CHAPTER TWO

28 2 0
                                    

LUNA'S P.O.V.
Dahil sa pinayagan ako ni Ate Selena na tugtugin ang flute ko, naghanap ako ng mataas na puno at umupo sa pinakamataas na sanga. Sigurado naman ako na hindi mababali agad ang sangang inuupuan ko. Unless, biglang kumidlat at matamaan ito.

"Luna! Mag-ingat ka diyan ha?" sabi ni Ate Selena habang nililinis ang kanyang espada gamit ang isang tela.

"Opo ate!" sagot ko naman sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim bago sinimulan ang pagtugtog ng plauta ko. Habang itinutugtog ko ang plauta ay napapikit ako. Nararamdaman ko din ang hangin na sumasabay sa pagtugtog ko. Naririnig ko rin ang alon ng dagat kahit wala naman kaming dagat dito sa kaharian namin. Bigla na lang naging matalas ang pandinig ko sa paligid. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Para bang nilipad ako ng hangin.

Ngunit habang tumutugtog ako ay may narinig din akong kakaibang tunog. Parang kulog ang naririnig ko. Idinilat ko ang mata ko at doon ko nakita na kumikidlat pala sa itaas ngayon. Bigla akong nakaramdam ako ng kaba pero di ko parin itinigil ang pagtugtog. Para akong nakikipaglaban sa kidlat ngayon gamit ang kakayahan ko sa pagtugtog ng plauta ko nang bigla nalang--

"LUNA!"

.

.

.

.

.

RAIDEN'S P.O.V.
Imbes pumasok sa kwarto gaya ng utos ni Ama. Nagpunta ako sa garden area at doon nag-isip at maipakalma sana ang sarili ko. Ngunit imbis na kumalma ay parang mas umiinit pa ang ulo ko. Dumagdag pa ang naririnig kong tunog ngayon! Ano ba yan?! Plauta?! Pwede bang manahimik muna?!

"Bwesit!! Hindi ko na kaya!" sabi ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at...

"AAAAAAAAAAAARRGHHHHHH!!" naramdaman kong may mga kidlat na nagsilabasan galing sa katawan ko.

Ewan ko ba pero ang sarap sa pakiramdam na inilabas ko ito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko nung gumamit ako ng kapangyarihan ko. Hindi pa ako nakuntento at mas nilakasan ko pa.

"AAAAAAAAAAAARRGHHHHHH!!" sumigaw ako muli at mas lumakas pa yung mga kidlat na lumalabas sa katawan ko. Tumawa ako nang malakas nang biglang--

"RAIDEN!"

Nakarinig ako ng pamilyar na boses. Lumingon ako sa kung saan nanggaling yun.

"Princess?"

Itinigil ko ang ginagawa ko at doon lang siya lumapit sa akin.

"Anong ginagawa mo dito Princess?" tanong ko.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo sa kapangyarihan mo?!" naguluhan naman ako sa tanong niya.

"Tignan mo ang paligid mo Raiden!" natataranta niyang sinabi kaya napalingon ako sa paligid ko. HOLY MOTHER OF THOR!! Anong nangyari sa paligid?! Nagkasira-sira yung ibang mga puno at may mga nasira pang kung ano-ano sa paligid! Kagagawan ko ba ito?! Napaluhod ako.

"I'm sorry Princess." yan lang ang tanging nasabi ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong niya at lumuhod sa harap ko.

'Sasabihin ko ba sa kanya?' tanong ko sa utak ko.

"Princess... ikakasal na ako." nalulungkot kong sabi sa kanya. Ilang segundo pa nang marinig kong tumawa si Princess. I looked at her confused.

The Daughter Of The Moon[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon