She Said Yes

141 4 2
                                    

PROLOGUE :

Akala ko nung una, sapat at tama na lahat ng nagawa ko.

Akala ko kuntento na ako sa lahat at masaya na ako.

Akala ko lahat ng tao sa paligid ko totoo.

Akala ko hindi na ako mag-iisa.

Pero yun pala, lahat lang yun ay isang maling akala.

Paano ba nalalampasan ng ibang tao ang kanilang problema ?

Paanong nagagawa nilang ngumiti kahit mabigat na ang kanilang pasan ?

Buti pa sila nakakaya yun, sana ako rin.

Sabi nila sakin, kung talagang handa kang gawin ang isang bagay kahit ano pa iyon, kahit gaano pa kahirap, gagawin mo.

Pero hindi nila sinabi na ganito pala kahirap ang magmahal na kahit ikaw mismo na gusto mong gawin ang isang bagay, may panahon talaga na wala ka nang magagawa kung hindi ang sumuko.

TAKOT at LUNGKOT. Yan ang bumabalot sakin ngayon. Ayoko ng mahirapan.

Natatakot ako na masaktan...

Natatakot ako na maiwan...

Natatakot ako na mag-isa...

ULIT .

***********************

She Said Yes (o n  h o l d)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon