Si Ivan nga ang dumating pero hindi lang sya mag isa, may kasama sya at naghahalikan na akala mo walang ibang nakakakita sa kanilaSobrang sakit sa pakiramdam na makita at ipamuka sayo harap harapan ang panloloko nyang matagal ko ng pinagtiisan.
Nakaluhod ako habang umiiyak. Sinusuntok ko ng marahan ang dibdib ko baka sakaling kahit papaano'y mawala ang sakit. Hinang hina na ako. Hinang hina na ako sa nakikita ko pero hindi ko hahayaan na makita nila na ako ang pinakamahina sa aming tatlo. I'd had enough. Hindi ko na hahayaan na warak warakin nila ako ng ganto.
"Tama na" halos pabulong kong sabi habang pilit na itinatayo ang sarili.
"Tama na" medyo malakas na sabi ko pero hindi nila ako napapansin. Nang makatayo ako ay nanguha ako ng vase at ibinato.
"Sinabi ng tama na!" Umalingawngaw ang boses ko sa buong sala at doon lang din natigil ang dalawa.
"What the -" natigil sa pagrereklamo sana ni Ivan ng makita kung sino ang nagbasag ng vase. Namutla ang babae nang nakita ako. Tinignan ko sila ng masama.
Anong akala nila? Tulog na ako? Ha! Sabagay sanay si Ivan na ganitong oras palang nasa kwarto na ako at natutulog. Kaya ba ang lakas ng loob nilang gawin ang kababuyan na yan dito sa aming pamamahay?
"C-Crisha" tawag sakin ng namumutla ding Ivan. "B-Bakit gising k-ka pa?" lalapit sana sya sakin ng senyasan ko syang huminto. "C-Crish" tawag nyang muli
"Bakit gising pa ako Ivan?"tanong ko din sa kaniya. "Kung tulog na ba ako ngayon ay pagpapatuloy mo yang kababuyan mo dito?! Ha?! Kaya ba ganito tayo?! Kaya ba nanlamig ka sakin dahil sa lintik at haliparot na babaeng yan?! Ano bang kulang sakin?!"
"C-Crish huminahon ka."
Nag init lalo ang ulo ko sa narinig ko sa kanya. "Huminahon?! Ha?! Paano ako hihinahon kung nakita ko lang naman yung lintik na asawa ko nakikipagharutan sa ibang babae?!" tinignan ko ng masama ang babae. "At ikaw namang haliparot ka! Alam mo ba na may asawa tong kinekerengkeng mo?! Alam mo bang may nasisira kang relasyon?!"
"Crisha! Tama na! Mahal ko sya!"
Nagulat ako sa huling sinabi ni Ivan.
"Crish mahal ko na sya." nakayukong sabi ni Ivan.
Tumulo ng tumulo ang luha ko. Napahikbi ako sa sobrang iyak.
"M-Mahal mo na s-sya?" Tanong ko ulit sa kaniya at para akong sinuntok ng malakas sa dibdib ng ilang ulit syang nagtatatango.
Hindi ko na kailangang ipakita ang sakit sa kanila. Tama na yong inapak apakan nya yung naramdaman ko sa kanya. Tama na yung pagiging tanga. Tama na yung sakit na idinulot nya. Pride nalang ang sasalba sakin.
Tinignan ko sya ng blangkong muka. Ayokong mabasa nya ang totoo kong nararamdaman. Pinunasan ko ang luha ko at deretso ang tingin sa kaniyang mata.
"You know what?" tanong ko sa kaniya. "I think we have to separate."
Hindi sya sumagot sa akin tinignan nya lang ako. Lumapit ako kay Ivan at sinampal sya ng malakas. Bumiling ang muka nya sa ginawa ko.
"Yan lang kaya kong iganti sayo e." sabi ko. Inangat ko ang kaliwang kamay ko at dahan dahan tinatanggal ang wedding ring namin. Nakamasid lang sya sa ginagawa ko hindi ko mabasahan ng reaksyon ang muka nya. Nang matanggal ang singsing ay kinuha ko ang kamay nya at inilagay doon ang singsing. Tiningnan nya lang ang singsing sa kanyang palad.
"Kakausapin ko nalang bukas ang tito kong judge para sa annulment natin. Wag kang mag alala hindi na kailangan ang confirmation o dahilan mo don. Dahil sigurado ako na isang sabi ko lang kay tito ay gagawin niya na."
Aalis na sana ako ng may makalimutang sabihin. "Don't worry kung iniisip mong matatagalan yon. I'll make sure that within 2 days annulled na tayo." Pagkasabi non ay umakyat na ako sa taas at mabilis na nagimpake. Pinupunasan ko agad ang bawat luhang pumapatak sa aking mata. Nang nasigurong lahat ng gamit ay nasa mga maleta na ay tinawagan ko naman ang driver ng family ko. Nang masettle na ang lahat ay tinatagan ko ulit ang sarili ko.
Pagbukas ko nang pintuan ay sinalubong ako ni Belinda.
"Ma'am saan po kayo pupunta?" tanong nya na parang maiiyak na.
Si Belinda at ang ibang katulong ay napalapit na sa akin. Kaya masakit rin para sa akin na iwan sila rito.
"Belinda, kayo nang bahala dito sa bahay."
"Aalis na talaga kayo?"
Tumango ako. "Kailangan ko na sigurong pagbigyan naman ang sarili ko Belinda." Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha.
Nagulat ako ng makitang sumaya ang muka ni Belinda. "Buti nalang ma'am narealize nyo na yan. Matagal ko nang gusto kayong tulungan pero hindi ko alam kung paano kaya nakakatuwa na naisip nyo na yan." Niyakap nya ako ng mahigpit. "Ma'am ako na po magdadala ng bagahe nyo kahit man lang sa huling pagkakataon ay mapagsilbihan ko kayo."
Ginantihan ko din sya ng yakap. "Maraming salamat Belinda."
"Ako ang dapat magpasalamat ma'am kundi dahil sa inyo hindi ako makakapag ipon ng pera at mapag aral ang anak ko."
Umiiyak kaming parehas habang magkayakap. Nang nakita kong nagtext na sa akin ang driver namin ay inaya ko na si Belinda.
Habang pababa ako sa hagdanan ay nakita kong nakaupo na si Ivan sa sofa at tulala. Wala na ang babae nya hindi ko alam kung bakit nawala. Nag iwas na ako ng tingin sa kanya at inilipat ito sa main door nagulat ako na hindi driver namin ang nandoon kung hindi ang kuya ko.
"K-kuya" tawag ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya. "Bakit ka andito?"
Niyakap niya ako ng mahigpit. Hinagod nya ang buhok ko. "Uwi na tayo sa bahay?"tanong nya
Tumango ako kasabay ng pagpangako sa sarili na hindi na babalik sa lugar na ito at kakalimutan ang lahat ng masaya, malungkot at masakit na ala ala nya sa pamamahay na ito lalo na ang kanyang asawa.
Humiwalay si kuya sa yakap at kinuha na ang mga gamit ko. Inalalayan nya akong makalabas ng bahay at isakay sa kotse. Binuksan nya ang bintana at tinignan ang kabuuan ng bahay.
"Paalam" bulong ko kasabay ng pagpatak ng mga luha sa aking mata.

BINABASA MO ANG
Ex Change
RomanceMaraming naniniwala na kapag kinasal ka happy ending na agad at isa sa si Crisha don. Totoo nga kayang happy ending lagi pag kinasal ka na? O baka masasakal ka lang?