Bend

12 0 0
                                    

"What the fuck, Cen?" Malumanay na pagmumura ni Clemente sa kanya. Isang mabilis na irap ang isinagot n'ya sa kakambal. Maging sa pagmumura ay napaka kiyeme nito. Parang hindi makabasag pinggan.

"Ano ba, Clem? Nag w-work out ang tao, ang ingay ingay mo." Inis n'yang tugon dito habang sinusundan ang pinapanuod sa 50-inch smart tv nila sa sala ng kanilang bahay. Dahan dahan n'yang iginalaw ang katawan ayon sa nakikita n'ya sa telebisyon.

"No, Inocencia. That's not exercising. You're doing some seductive move. Anong plano mo ba ha?" Kinuha nito ang remote at pinatay ang Tv. Pabagsak itong umupo sa couch habang matiim na nakatingin sa kanya. Tinaasan n'ya lang ito ng kilay at umupo ng maayos sa Mat habang pinupunasan ang pawis sa mukha at leeg.

"Wala." Tipid n'yang sagot dito pagkatapos ay malalim na huminga. Saglit na pinuno n'ya ng hangin ang baga at marahas na bumuga ng hangin. Sinulyapan n'ya ang screen ng tv kung saan naka pause ang pinapanuod n'ya kanina. Saktong nakatuwad ito kaya kitang kita ang matambok nitong pang upo.

"You can fool everyone, except from me and Cath. Tuloy pa rin ba ang plano mo? You know what, you should move on."

"Easy to say, Clemente. You know what I've been through because of that bastard." Humiga s'ya patihaya sa mat at ibinaling ang tingin sa kisame. Hindi madaling kalimutan ang lahat kahit siyam na taon na ang nakalipas.

"Pero sinabi mo na ikakasal na s'ya, hindi ba? Don't be a bitch and don't ruin his happiness. Baka nagsisi na yung tao, Sis." Ilang sunod itong napa iling bago ilapag ang remote na hindi n'ya napansin na hawak pa rin ng kapatid. Mabilis s'yang tumayo ng maramdaman na parang umakyat ata lahat ng dugo n'ya sa ulo ng marinig ang sinabi ng kapatid.

"Nagsisi? Aba'y ang putang ina, hindi nga nag sorry sakin. Alam mo ba ang ginawa ng makita ako? Ngumiti lang na parang walang kamalay malay ang hudas!" Nanlalaki ang mata n'yang lintanya habang pakumpas kumpas pa ang dalawang kamay n'ya sa harapan nito.

"Paano ka nga ba makikilala, Inocencia? Eh naka disguise ka? Tonta." Singit ni Catharina habang pababa ito sa hagdan. Napatingala sila ng nagtatawang si Clem sa kakambal nilang walang filter ang bibig.

"Ikaw nga dito, Cath. Kailangan ata nito ng realtalk mo... Ah hindi. KAILANGAN talaga." Bigay diin pa nito.

"Tigilan mo yang kaka manang attire mo everytime na papasok ka sa trabaho. Sino ba kasing nagsabing mag wig ka at mag eyeglass? May tama ka ba sa utak ha, Inocen--- ay! Putang ina! Ba't may puwet d'yan?!" Hindi na naituloy nito ang pag sesermon dahil napabaling ito sa TV.

"Nag aaral s'ya kung paano aakitin si Matthew." Sumbong ni Clem.

"Ah. So tutuwaran mo, Cen?" Angat kilay nitong tanong sa kanya.

Deceitful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon