💚Chapter 01💚

25 4 0
                                    

New School

Kringgggggg.... kringgggggg......

Kringgggggg.... kringgggggg......

(Alarm 4:30 am)
.
.
.
.

"Aishhhh...eto na nga  tatayo na... Yawnnnnn.." Naginat inat muna si AJ bago tuluyang lisanin ang kanyang kama.

Eto ang magiging unang araw nya sa bago nyang school kung kaya't maaga syang gumising.

Haysss umaga nanaman first day pala ng school ngayon at nangako sina mom at dad na ihahatid ako sa school kaya excited na ko pumasok.

Hindi dahil sa new school ahh wala naman akong gana mag aral lalo na tuwing naalala ko ang old school ko puro attitude ang mga kaklase ko dun at lagi akong napapaaway.

Excited ako kase ihahatid ako nila mommy naiingit kase ako sa mga kaklase ko date naover protective pa ang parents nila samantalang ako naglalakad lang, mag isa pa. Workaholic kase si Mom at Dad kaya mas madalang pa sa blue moon kung ihatid nila kong school. Ayyts... debale nayun atleast hahatid na nila ko ngayon yieeee!

Bumangon na ko ng kama at agad na kong naligo nagtooth brush den syempre  sinuot ko na den ang bago kong uniform. Eto ang magiging first day ko sa Valeriana University at kasalukuyan  na kong nasa Grade 10 ngayon.

Bagong school, bagong uniform at bagong set of stupid classmates. Wala kong balak maghanap ng kaibigan sa bago kong school inshort gusto kong mag isa

Kinuha ko na ang bag ko at  bababa na sana nang mapansin ko ang uniform ko sa salamin

"Haysss... Ang panget ng uniform ng Valeriana University, logo lang nila ang nagdala at baket ang ikli ng palda ko kainis... bahala na.

Nawala sa isip ko sina mom baka naghihintay na sila saken. Agad kong kinuha ang bag ko at bumaba.

Pag baba ko hinanap ko agad si mom at dad pero hindi ko sila nakita. Inisip ko na siguro dipa sila bumaba kaya nag patuloy na ko sa pag lalakad papuntang kusina.

"Oh! Goodmorning  AJ kumain kana  at ala sais ang pasok mo diba?" tanong ni yaya Cindy habang nag hahanda ng pagkain.

Nag nod nalang ako bilang sagot at umupo na sa tabi ng mesa. Spaghetti ang breakfast ko at orange juice pero gusto kong kumain kasabay sina Mommy at Daddy kaya tinanong ko sila kay Yaya.

"Yaya Cindy bumaba na po ba sina Mommy?" Tanung ko habang nakangiti at ngumunguya.

"Ay AJ buti pinaalala mo! mumuntikan ko na makalimutan." "Umalis na ang daddy at mommy mo at nagiwan ng pambaon mo." Eto. Sabay  abot sa sobreng puti na may nakasulat. 300 pesos "Bumili ka daw ng mga pagkaing makakabusog sa iyo. Wag puro chuchirya."

Madami akong gusto itanong kay yaya pero ang tangi ko lang nagawa ay titigan sya.

Trabaho nalang  ba lage?...

Circle of Friends ( High School Life) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon