Chapter 11: Motivation

48 1 0
                                    

"We think, mistakenly, that success is the result of the amount of time we put in at work, instead of the quality of time we put in."

-Ariana Huffington, businesswoman and author

•••

Briana's POV

"Ano ang iyong ginagawa, aking Beauty?"

Napataas ang aking ulo nang marinig ang malambot na tinig na iyon— dun ko nakita si Ina na nakaupo sa gilid nang aking kama habang pinagmamasdan ako.

"Sinusubukan ko po, mag-eksperimento nang mga sangkap na aking gagawing tsaa, Ina. Para po sa aking dadating na pagsusulit"

Tumayo siya at lumapit sa akin— umupo siya sa katapat kong upuan sa gitna nang mesa at tinignan ang mga sangkap at librong binigay sa akin ni Lolo Levis. Napanguso ako dahil dun.

"Anak, hindi ka makakagawa nang tsaa gamit ang katawang bahagi nang puno" aniya sa akin "Kung iyong mararapatin— maaari kitang tulungan sa iyong suliranin"

Napangiti akong umiling sa kanya.

"Hindi na po kailangan, Ina. Baka maka-abala pa po ako sa inyo"

"Hindi, aking anak" aniya "Lagi akong may oras para sa iyo— pakatandaan mo sana iyon"

Tumango naman ako.

"Sige na nga po, Ina" pagsuko ko "Tulungan niyo na nga po ako"

Natutuwa siyang yumakap sa akin na agad ko namang tinugunan. Aaminin ko man o hindi ay talagang hirap na hirap na akong gumawa nang tsaa— isa pa tatlong araw na den at malapit na ang pagsusulit namin sa paggawa nang kakaibang tsaa.

Inaya ako ni Ina sa kusina nang palasyo at kumuha nang takure na may mainit na tubig at dalawang maliit na tasa. Nang matapos ay nagtaka naman ako nang dumaan kami sa malaking hardin namin at agad siyang namitas nang mga dahon, isang prutas na ngayon ko lang nakita at bulaklak?— Huh? Hindi ko na ma-gets. Bakit may bulaklak?

Nang matapos sa pamimitas si Ina ay bumalik kami sa aking silid at pumunta sa aking malaking terraces kung saan May upuan at mesa sa gitna— dun niya nila pag ang mga nakuha niya at walang sali-saluting gumawa nang tsaa sa aking harapan at isang minuto lamang ay nakagawa na siya nito.

Kinuha ko ang tasa kong may lamang tsaa at inamoy ito.

"Kaamoy nito ang paborito kong jasmin flower, Ina— at parang may pagka-halimuyak nang matamis na pukyutan den"

Ngumiti si Ina sa akin at hinigop ang kanyang tsaa.

"Subukan mong tikman ang aking gawa— aking prinsesa"

Sinunod ko siya at ininom ang kanyang gawa at napaawang na lamang ang labi ko sa pagkagulat ay pagkamangha nang matikman iyon. Napatingin ako kay Ina— nagtatanong ang aking mga matang bumaling sa kanya pero nginitian niya lamang ako bilang tugon.

"Ina, bakit ganito po ang lasa nang tsaa— parang lasang kape"

Lumawak ang pagngisi ni Ina.

"Especial ko yang tsaa, beauty" sagot niya sa akin "Kasa ang tawag ko sa tsaang iyan na lasang kape— matagal na rin nang gumawa ako niyan at iyan ang especial kong tsaa na ginawa nung ako ay nag-aaral pa tulad mo"

Umawang bibig ko sa kanya sa gulat dahil sa aking nalaman.

"Ina pano naging ganito ang lasa nang inyong tsaa— Grabe po kasi ang sarap, matapang na matamis"

Sleeping Beauty and the Guardian Jewels (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon