page 28

1K 41 6
                                    


Wala na akong naabutang Jelay sa kwarto niya. Hindi ko ren siya matawagan dahil iniwan niya ang cellphone niya.

Bumaba lang ako saglit para mag bihis ng damit. Dali dali pa akong bumalik dito sa kwarto niya pero wala siya dito.

"Ma wala siya." Sumbong ko kila mama.

"Jusko san ba pumunta yun." Si mama.

"Alam ko na kung san siya pumunta. Malamang pumunta nanaman sa bar yun."

Tama ata si lola. Sa bar lang naman siya laging pumupunta pag may problema siya. Pero saang bar ? Naiiyak nanaman ako. Gusto ko siyang puntahan pero di ko alam kung san.
  
Gabi na wala parin siya. Pinauna ko na sila mama kumaen. Iintayin ko si Jelay. Di ren ako makakakaen kung wala siya.

 
Alas nuebe na. Wala parin siya.

"Jusko Jelay. Asan ka na ba. Umuwe ka na please."

Andito parin ako sa tapat ng gate. Inaantay siya. Walang laman ang tiyan ko pero di ako nakakaramdam ng gutom.

Ilang minuto pa ay may bumusina na. Alam kong si Jelay na ito. Agad kong binuksan. Di ako nag kamali. Kotse nga niya ang pumasok sa garahe.

Ngunit hindi siya ang lumabas sa kotse niya.

Si Missy. Nakwento saken ni Jelay na kaibigan niya eto. Dito siya natutong uminom at mag bar.

Pag kalabas niya ng kotse ay agad niyang binuksan ang pinto ng passenger seat.

"You." Turo niya saken. "Help me. Mabigat to."

Agad akong lumapit sakanya. Alam kong si Jelay ang tinutukoy niya.

Nakita ko sa loob ang girlfriend ko. Mukhang lasing na lasing. Tulog na tulog.

Kinuha ko agad siya at inalalayan naman ako ni Missy.

Nang maihiga na namen si Jelay sa kama niya ay nag salita si Missy.

 
"Ang dami niyang ininom. Pati nga yung iniinom ko. Inaagaw niya saken". Umirap pa ito sa tulog na Jelay. "Iyak pa siya ng iyak. Poor Jillian". Wika pa nito.

"Sa-salamat sa pag hatid sakanya." Hiya kong sambit.

Tumingin naman siya saken.

"Niloko mo daw siya ?" Naka pamewang pa niyang tanong. "Look. Labas ako sainyo. Pero makita ko siyang ganyan..." Tumingin ulet siya kay Jelay. "This is the first time na nakita ko siyang umiyak dahil sa pag ibig. Worst. Sayo pa. Sobra mo siyang sinaktan. Ayusin mo yan. She loves you that much." Bago siya umalis ay inirapan niya pa ako.

Pero nag papasalamat parin ako sakanya.

"Salamat ulet Missy." Habol ko pa pero naka labas na siya.

Hindi ko na siya hinatid sa labas. Kaya naman niya siguro iyon.

Inayos ko pag kakahiga ni Jelay sa kama. Tinanggal ko rin ang sapatos niya. Kumuha ako ng planggana na may tubig at towel sa cr niya.

"Love. So-sorry ulet ha."umiiyak nanaman ako habang pinupunasan ang mukha niya. "Di ako mag sasawang humingi ng tawad sayo. Di ren ako titigil sa kakapaliwanag kung anong nangyare. Mahal na mahal kita Jelay. Di kita kayang saktan. Di ko magagawa ang iniisip mo."

Hinubad ko na ang t shirt niyang suot at pinalitan ito ng damit pan tulog.

Nag iinit ako nung nakita ko ang dibdib niya. Pero mali ito. Hindi ito ang tamang oras para dito.

"Alam ko lalo kang magagalit saken pag nakita mo akong andito sa kwarto mo. Kaya iiwanan muna kita. Je. Mahal na mahal kita." Muling tumulo ang mga luha ko. Shit. Di ko talaga alam anong nangyayare saken. Saamin.

AttentionWhere stories live. Discover now