Amina's Pov.Isang madilim na kagubatan. Napakaraming puno. Wala akong maaninag na kahit kaunting ilaw mula dito sa daang nilalakaran ko.
Napahinto ako sa paglalakad ng may bigla akong maramdamang kirot mula saaking mga paa. Nang tanawin ko ito ay wala pala akong sapin sa paa. Kahit sapatos man lang o tsinelas.
Panandalian akong tumayo muna sa bahaging ito. Hindi pa sa kalayuan ay may nakita na akong liwanag. Sobrang liwanag sa bahaging iyon. Ano kayang meron doon? Iyon naba ang labas? O baka iyon na ang langit?
Nanginig bigla ang buong katawan ko ng may marinig akong kalansing ng kadena. Ang tunog nito ay mukhang patungo sa direksiyon ko. Nagmumula ito sa likuran.
Halos hindi ako makagalaw mula dito sa kinatatayuan ko. Anong dapat kong gawin?
Dapat ko bang lingunin?
Siguro ay kailangan kong lingunin.
Ahh hindi! Tatakbo nalang ako.
Pero gusto kong makita kung sino siya.
Lilingunin ko siya!
Hinintay ko pa ang ilang sandali na makalapit siya ng bahagya saakin bago ako lumingon para saktong makita ko ang mukha niya.
Huminto siya.
Huminto ang ingay ng kalansing ng kadena.
Haharap na ako
Isa...Dalawa....~~Tatlo!
Laking gulat ko ng naka maskara lamang ito. Itim ang lahat ng suot niya. Itim din na maskarang nakangiti ang nakatakip sa mukha niya. May hawak itong itak na nakakonekta sa isang kadena na mukhang iyon ang pinagmumulan ng ingay kanina.
"Amina."
Iyong boses niya. Isang pamilyar na boses na sigurado akong narinig ko na iyon noon.
Pero bakit niya ako kilala? Papaano niya ako nakilala?
Papalapit ito ngayon saakin. Tatakbo ba ako? O Mananatili ako dito?
Nanginginig at nanlalamig ang buong katawan ko. Mukhang kahit gustuhin kong tumakbo ay hindi ko magagawa dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon.
Papalapit na siya ng papalapit.
"Amina."
Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko. Paano niya ba ako nakilala!?
At sa wakas! Nakagalaw na ako! Agad akong tumalikod saka tumakbo ng mabilis. Nang tanawin ko siya mula sa malayo ay nakatayo pa rin siya doon sa kinatatayuan niya mula pa kanina.
Salamat naman at hindi niya ako sinundan.
Sobrang lapit ko na sa lugar kung saan nagmumula ang liwanag.
Kaunti nalang.
Malapit na.
Saktong sa liwanag ay nadapa ako dahil sa bilis ng pagtakbo ko.
Araayy! ang tuhod ko.
Nang iangat ko ang paningin ko,isang napakalaking eskwelahan. Tama ba? Eskwelahan ba'to? Mukhang abandonadong eskwelahan noon pa. Mula sa gate nito may isang board sa itaas na may nakasulat na...
YOU ARE READING
Gehenna Academy (The Return of Demonise)
Mystery / ThrillerSi Amina ay isang dalagang namumuhay ng tahimik kasama ang kanyang pamilya, ngunit isang araw nagsimula ang kalbaryo sa buhay niya ng pasukin niya ang mundo ng Gehenna. Nasaksihan niya sa loob ang mga krimen na hindi niya pa nakikita sa buong buhay...