PLUVIOPHILE

72 2 0
                                    


"Raiza! Uulan na yung mga sinampay kuhain mo na." sigaw ni mama galing sa baba.

Dali dali naman akong bumaba at tiningnan ang langit at oo nga umaambon na ng paunti unti.

"Baka naman maligo ka na naman sa ulan? Kuhain mo muna ang mga damit." saad ni mama kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Alam mo namang masaya ako tuwing umuulan ma.." napailing naman si mama.

Kinuha ko na ang sinampay at ipinasok sa loob ng bahay. Dali dali akong lumabas at naligo sa ulan.

"Raiza! Tumigil ka na dyan, para kang bata! Kakain na tayo pumasok ka na at magbanlaw!" sigaw ni mama kaya naman pumasok na ko sa bahay at nagbanlaw.

Kumakain na kami pero nakatingin pa din ako sa labas at parang tangang nakangiti.

"Anak dalawang taon mo ng minamahal ang ulan o dahil--" pinutol ko naman ang sasabihin ni mama.

"Ma, masaya ako tuwing umuulan hindi dahil sa kung ano man," saad ko at tumayo na dahil tapos na kong kumain at dali daling umakyat sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama ko at sumilip sa bintana at kita ang lakas ng ulan kaya naman naalala ko ang nakaraan

-
Sobrang lakas ng ulan at nandito kami ngayon ni Isaac at Julia sa gitna ng kalsada.

"Pumili ka na, Isaac! Ako ba o yang best friend mo?" sigaw ni Julia kay Isaac kaya naman napatingin sakin si Isaac.

"I-I'm sorry Raiza.. but I'm choosing Julia." parang nagunaw ang mundo ko sa sinabi ni Isaac. Ni let go niya ang 8 years naming pagkakaibigan dahil lang sa umamin akong gusto ko siya.

Lumuhod naman ako kahit mukha na akong tanga.

"Isaac.. piliin mo naman ako please." nanginginig na ko sa lamig pero kita ko ang pag iling niya.

Kita kong hinila na siya ni Julia at tiningnan lang ako ni Isaac habang paalis sila.

But I'm thankful

I'm happy now that he chose his love ones. I'm happy that he is now happy with his girl.

Saksi ang ulan kung gaano ako kasaya na masaya ang taong mahal ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Tragic Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon