100 days in Heaven :">
Hi! Ayos lang ba yung title natin?
Sounds Interesting Right?
Alam ko namang Lahat tayong buhay pa eh, hindi pa nakakapunta sa Langit. Pero isipin nyong nasa isa kayong Lugar kasama yung Mahal mo? Di ba? para ka na ding napunta sa langit? Haha. Pano kung binigyan ka ng 100 days para lang makasama siya? Sapat na ba yun? para maging vocal ka sa lahat ng nararamdaman mong hindi mo masabi-sabi sa mahal mo dahil torpe ka. Na dinadaan mo nalang sa pangungulit at pangangasar sa kanya araw-araw? Na tinagurian na kayong Aso't Pusa? Ano ka ba? wag mong gawing hayop ang sarili mo pati na rin ang mahal mo ng dahil sa tawag nila sa'yo! Hep!Hep! nalayo na ako, masimulan na nga lang 'to.
Paano ko ba masisimulan 'to? takte ang hirap! HAHAHA, Ok eto na!
Isang araw may magkakabarkadang magkasama sa bawat oras, ang U.B.E.R. (Ultimate Barkada Experience) papakilala ko muna sila sainyo.
Si Ella,ang babaeng maganda pero may pagkaBoyish. Pero sa pagkaboyish nya may nagkagusto parin sakanya, Si Patrick,morenong matangkad, Torpe pero Gwapo na may Gusto kay Ella at kapatid ni Diego, Si Diego na may gusto kay Tammy na Bestfriend ni Ella. At si Britney ang babaeng... NVM na may Boyfriend na si EJ. At ang Kuya ng barkada si Tikoy, chickboy. Gwapo naman kaya Ok na din! Oh Kilala nyo na sila? Let's Start this One-Shot story mga kaUBER!
Tikoy's POV
Hello Mga KaUBER! ako muna magiging Narrator nyo ha? One-Shot lang naman 'to! tsaka ayaw ko namang mapagod si Author! hahaha! Kilala nyo na siguro ako diba? Pero sige magpapakilala muna ako Ako si Tikoy at wala akong apelyido, Hahaha dejoke lang! Wag na nating pag-usapan yan Haha. Simulan na kasi natin! Kanina pa eh. So this is it!
Batiin nyo naman akong HAPPY BIRTHDAY! Birthday ko kaya ngayon! And let's party, at dito sa party ko magsisimula ang kwento. Kilala nyo sila Ella at Patrick di ba? Kung hindi nyo pa kilala, Magbasa kayo dejoke! Sila Ella at Patrick ang Aso't Pusa ng barkada. Walang araw na hindi sila nagaaway! Eh alam ko lang naman eh may gusto 'tong si Patrick kay Ella eh kaya nagpapapansin. Sayang yung dalawang yun, Bagay pa naman sila kaso etong si Patrick kahit gwapo, ehem pagbigyan! Eh Sobra sa pagkaTORPE! nakngtinapa! kahit hindi nya sabihin samin alam naming gusto nya si Ella! Kaya Sana may makasagot na sa mga panalangin naming magkasundo na sila! matawagan ko na nga ang Barkada para mapagplanuhan na namin yung -Ella and Patrick Mission 101-
At nandito na sila Guys! Bilis 'no, hahaha!
"Hi Birthday Boy!" Patrick
"Hello Mr.TORPElicious!"
"Ano? hahaha! mabuti nalang birthday mo ngayon kundi batok abot mo sa akin!" Patrick
"Wag naman!"
"Hello Tikoy! happy Birthday! Ano inaasar ka nanaman netong Unggoy na 'to? Panira talaga yan kaya BEWARE! Hahaha!" Ella, sabi ko sainyo eh nagsimula na silang dalawa
"Hello? Ako pa ang nang-asar ha? sabat ka kasi ng sabat eh hindi mo naman alam pinaguusapan! Payatot!" Patrick
"Ano? Tikoy may naririnig ka? Bago yun ha? May nagsasalita na palang Unggoy? Amazing!"
"HEP! HEP! Kayo namang dalawa nagsimula nanaman kayo! Uy! Birthday ko 'to kaya sana naman! Please!"
"Siya eh!" sabay nilang pagsabi.
"Tama na! Osha kayong dalawa may iuutos ako sainyo. Kumuha na kayo ng Maraming pagkain sa kusina, dalhin nyo dito ha?" sila na yung pinakuha ko, matatakaw eh tsaka para masimulan na namin yung plano.
"HAPPY BIRTHDAY TIKOY!" Sabi ng barkada maliban dun sa dalawa.
"Salamat sa inyo! Uy Guys! Kailangan nating mag-usap at magplano para sa -Ella and Patrick mission 101-"