All She Knows (One Shot)

32 3 1
                                    

All She Knows

A one shot written by MissLeine. 

All Rights Reserved 2012. 

--------------------------------------------------

Isa akong duwag na lalaki. Takot na aminin sa taong mahal ko na matagal ko na siyang gusto. 

Lecheng katorpehan kasi yan. Naunahan pa ako ng isang varsity na manligaw sa kanya. 

Simula ng aminin niya sa'kin na may gusto siya sa akin... Hindi ko alam kung anong klaseng sakit ang umapekto sa akin. 

Sa katunayan nga eh nilalandi ko na siya este lagi ko na siyang pinapansin. 

Ang sarap niya kasing asarin at kausapin. Hindi siya yung tipong mahinhin. madaldal nga siya pero enjoy naman kausap. 

Nawiwindangan nga ang mga barkada ko kasi mas bata siya sa akin ng isang taon. 

Third Year Highschool ako. Second Year siya. 

Wala namang mali doon di ba?

Basta hindi ko alam ang nararamdaman ko para dun sa babaeng 'yun!

Basta kapag nakikita ko siyang ngumingiti, napapangiti na rin ako. 

Ayp. Ang baduy ng bibig ko. Pero kahit kasi malayo siya parang kitang kita ko na siya. 

Yung parang may detector ang mga mata ko. 

Lagi kaming masayang nagkukulitan kapag nagkikita kami dahil malayo layo ang classroom ko sa kanya. 

Pero halos bagsakan ako ng pagsisisi ng malaman kong binigyan siya ng rosas ng isang kaibigan niya nung Valentine's Day. First time niya daw makatanggap nun! Shet! Sayang nun! 

Hindi ko siya nabigyan ng kung ano man nun dahil akala ko e parang wala lang siya sa akin. 

At ang akala ko pa naman si Eya pa ang gusto ko. E nagkamali pala ako, 

Simula nun parang hindi niya na ako napapansin. Lagi ko siyang hinahanap nun pero wala eh. 

Kahit anino niya hindi ko makita. Sumuko na rin ako sa panunuyo ki Eya dahil alam kong wala naman ako doon Pag-asa. 

Hindi ko second choice si Madie. Dahil para sa akin kung mahal mo ang isang tao, wala kang first or second choice pa na iba. 

Nahanap ko nga si Madie nung may isang event sa school, excited na excited ako nun lapitan siya dahil gustong gusto niya ng KitKat kaya bibigyan ko siya. 

Pero mali yung move ko pre. Kasama niya yung kaibigan niya na may gusto sa kanya. 

Masaya silang naguusap. Nakaramdam naman ako nun ng kirot sa puso.Parang binabaril. 

Basta.. masakit. 

Pero mas lumala yung sakit ng may lumapit na kaibigan ni Madie sa kanilang dalawa at binati na,

"Congratz!!! Cyeaaaah! Bestfriends turned into lovers! ahihihi! Happy First Monthsary!!!"

Yun yun eh. BOOM!

Kaya pala matagal siyang nawala. Matagal siyang hindi nagpakita sa akin. Ni hindi ko nga naramdaman yung dating spirit niya kapag nandiyan siya.

Kaya pala, may tinutuunan na siya ng pansin. Hindi na ako, at alam kong sobrang sakit nun .

Lumipas ang ilang buwan at nakilala ko si Hannah. Isa siyang babaeng matalino, maganda at kasundo ng lahat. 

Pero para sa akin, mas maganda.. matalino... at mas kasundo ng lahat si Madie. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All She Knows (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon