Chapter 22-"PAIN AND SMILE"

51.7K 746 39
                                    

Chapter Twenty-Two:''Pain and Smile''

Hana's P.O.V:

''Wala akong oras para makipag inisan, Brent!'' Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at di pinansin ang panyong offer nito.

Putrages! Sa lahat ba naman nang makakakita sa akin bakit si Brent pa?!

Hindi ko inaasahan na tatabi siya akin. Masuyo niyang pinunasan ang pisngi ko gamit ang red handkerchief niya.

''You shouldn't conclude things right away, Hana. Hindi ibig sabihin na nadito ako eh para inisin kana.''

Tumulo ulit ang mga luha ko. Buwisit na mga luha! Ayaw talagang makisama! Napaface palm na lamang ako.Naramdaman ko ang mga kamay ni Brent na hinila ako palapit rito. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa dibdib niya.

''Yes, sweetheart. Cry it. Huwag mong itago dahil mas lalo kang masasaktan. Huwag mong ikaila ang nararamdaman mo dahil mas mahihirapan ka. Ngunit tandaan mo na kung iiyak ka man ngayon o sa mga susunod na mga araw, narito lang kami, ako para sayo.''

Tiningala ko siya. ''Alam ko hindi naging maganda ang una nating pagkikita. Alam ko naiinis ka sakin. Dont worry the feelings is mutual.'' Hinampas ko na ang gago. Sabi ko na nga ba, iinisin niya rin ako. Tumawa pa ang gago.

''Teka nga kasi. Patapusin mo muna ako. Ngayong nakita kita rito. Umiiyak. Malungkot. I know this sounds unbelievable but whether you believe it or not someones whispering on me that I must protect you. To make you happy. I can be your crying shoulder Hana.''

Nagsalubong ang mga mata naming at nakikita ko ang concern roon.

Umiyak ako ulit. He hugged me again.

Pakiramdam ko dehydrated na ako. Buwisit na Matthew! Grabeng sakit sa puso tong binigay niya sakin!

Matapos ng mahabang oras ng pag-iyak. Kumalas ako kay Brent. Brent's right. Oo, naroon pa rin ang sakit ngunit gumaan naman ang nararamdaman ko.

My Amnesia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon