Addy POV
7:00㏂
Maaga ako gumising mahirap na baka malate pa ako 'di ba. Pagkababa ko nakahain na ang agahan namin ni kuya naka suot na din siya ng tuxedo niya yung pang opisina papasok kasi siya ngayon sa linggo lang ang free time niya.
"Halika na dito kakain na tayo"-kuya
Umupo ako sa harapan niya gaya ng setting kagabi. Muntik ko nang makalimutan 'yong usapan namin ni Alex kagabi 'di pa kasi ako nakapag paalam kay kuya.
"Ah kuya, kina Alex ako kakain ng lunch mamaya" pagpapaalam ko alam ko namang papayagan niya ako
"Hindi ka niya susunduin? "- kuya
"Susunduin daw sabi niya kuya"
"Sige dadaanan nalang kita mamaya sa bahay nila Alex at elock mo ng maayos 'tong bahay bago ka umalis, okay?" Tango-tango "Duble check the wires kung may naka flug pa"-kuya
"Opo kuya"
"I need to go mag-ingat ka habang wala ako dito at wag kang aalis ng bahay kung hindi pa dumadaring yung sundo mo"-kuya
Tumango lang ako at umalis na siya buti nalang hindi gulay yung niluto niya dahil kung hindi mag-iiba na naman yung mood ko.
Matapos kung kumain ay naligo na ako para maka paghanda ng maaga oppsss.... Nakalimutan ko maghugas ng pinagkainan namin. Matapos maghugas ay bumalik ilulit ako sa kwarto at nagbihis simpling damit lang ang sinuot ko.
Black short at grey na long sleeve atsaka white na adidas kong ruber shoes hinayaan ko ding naka lugay ang mahaba kung buhok.
9:15㏂
Maaga pa kaya nanood nalang muna ako ng mga palabas sa tv sa totoo lang excited ako sa magiging resulta ng pagluto niya ng gulay, wala rin naman akong clue kung ano ang lulutuin niya.
Gusto ko siyang etext pero wag nalang baka busy 'yon sa pamamalengke ng lulutuin niya hihintayin ko nalang siya kung kailan siya dadating.
Excited talaga ako!!...
Alex POV
"Alex! Hoy gising na"
Nagising ako ng gisingin ako ni Ate
Malamang...
"Alas 8 na kailangan mo ng kumain at inumin ang gamot mo"-Ate
Napabalikwas ako ng bangon ng maalala na may usapan pala kami ni Addy ngayong araw ipagluluto ko pa siya at hindi pa ako naka pamalengke. Aalis na sana si Ate ng tawagin ko siya.
"Ate, pwede request? " nagpa-cute na ako para pumayag siya.
"Oh, ano yun? "
Ayun pumayag
"Pwede ka bang bumili ng Four Seasons Vegetable ingredients dito kasi kakain mamayang tanghalian si Addy susunduin ko pa siya sa bahay nila ng 10㏂" paliwanag ko
"Oh siya sige bumangon kana d'yan at ako na ang bahala sa pamamalengke"
"Yes! Thank you ate"
Masaya akong bumangon at inayos yung higaan ko matapos kung kumain ay syempre alam niyo naman yung gamot natin. Ayoko mang inumin pero wala akong magagawa kailangan 'yon para hindi ako magmumukhang paasa nito hahahah....
Matapos kung maligo ay nagbihis na ako ng Plain Black T-shirt at short for boys ha hindi pambabae at black & white naman yung kulay.
9:00㏂
Tinawagan ko si Ate kasi hindi pa kasi siya nakaka balik simula nung umalis siya nag-aalala lang ako baka malate siya ng balik.
"Oh, Ate tapos kana ba? "
"(Oo na trafic lang may nagbanggan kasi) "- Ate
"Oh sige ate, salamat talaga ha"
Alam na rin ni mama na pupunta si addy dito kaya tudo linis naman siya para daw hindi na kakahiya sa bisita eh si Addy lang naman ang pupunta.
9:30㏂
Nakarating na din si Ate dala ang pinabili ko sa kan'ya. Nagreklamo nga daw siya dahil siningitan siya ng isang lalaki sa pila kanina, ang akala ko palengke yung pinuntahan yun pala sa mall ang bagsak kahit kailan talaga 'tong si ate ayaw sa palengke parang may alergic din ang isang 'to eh para si Addy lang ayaw sa gulay.
Addy POV
9:50㏂
Tingin ako ng tingin sa may gate namin kung nandoon na ba si Alex pero wala pa din nanonood nalang akong muli ng Spongebob yung sa palabas, syempre addict ako kay spongebob kaya naaaliw naman ako kahit papano sa panonood nito.
Ilang minuto ang lumipas at narinig ko na ngayon sa wakas ang tunog ng door bell namin at pagtingin ako sa bintana ng bahay namin doon ko nakita ang nakatayong lalaking na kanina ko pa hinihintay si Alex...
At naka... Bike siya...
Lumabas ako ng bahay para pagbuksan siya ng gate a papasukin pagbukas ko ng gate ay bumungad sakin ang pawis na pawis na si Alex. Tumatagaktak ang pawis niya na nagmumula sa kaniyang noo.
"Hi, sorry na late ako" bungad niyang sakin
"Okay lang tsaka 'di ka pa naman late eh may 4 minutes ka pang natira bago mag alas 10" sambit ko at bahagya kaming natawa na parang mga loko
"Pasok ka muna at mukhang pagod na pagod ka sa dami ng iyong pawis"
Pinapasok ko siya at ipinarada niya ang bike niya sa garahe namin. Pinapasok ko siya sa loob ng bahay at ikinuha ko na rin siya ng tubig.
"Ito oh uminom ka muna"
"Salamat" sambit niya at umupo sa sofa namin
Itinapat ko na rin sa kan'ya ang electricfan namin para mahanginan man lang siya at mabawasan ang init na nararamdaman. Umakyat muna ako sa kwarto ko para maka kuha ng face towel basang-basa kasi siya baka ako pa masisi pag-nagkasakit siya dalawa yung kinuha ko para sigurado.
Pagkababa ko iniinat-inat niya yung t-shirt niya para pumasok kahit kaunting hangin sa loob ng kan'yang damit habang naka tutok 'yong kan'yang mga mata sa tv... Ooppsss..... Spongebob pala 'yong pina panood ko nakakahiya naman sa mukong na'to.
Ako pa talaga yung nahiya?
Well speaking of nahiya sadyang ayoko lang talagang maasar sa kan'ya.
"Ah gusto mo ilipat ko sa ibang... " naputol yung sasabihin ko dahil nagsalita siya
"Okay lang maganda nga eh..."bahagyang nanlaki yung mata dahil sa sinabi niya "magandang asarin ang nanonood na spongebob ay isang 17 years old na kagaya mo. "Aba ginag*go pa ako tumatawa pa ang luko
"Sige tawa pa" pa galit kung sabi
"Joke lang ikaw naman 'di na mabiro, oy pero maganda rin namang manood ng spongebob"
"Kailan ka pa nagkahilig kay spongebob? ha" tanong ko
"Ngayon lang"
"Loko ka! " sabi ko sabay tapon sa mukha niya yung face towel
"Gusto ng bestfriend ko eh, kaya gusto ko na rin"