Kabanata 5

18 4 3
                                    


Kabanata 5

Lechon

"Good morning Ciello!" bungad ni Tristan.

Nagulat ako, hindi inaasahan ang pagdating niya.

"Tristan, anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

"You won't even greet me 'good morning' back?" biro niya.

I chuckled, "Good morning too! Pero uh, bakit ka nandito?" ulit ko.

"Sinusundo ka. Tara, sabay na tayong pumasok," aniya.

"Hindi na kailangan, makakapasok naman akong mag-isa, besides, I have my own car," pagtanggi ko.

"Ano ka ba Ciello, I insist. You are a nature lover at pareho nating alam na makatutulong ang offer ko sa'yo sa kalikasan," pagkumbinsi niya sa akin. "Tapos mamayang hapon, ihahatid uli kita. Tipid sa gasolina, bawas sa traffic at usok," katwiran niya pa.

At ginamit pa talaga niya ang pagiging nature lover ko para mapapayag ako. But well, he's right. Makakatulong nga naman sa kalikasan kapag makikihitch ako ng sakay sa kaniya.

Pumasok ako sa loob ng bahay para muling magpaalam kay Nanay.

"Nay, hindi ko na gagamitin ang kotse. Sasabay na lang ako kay Tristan."

"Ay andiyan si Tristan? Sige Ciello, mag-iingat kayo." Tumango ako at inisarado na ang pinto.

Bumalik na ulit ako sa labas. Agad akong pinagbuksan ni Tristan ng pinto. Pagkasakay ko ay isinarado niya ito at umikot para sumakay sa driver's seat.

Nagsusumigaw ng karangyaan ang sasakyan niya. His car is a black Porsche Panamera, 2019 model. Iba ang isang ito sa sasakyang ginamit niya kahapon. Nanuot sa ilong ko ang panlalakeng pabango ni Tristan.

"Put your seatbelts on, Ciello," paalala niya.

I immediately put the seatbelts, ganoon din sa kaniya. Pagkatapos ay inandar na niya ang sasakyan at pinaharurot.

Pagkatapos ng dalawampung minutong biyahe ay nakarating na kami sa opisina. Itinabi niya lang sa harap ng building ang sasakyan.

Lumabas si Tristan at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Agad namang sumalubong ang valet at kinuha ang susi ng sasakyan para iparking ito sa parking lot.

Inalalayan niya akong bumaba gamit ang kamay pero agad ko ring binitawan nang makababa ako at maglalakad na.

"Good morning Sir at Ma'am!" bati ni kuyang guard.

"Good morning kuya!" bati ko pabalik habang si Tristan naman, ngumiti lang at tumango sa guard.

Nakuha namin ang atensyon ng mga taong nasa unang palapag pagkapasok namin. Sabagay, alam nilang magkakilala kami ni Tristan pero hindi naman kami nagsasabay na pumasok, ngayon lang.

May mga bumati kay Tristan at yong iba naman ay ngumiti lang sa'kin.

Pagkalagpas namin ay dinig na dinig ko ang mga bulong-bulungan.

"Nililigawan ni sir Tristan si Ma'am Ciello?"

"Oo ata, magkasama sila eh."

"Sa sasakyan  ni Sir sumakay si Ma'am."

"Baka sinundo?"

Sumulyap ako kay Tristan at mukhang wala siyang naririnig sa mga bulungan. O baka meron pero ipinagsasawalang bahala niya lang.

Dumiretso kami sa elevator at umakyat na sa ika sampung palapag. Pagkabukas ng elevator ay mas maraming mata ang nakamasid sa galaw namin. Dumiretso ako sa reception at nag-time in.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon