"Alam mo bang napakaunfair ng mundo?" sabay inisang lagok ang alak na kapit ko.
"Bata pa lamang ako, naranasan ko ng maltratuhin ng sarili kong pamilya *hik* palagi na lang nila akong sinasaktan sa tuwing hindi ko sinusunod ang gusto nila" maluha-luha kong kwento. Sabay sulyap sa kasama ko.
"Shhh, wag ka munang malungkot" saway ko sa katabi ko.
"Si Mama, palagi na lang niya akong sinasabunutan at sinasampal sa tuwing mabababa ang grades ko. Si Papa, sinusuntok niya ako kapag nagkamali ako ng isang beses. Ang mga kapatid ko lagi na lang akong binubully. Hindi ko naman sila malabanan dahil kapag lumaban ako magsusumbong sila sa parents ko at mapapagalitan na naman ako." patuloy kong kwento sa kasama ko habang binabalik-tanaw ang nakaraan.
"Tapos eto pa ha, eto pa." sabi ko sa kaniya habang nagbubukas na naman ng bagong alak.
"Yung boyfriend ko? Yung gagong yun! Tangina niya! Ginago lang ako. Pinagpalit ako sa mukhang pusit! At iniwan pa ako. Sa ganda kong 'to. Pinagpalit ako?" kinuha ko ang balisong ko sa bulsa ko at pinagsasaksak ang nasa gilid ko na para bang dun humuhugot ng hinanakit.
"Yung... mga... gagong... yun... putangina... nila..." sabi ko na lamang habang patuloy ang pagtarak ng kutsilyo sa sinasaksak ko.
Nang mahimasmasan na ako ay tumayo na ako at pinagpagan ang pwetan ko na nadumihan sa inupuan namin.
"Siya nga pala salamat sa time mo. Ang dami ko pang rant sa buhay kaso baka abutin tayo ng umaga dito" sulyap kong muli sa kasama ko.
"Ha? Dito ka muna?" nagpalinga-linga pa ako sa paligid.
"Sabagay maganda naman dito sa ilog na pinili ko." tatango-tangong sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko.
"Siya babye na, malayo pa babyahehin ko." at tinalikuran ko na yung kasama ko.
NEWS BREAK'Isang bangkay ang natagpuan ng mga residente sa ilog ng Sitio Maharlika' Napatingin ako sa binabalita ngayon at nilaksan pa ng konti ang volume para marinig ko nang mas detalyado.
'Ayon pa sa mga nakakita, mabaho na umano ang bangkay ng nilapitan nila ito. Na ibig sabihin ay ilang araw ng patay ang nasabing bangkay'
'Babae: Maglalaba po sana kami ng mga kapitbahay ko kaso pagdating po namin sa dati naming pwesto nakita ko po na may nakadapang tao kaya pinuntahan namin. Napansin namin ang napakaraming bote ng alak. Ang akala pa po namin ay lasing lang, pero napansin ko po na hindi na humihinga kaya naman nagsisigaw kami ng tulong at sinabi namin na may bangkay. Buti na lamang po at may rumespondeng mga pulis at ambulansya kaagad' sabi ng babae na isa sa nakakita ng biktima.
'Ayon sa mga pulis ang pangalan ng batang ito ay si Kenneth Amarillo. Si Kenneth ay tatlong araw ng nawawala pagkatapos magreport ng mga magulang nito sa presinto'
'Nanay: parang hayop ang ginawa sa anak ko. Sana mahuli na ang pumatay sa anak ko' iyak na iyak na sabi ng nanay ng biktima.
'Napag-alaman din na may labing-walong saksak ang binata na natamo. Nakita rin umano na nanlaban din ang bata ayon sa autopsy report'
Hindi pa man tapos ang balita ay pinatay ko na agad ang TV. At hinagis ang remote.
"Tsk. 18 na saksak lang nagawa ko?" mahinang usal ko sa sarili. Hinayang na hinayang sa sariling sambit ko.
Wala naman akong balak na patayin siya kaso siya ang unang lumapit. Sa tuwing frustrated ako, mga hayop ang pinapatay ko kaso lately nawawalan na ng thrill at excitement ang nararamdaman ko kaya I decided to change my tactics.
Since tao ang nanakit sa'kin, kapwa-tao rin ang sasaktan ko.... physically.
