Chapter 1 (Part 2) - Seriously ?

134 5 4
                                    

CHAPTER 1 (Part 2) - Seriously ?

***** ***** ***** ***** *****

"IKAW KASI ANG PANGARAP KO KAYA IKAW ANG SINUSUNDAN KO."

sambit niya. Teka nga ! 

"EHHHHH O___o?" wala akong masabi. Di ko ma-take. Ako raw ung pangarap niya. Dapat ba akong matuwa, maasar o kiligin ? Ano kaya yun ?! 

"Hahahahaha. xD HOY ! JEYANNE ! Yung muka mo ! Whooo. Ang panget mo." pang-aasar niya sakin habang tumatawa. 

"Grabe ah ? Bakit pogi ka ? Nakakahiya naman sayo. ANG POGI MO KASE EH !" inaasar ko rin siya pero mukang di naman siya naaasar. =_= Sa bagay, pogi naman talaga siya eh.

"Kung nakita mo lang --hahahahahaha-- yung reaksyon mo --hahahaha-- para kang biglang natae. HAHAHAHAHAHAHA." ayyyyy potek ! Eh kasalanan ko bang magulat dun sa sinabi niya ?! Hanggang ngayon nga, di ko pa rin makalimutan yun eh. (._.)

Binatukan ko siya sabay takbo. "BWISET ! Bahala ka nga jan. Di ako pupunta sa lunch bukas. MANIGAS KA ! Akala mo ah. Maghanap ka ng kasama mo ! Psh." hahahahah. >:) Mamatay ka sana kakatawa dyan. 

Huminto ako sa pagtakbo nang medyo maramdaman ko na huminto na rin siya sa pagtawa. Pagkatingin ko sa kanya, WAHAHAHAHAHAHAHAHAH. BENGGA ! Mukhang siya naman ngayon yung natae. Grabeeee. xD

"Yow Zeke ! What's with the face ? HAHAHAHAHAHA. Gusto mo na ba mag-CR ? xD" ang hirap magpigil ng tawa. Pero kasi yung itsura niya ehh. >_<

"Huh ? A-ano kasi ehhh..." luhh ? Nauutal siya. Problema neto ?

"Anooo ? Gusto mo na ba talaga mag-CR ? Wait lang. Malapit na tayo ! Wahahah." pagkakataon ko na tong mang-asar. Inumpisahan mo ko eh, pwes tatapusin ko.

"Hi-hindi kasi ... Anoooo ..." yung totoo ? Anong problema nito ? xD

"Alam mo, di mo naman kailangan magsinungaling eh. Kung talagang najejebs ka na, sabihin mo sakin hindi yung nagkakaganyan ka. HAHAHAHAHAHA !" konting tiis, iiyak na yan. Ang lakas ko talaga mang-asar. TURN-OFF. =_=

"ANO BA JEYANNE ! HINDI AKO NASI-CR ! AT MAS LALONG HINDI AKO NAJEJEBS O KUNG ANO MAN ANG INIISIP MO ! ANG SAKIN LANG, BAKIT DI MO NA AKO SASAMAHAN MAG-LUNCH BUKAS ? ALAM MO BANG PINAGHANDAAN KO YUN ? KAYA KUNG NAASAR MAN KITA KANINA, SORRY NA. PLEASE. SORRY." biglang sigaw niya sakin.

NAGULAT AKO. (di lang halata) First time niya akong masigawan ng ganon. Nakakatakot pala siya. PERO GWAPO PA REN. (ang landi ko na naman. -_-) Kahit nasigawan niya ako, di ko magawang magalit sa kanya kasi in the first place, kaya pala siya nagkakaganon ay dahil sakin. Dahil sinabi ko sa kanya na hindi ko siya sasamahan mag-lunch.

"Ummm, Ze-Zeke. Nagjo-joke lang naman ako eh. S-sasamahan naman kita bukas. SORRY NA." 

"Sorry Jeyanne. Nasigawan kita. Pero sige na, tutuloy tayo bukas ah ? Please. :3" sabi niya habang naka-pout.

"Ahh OO ! Tutuloy tayo. Promise. ^_^" ayun, bumalik na naman yung napakatamis niyang ngiti. Kaya nakakaInlove tong mokong na to eh.

Naglakad na kami hanggang sa maihatid niya ako sa bahay namin. Kilala naman siya ng pamilya ko kaya lagi siyang welcome sa bahay. Close kasi ang parents namin. Di rin siya nagtagal kasi may aasikasuhin pa daw siya, kaya umalis din agad.

***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** *****

Zeke's POV :

"Sorry Jeyanne. Nasigawan kita. Pero sige na, tutuloy tayo bukas ah ? Please. :3" pagpipilit ko sa kanya.

"Ahh OO ! Tutuloy tayo. Promise. ^_^" AYUUUUUUUNN ! Tagumpay ako. Pano ba yan ? :D

Ito ako ngayon naglalakad pauwi. Oo, naglalakad lang ako pauwi kasi malapit lang naman bahay namin kela Jeyanne. Kanina pa nga ako pinagtitinginan ng ibang tao eh, ewan ko ba kung bakit ?

SIGURO ANG POGI KO TALAGA O BAKA NAMAN KASI KANINA PA AKO NGITING ASO RITO ? =_=

Basta, naeexcite ako para bukas sa lunch namin ni Jeyanne. Di ko nga alam kung bakit ko siya niyaya parang may nagtulak sakin, siguro baka matagal lang kaming di magkikita since vacation na kaya niyaya ko siya.

"NAKOOOOOO JEYANNE ! Kung alam mo lang kung anong nararamdaman ko ngayon. Kulang na lang sumabog na tong puso, bituka, utak, tyan, atay ko dahil sayo. ^_^" kausapin ko ba naman daw sarili ko ? 

Bahala na kung anong mangyari bukas sa lunch namin.

 ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** *****

Jeyanne's POV :

"Hay. Di na ako makapaghintay para bukas. Ano ba kasing meron ? Something special ? TSK. Lunch lang naman yun noh.

Ito ako, nakahiga, nagmumuni-muni. Parang baliw lang. Kasi naman, yayain daw ba ako ng Bestfriend ko maglunch ? Feel ko, Crush ko na ata siya ? Or baka Love ?

SUS JEYANNE ! Bestfriend mo lang yun. Tsaka niyaya ka lang magLunch, anong feel mo gusto ka niya ? ASA KA ! Wag assuming Teh. =_=

"AHHHHHH BASTA ! Lagot ka sakin Zeke. Pag di ako nakatulog ngayon kakaisip. Patay ka sakin." 

Sooo yun, goodnight na. Masyado na akong masaya ngayong araw na. Baka kunin na ako ni Lord. O:) 

***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** *****

A/N :

Sorry. Late update. -_- Ngayon lang ako sinipag. Comment. Vote. Add sa Reading List. :) Salamat. 

May exam pa ako bukas kaya ito lang ang nakayanan. So weak. -_- Babawi ako. Di muna ako magbibigay ng date kung kelan yung Update, basta ABANGAN NIYOOO ! :D

She Said Yes (o n  h o l d)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon