AS A PROMISE, HE MARRY ME.

187 3 2
                                    

I'm just 7 years old when he promised to marry me after I graduated college.

"Monique! I promise after we graduate and we already have a work, I'll marry you." he said.

"Promise?" I said and he just nod and hug me.

It's been years simula ng pinangako sa 'kin ni Isaac yun at patuloy pa din akong umaasa pero alam 'kong malabo dahil nga sa bata pa kami noon. I'm currently managing our business pero yung mga pangako ni Isaac ay tanda ko pa din kaya hindi ko magawang mag boyfriend.

Nasa states siya ngayon dahil doon siya pinag aral ng parents niya. I know na okay naman sa kanya yun dahil andoon naman ang kapatid niya but I didn't met his sibling until now basta ang alam ko lang dalawa silang magkapatid.

"Ma'am Monique? You have a visitor." Sabi ni Grace ang secretary ko.

"May appointment ba siya?" I asked pero umiling lang si Grace.

"Sige papasukin mo na lang at baka important." tumango lang si Grace at lumabas na maya maya'y may pumasok na isang lalaki at kahit hindi ko siya tiningnan ng mabuti kilalang kilala ko siya dahil ganon pa din naman ang hitsura niya.

"I-isaac?" Nautal na talaga ko at napatayo.

Ngumiti lang siya at nilapitan ako at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"I miss you, Monique and as a promise pakakasalan kita pero let me ask you one thing, are you in a relationship with someone?" pinipigilan ko ang ngumiti at umiling ako. Gosh I miss him so much.

Isang buwan din kaming nag getting to know each other again bago namin itinuloy ang kasal.

Natawa pa ko ng sinabi ni Isaac na may kodigo daw siya sa vows niya dahil baka hindi niya daw masabi ng maayos dahil sa kaba.

Ang kasal namin ang pinaka masayang araw para sa akin. Noon ko lang napatunayan na kaya pala nakakapit ako sa pangako ni Isaac ay dahil sa mahal ko na siya kahit noong mga bata pa kami. Sobrang saya ko sa mga bawat araw na dumadating dahil pinapatunayan ni Isaac na mahal niya ako.

Lumipas ang isang taon ng pagiging mag asawa namin ni Isaac at sobrang saya namin.

Kasalukuyan akong paakyat sa kwarto namin dahil kakauwi ko lang galing sa opisina. Narinig kong may tao sa kwarto, siguro maagang umuwi si Isaac.

Papasok na sana ako sa kwarto ng marinig kong may kausap siya sa telepono.

"Ma! Natutunan ko na siyang mahalin. Ayokong sabihin ang totoo dahil baka makipag hiwalay siya sakin!" Sino naman kayang kausap ni Isaac? At anong pinag uusapan nila?

"No! I won't tell her the truth! Hanggat kaya kong maging si Isaac gagawin ko. Mahal ko na siya mom! Matutuwa din si Isaac kung malalaman niyang inaalagaan ko si Monique."

Napatanga naman ako. Hindi siya si Isaac? Pero sino siya? Bakit kamukha niya si Isaac?

Dahil sa narinig ko binuksan ko ng malaki ang pintuan at napatingin naman siya sa 'kin at gulat ang mga mata.

"Monique.. kanina ka pa ba dyan?" tanong niya na halatang may itinatago.

"Sino ka?" I asked.

"Monique--" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Tinatanong kita kung sino ka?! Hindi ikaw si Isaac? Kung ga'non sino ka? Bakit kamukha mo siya? Bakit?!" sigaw ko at tiningnan naman niya ko sabay ng pagtungo niya.

"I'm Ismael, Isaac's twin brother." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Kung ganon nasaan si Isaac?" tanong ko pa din kahit nalilito na ko.

"He died. 4 years na ang nakakalipas ng mamatay siya. He's suffering from leukemia at sinabihan niya kong ako na daw ang tumupad ng pangako niya dahil masasaktan ka daw kung hindi. Noong ikinasal tayo, sinabi ko sayong kinakabahan ako kaya may vows akong isinulat pero ang totoo 'nun si Isaac ang nagsulat nun. Yun daw ang sasabihin ko para daw kahit sa vows lang nandun siya. As his twin ginawa ko yun dahil hiling niya pero hindi ko naman alam na mamahalin din kita."

Ang dami niyang sinabi pero isa lang ang tumatak sakin, ang pagkamatay ni Isaac.

The Tragic Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon