Broken Angel

17 2 1
                                    

Donny's POV

Ang ganda ng umaga kasing ganda ng panaginip kong mahal na ako ng aking prinsesa.

Ano ba yan donny ang aga aga nangangarap ka nanaman na. Hays gwapo naman ako pero bakit hindi ako magustuhan ni kisses. Si Kisses ang babaeng iniingatan ko ng sobra magkababata bestfriend ang turing nya sa akin. Pero sabi nga nila.

"Sa isang magkaibigang babae at lalaki hindi pwedeng hindi mahulog ang isa" at sa aming dalawa ako yung nahulog. Ang masakit lang di pa ako nakakaamin talo na agad ako.

Flashback

Habang namamasyal kami ni Kisses nakasalubong ko ang isa kong barkada na hindi kakilala ni kisses, since hindi sya mahilig sumama sa akin pag naglalaro ako ng basketball.

Pero mukhang nahulog ang ungas na to sa prinsesa ko dahil kusa itong lumapit at pinakilala ang sarili nya ng hingi pa ng number at dahil sadyang mabait si kisses binigay nya ito.

Hindi ko alam ng mga oras na to gusto kong manakit gusto kong sabihin na off limit sya kasi mahal ko yan, pero hindi ko magawa hindi ko kayang gawin kasi baka sa isang iglap sya naman ang mawala sa akin.

Back to present

Napabalik ako sa reyalidad ng sunod sunod na tumunog ang cellphone ko na nasa side table ko. handa na sana akong awayin kung sino man ang tumatawag. Pero napangiti ako kasi ang prinsesa ko ang tumatawag.

"Hello, ang aga mo atang mang istorbo, kiss" bungad ko ng sagutin ko ang tawag. pero hindi sumasagot ang nasa kabilang linya at iyak lang ang nadinig ko. Nataranta ako gusto ko agad syang puntahan.

"Asan ka? Ayos ka lang ba? Kirsten sumagot ka." alam na nya na seryoso ako kapag tinawag ko syang Kirsten.

"Mar...marco." yung lang ang naisagot nito sa akin nainis ako gusto kong puntahan si Marco at suntukin ito dahil hindi ko pinaglaban  ang nararamdaman ko ng Makita kong napasaya nya ang mahal ko hindi ko linayuan si kisses para saktan nya lang ang pangarap ko.

"Sabihin mo sa akin anong ginawa nya sayo! sinaktan ka ba nya!" Galit na sagot ko dito dahil habang naririnig ko ang mga hikbi nya parang pinupunit yung puso ko.

Flashback

Andito kami sa sala nila kisses, kinikwento nya sa akin na nagkakatawagan at nakakatxt nya si Marco dahil nasanay syang sabihin sa akin lahat kasi ako yung tinuturing nyang bestfriend. Nakikita ko yung kinang sa mata nya sa bawat pagbanggit nya ng panalan nito halatang masayang masaya sya.

Habang masaya sya unti unting dinudurog ang puso ko, kasi yung saya nya hindi dahil sa sa akin at hindi dahil pangalan ko yung binabanggit nya. Pero pinilit kong tumawa kasi ayokong Makita nyang nasasaktan ako. Sh*t nakakabakla palang magmahal.

"Alam mo Donny sabi ni Marco gusto nya raw ako."Kinikilig nya pang sinasabi sa akin. Ako kaya pag umamin rin kikiligin sya o baka masasaktan lang ako. Hindi pa ako nakakakuha ng lakas ng loob pero ramdam ko na yung pagkatalo.

"Ikaw ba kiss, gusto mo na ba sya?" tanong ko rito, isang tanong ko magpapaguho ng mundo ko.

"Actually Donny hindi ko pa alam mabait sya sweet, kinikilig ako sa mga ginagawa nya pero hindi ko pa sigurado kung ano yung nararamdaman ko. Sa tingin mo Donny mabait ba sya barkada mo naman yun di ba?" sagot nito sa akin. Hindi ko alam kung sasagutin ko pa yung tanong nya pero tinitignan nya ako at sumandal sya sa balikat ko.
Hindi ko nasagot agad yung tanong nya kasi ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam pero yung pangarap ko asa tabi ko na pero ang hirap nyang maabot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon