Chapter 4

666 41 2
                                    

"Hoy, Coleen! Nandito na tayo. Gumising ka na d'yan." Nagising ako sa walang ganang boses ng katabi ko dito sa bus kasabay ng pagyugyog niya sa balikat ko. Nilingon ko ang paligid at nakita ko namang pahinto na ang sinasakyan namin.

Nasa Cagayan kami ngayon dahil binigyan kami ng 1 week vacation ng managament pagkatapos maging successful ang release ng 5th single namin. Ituring daw namin itong reward dahil after nito, balik na naman kami sa trabaho at matitinding training.

"Bakit ba ang sungit mo sa akin?" Tanong ko dito kay Gabb na nakasimangot na naman. Ilang linggo na niya akong sinusungitan pero hindi naman ako nilalayuan. Sa akin pa rin naman sumasama.

"Ano naman?" Sabay irap nito sa akin at suot ng earphone. Aba? Siraulo na ata talaga ito. Hinila ko naman agad ang earphone niya para matanggal ito sa pagkakakabit sa kanyang tainga.

"Anong 'ano naman'? Sasama sama ka sa akin tapos sinusungitan mo ako. Wala naman akong ginagawa sa iyo. Pati 'yung iba nao-offend na sa ginagawa mo." Angal ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa tutuluyan naming resort.

"Wala ka na do'n." She answered coldly. Ano na naman bang problema nito?

Hinayaan ko na lang siya at naglakad na lang habang bitbit ang duffel bag at back pack ko. Iniwan ko na lang si ate Gabb kasi naiinis ako sa kanya. Bahala siya d'yan. Nagmadali akong maglakad para iwasan siya dahil kaming dalawa na lang naiwan.

"Akin na 'yan." Napalingon naman ako sa taong nagsalita sa tabi ko at kinuha ang duffel bag sa kaliwang kamay ko. "Sorry na." Dagdag pa nito.

"Akin na. Mabigat 'yan." Sabi ko sa kanya at akmang kukunin ko na sana sa kanya ang bag ko nang bigla naman niya itong ilayo sa akin.

"Ako na. Liit liit mo na nga, nagbubuhat ka pa ng mabigat." Sabi ni ate Gabb sa akin at nauna nang naglakad papuntang lobby ng resort. Nakakainis. Nanlait pa talaga, akala mo kung sinong matangkad.

Ang ganda ng resort na 'to na inirekomenda ni ate Sheki. Grabe lang. Nakakamangha lang sobra.

"Isara mo bibig mo. Baka pasukan ng langaw." Natatawang pang-aasar ni ate Gabb. Akala ba niya hindi na ako galit sa kanya?

"Tss... doon ka nga." Irap ko sa kanya. Patuloy lang siya sa mahihinang pagtawa niya at nagsuot ulit ng earphone. Umupo naman ito sa sofa ng lobby habang nakangisi sa akin. Hindi man lang ako inayang umupo rin. Napakasama ng ugali. Susungit-sungitan ako tapos dikit naman ng dikit sa akin. Parang ewan lang.

"Baby Coco!" Sigaw ni ate Sheki sa akin habang nakangiti.

"Bakit po ate?"

"Nakakaloka! Huli na namin kayo nailista ni Gabo! Nakalimutan kasi kayo ni Margarita!" Sabay tawa nito ng malakas.

"Hindi ko naman sinasadya!" Sigaw naman ni ate Alice habang naglalakad papalapit sa amin ni ate Sheki. Inabot niya sa akin key card ng magiging unit namin. "Tatlo 'yan. Tatlo kayo nila Gabb at Cole as isang unit. May dalawang kwarto doon. Kayo na bahala. Tig-9 naman kami sa 5 units. Mas maliit nga lang unit niyo kasi sayang naman kung malaking unit din kukunin ko sa inyo e kayong tatlo lang naman." Tumango naman ako.

"Thank you po ate Alice." Sabay ngiti ko sa kanya.

Tinignan ko naman ang hawak kong key card. Ang astig lang kasi hindi na siya kagaya ng iba na de susi pa rin. Parang high class na condo lang ang dating. 'Yung may hawak lang ng key card ang may access sa amenities ng resort. Ang cool.

"MNL48!" Napalingon naman kami kay ate Alice sa biglang sigaw niya. "Punta na kayo sa units niyo para makapaghapunan na tayo." Natawa naman ako nang bigla siyang hampasin ni at Sheki sa braso. Captain na captain talaga si ate Alice.

Am I Real?Where stories live. Discover now