Chapter 1: Screening
"Good morning Class," bati ni Ms. Jones na kadadating lang. Binati rin namin sya pabalik at sinabi nya na hindi sya magtuturo para sa araw na ito.
Today is friday and for sure the following weeks are only for preparations and trainings for the upcoming Intramurals.
"Hoy sissy, may napili kana bang sports or competitions na sasalihan?" napalingon ako kay Elysse. Hmm oo nga pala, required na sumali kami ng sports or sa kahit na anong event.
"Hmm, oo sis, ikaw ba? anong napili mo?" I replied.
"I think I'd rather choose volleyball or cheer dance nalang siguro. Ikaw ba? hindi ka magchicheerdance?" napaisip ako sa sinabi nya, cheerdance? hmm pwede din naman. Kaya din kami naging close ni Elysse ay dahil din pareho kaming kasali sa cheering squad noon.
Sasagutin ko na sana ang tanong ni Elysse ng magsalita si Ms. Jones. "And class, I have an important announcement for today, alam nyo naman na kaya walang class ngayon ay dahil nagkaron ng meeting ang mga faculty dahil nga sa darating na Intramurals," she paused and then continued.
"So the faculties decision is to add a special event para naman hindi nalang puro sa sports ang ganap," nagkatinginan kami ni Elysse at nagkibit balikat nalang kung ano iyong special event na yun.
"The faculties decision is to have a pageant on the last day of the Intramurals," agad na nagsigawan ang mga kaklase namin dahil dito lalo na ang mga lalaki syempre. If I know sa swimwear lang sila excited psh.
"Kelangan nyo pumili ng representative para sa klase nyo na magsscreening, kung sino man ang makapasa sa screening ay sya ang magrerepresent sa Department natin na syang lalaban sa para sa Ms. Intramurals 20**," mahabang paliwanag ni Ms. Jones.
Agad naman na naglilingunan ang mga kaklase namin na tila naghahanap ng pwedeng ipanglaban sa nasabing contest nang bigla tumigil ang tingin nilang lahat sakin. Oh no! nasa panganib ako! agad akong tumungo sa libro na nasa desk ko at kunwaring nagbabasa.
"Miss! May napili na po kami!" sabi ng isa kong kaklase na matamis ang ngiti kay prof.
Unti unti kong inangat ang tingin ko at tumingin sa kaklase kong si Bryndon na nakaturo ang kamay sa akin.
Nanlaki agad ang mga mata ko at lumingon sa mga kaklase kong naka turo rin sa akin. Mabilis akong lumingon kay Ms. Jones ng may nanlalaking mata habang umiiling pa, "Wag po ako," ani ko habang iwinawagayway ang mga kamay para ipahiwatig ang pag tanggi sa gusto ng mga kaklase ko.
Napalingon ako kay Elysse at sinenyasan ko na tulungan ako, nakangiti sya sakin at tumaas ang kamay dahilan para tawagin sya ni prof.
"Opo Ms. Jones si Ayumi po ang ipanglalaban namin sa pageant, actually sya po ang laging panlaban samin nung jhs at lagi po syang nananalo." Agad akong nakahinga ng mal-- WTH? agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Elysse at napatingin sa kanya na napakalawak ng ngiti kay Ms. Jones.
Oo lumalaban ako ng mga pageants nung jhs but that was years ago at hindi kona alam kung kaya ko pa ba considering na baguhan palang kami sa school na ito. Nakakahiya no!
Wala nakong nagawa ng pumayag si prof sa gusto ng mga kaklase ko. Agad akong napa simangot matapos sabihin sakin ni Miss na mamayang hapon agad ang screening kaya maghanda narin daw ako.
"Goodluck sissy! samahan kita mamaya sa screening at ako narin ang magaayos sayo hihihi," excited na wika sakin ni Elysse. "Eh kung hambalusin kaya kita? alam mo namang matagal na akong hindi nasali sa ganun diba? at tsaka nakakahiya no,"
YOU ARE READING
Hating the Bad Boy [On-going]
Teen FictionAyumi, a college freshmen in their university had a quiet and peaceful life until she met Lanz Ashther Cervantes, the campus hottie and the ultimate badboy that will make her life miserable. But there are circumstances that changed their fate. Wha...