Asan ka na aking kaibigan
Kaibigang aking nakagisnan
Taong nakasanayan
Sa mga panahong pinagdaanan
Bakit ka agad naglaho
Gayong di pa tayo buo
Sa halip tayo'y magkasundo
Tayo'y nagkalayo
Sa mga di pagkakaunawaan
Kailangan bang magkawasakan
Gayong may paraan naman
Para masolusyunan iyan
Kailangan lamang malaman
Lahat ng paraan
Upang ang pinagsamahan
Di humantong sa kawalan
Lahat ng asaran
Lahat ng kulitan
Damayan sa oras ng kalungkutan
Kasiyahang puno ng tawanan
Minsan tampuhan
Minsan awayan
Hindi pagbabatian
Hindi pagpapansinan
Kung pipigilan lamang
Dignidad ng kataasan
Baka bumalik ang nakasanayan
Ating pagsasamahan
Ngunit huli na
Dahil naglaho ka na
Kaya tanging sambit salita
Kaibigan Asan Ka Na!