad ako nitong album kundi mapipilitan akong magpafansign sa noo, natawa nalang ako sa isipan ko.
"Eh cuz naman! Alam mo namang kabilinbilinan sa akin ni tito na wag kitang papayagang bumili ng mga walang kwentang gamit? Sinasayang mo lang pera mo eh!" ang hirap pa naman nitong kausap! Dumadaldal pa! Di ko na pinakinggan yung ibang sinasabi niya.
"Eh Jade, worth it naman to ah" ang laki naman ng problema ng kuripot na to! Ayan nanaman siya sa mga daldal niya, NAKAKABINGI!
"Anong worth it? Ano ba namang makukuha mo pag nabili mo yang album na yan?"
"HAPPINESS, hindi mabibili ang kasiyahan jade, you know it's priceless" sabi ko dito kasabay ng paglitaw ng malungkot kong ngiti sa harap niya.
Since High School fan na fan pa rin nila ako, i am always astonished by their music, and their charisma is a bonus of course, i remember how their music inspired me when i was in highschool.
"Amy! Ano ba naman yang grades mo! Hindi mo ba nakikita yung pinsan mong si Tanzanite?! Lahat 90 above yung grades! Binibigay ko naman yung mga kailangan mo diba?" Sigaw sa akin ni mama nang makita niya ang cards ko, hindi naman maliit ang grades ko ah? They are the one who's not taking care of me, yes we are financially stable, but how i wish they were there for me, in every occasions.
Some people always look at your one bad side rather than those thousands of good sides, and i hate it.
Yung iba nga 85 yung grade matutuwa na yung nanay nila, tapos may iba pang 75 sa amin, pero itong isang 89 ko icocompare na nila ako?
"Ma, don't compare me to tanzanite" iba siya, iba ako, why is she comparing me to Tita Elena's daughter?
Honor Student rin naman ako and i always do my best in everything, and the word competition is not in my vocabulary, one of my motto is that we are here to learn, not to compete, yes someone can be greater than me, smarter, more confident than i do, but you can really do everything you want if you are being yourself, don't be a copycat, and i will never be, lagi kong sinasabi sa sarili ko.
