1

17 0 0
                                    

"Oh pang 32 ko na!!" I blurted.

Nagsimula akong magbilang ng airplane this year dahil naalala ko yung paniniwala ng mga siraulo kong pinsan, which is, pag nakita mo daw ang pang 100th airplane mo, after that kung sino yung first girl/boy na makita mo ay siyang itinadhana sayo.

Nakakatawa o childish man tignan, wala namang mawawala kung susubukan ko diba?

On my way to my next subject, naka-kita ako ng pink paper airplane.

"Pang 33th ko na." I whispered.

As I reach our classroom, sinalubong agad ako ni Justin.

"oy justin! Nakita ko na yung pang 33th airplane ko! Hahaha konti nalang!" Sabi ko.

Justin is my childhood friend, way back then, I met him sa playground when I was 5 years old. Umiiyak kasi siya nun because of his mom. Naisipan ko icomfort siya, pero di ko alam kung pano.

May narinig ako ice cream, kaya naisipan kong bigyan nalang siya ice cream to ease his sadness. Since then, lagi ko na kaming magkasama. Naging bestfriend ko siya and the same time, kuya.

"Oh?! Pang 20th ko palang eh!" May halong pagkalumbay yung boses niya.

"Ano ka ba, okay lang yan! Di ka pa naman mamatay, makakapagbilang ka pa naman Hahahahahahahahahahahahahaha!" I burst out laughing.

Di na niya natuloy yung sasabihin niya, kasi dumating na yung prof namin.

Hours had passed, uwian narin sa wakas.

Sa uwian lagi kong kasabay si justin, kahit iniinsist ng parent ko at parents niya na magpahatid sundo kami sa driver ay hindi namin ginagawa. Mas trip namin maglakd at magfoodtrip habang papunta sa greenpark at tumambay.

"Uy lang 21 ko na hahahahahahaha!"

Tinignan ko lang siya sabay tingin sa langit at naghanap ng susuod kong airplane ko pero wala...

"Okay lang yan may susunod pa naman." Sabi niya habang tinatapik yung likod ko.

"Oh justin, goodluck sa 21 airplane mo. Wag mo kong uunahan ha? Ingat!"

The next day! Hay!

Walang katapusang lecture nanaman. -_-

Nang mag-vacant, magkasama nanaman kami ni Justin.

"Oy Justin! Samahan mk ko sa locker, mah kukunin lang ako." Sabi ko with matching puppy eyes.

" Oo na! Magpapa-cute pa eh. Tss."

Nang makarating kami sa locker, pagbukas ko may biglang nahulog...

Isang paper airplane.

It means, pang 34th airplane ko na wahahahahaha

"Justin!! 34th airplane ko na." Sabi ko habang pinapakita yung paper airplane.

"Daya! Di naman counted yan eh!" Halatang nang-aasar.

"Counted yun! Diba sabi, kahit anong klase plane. Bleeeh!"

"Aish! Oo na! Duga!"

So the days had passed, 4 months nalang graduation na. Hindi ko na nakakasama si Justin, umuwi kasi siya ng california dahil nagkasakit si tita. Sa pagkaka-alam ko, dun niya pinagpatuloy yung studies niya.

Nakakamiss din pala yung mokong na yun. Hayss!

Sobrang nafu-frustate ako, dahil ang loner ko. Wala man lang ako makausap. Si Justin lang naman talaga kasi ang kaibigan ko eh.

*sigh*

Pang ilang buntong hininga ko na ba to? Nakakawalang gana...

I was looking at nowhere, when the bell rang..

Uwian na pala.

I was walking on my way home nang may tumama sa ulo ko.

"Aray!! Aish."

It was a paper airplane. Then a little boy came up. Ang taba ng cheeks nya!!!

"Sorry po ate." Sakanya pala galing yung paper airplane.

Nginitian ko lang siya, "It's okay. Ang cute mo naman. What's your name?" I asked.

"Gavin!!!!"

Napalingon kami pareho nung bata dun sa sumigaw.

"Kuya!!!" biglang sagot nung batang kausap ko.

Kuya nya pala...

"Miss sorry pala sa kung natamaan ka nung airplane namin, napalakas ata yung bato namin."

"It's okay." I smiled

"Anyway, I'm Gab short for Gabriel and this is my little brother Gavin."

"Uhm parang familiar ka sakin, nagkita na ba tayo somewhere?" I asked

"Yah! Same school tayo." He answered

"Wow! Small world."

"Teka, your name is?" He asks

"Oh sorry! Nakalimutan kong magpakilala. By the way, I'm Ianca. Short for Bianca."

"Bianca? Nice name, it's suits you."

"Thankyou!" I blurted

"Biancs." He whispered

"Biancs?"

"Hahahahaha! Bakit wala bang tumatawag sayo nun? Edi sige, yun nalang tawag ko sayo para alam mo agad pag tinawag kita. Hahaha! Sige una na kami ni Gavin, magga-gabi narin kasi eh." Pagpapaalam niya. "Gavin, say goodbye to ate Bianca."

"Bye ate, ingat ka po."  Sabi niya with flying kiss.

"Sige biancs, una na kami. Ingat ka!"

Then I continue walking...


100th AirplaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon