Ngayon ang kaarawan ng nagiisang tiyuhin ni Skye na si Mr. Blakely Jill ang ama nina Oliver and Benjamin.
Aligaga ang lahat sa paghahanda sa mga nagdaratingang mga bisita, ang paligid ay elegenteng elegante sa kulay na ginto at pilak.
Ang nga dumadating na bisita ay ang mga kilalang negosyante na talagang mayayaman sa kanilang siyudad.
Dumating ang pamilyang Sebastian na isa sa mayaman na pamilya sa lugar ng Tetronis. Si Thessaly na nakasuot ng long gown off shoulder na kulay berde na ngayon ay pinagtitinginan ng mga ilang magagandang dalaga.
"Siya ba ang asawa ni Mr. Skye? Grayson naba siya?"
"Maganda siya kaso anak ng mga tulak droga"
"Hindi pa naman siya pinapakasalanan"
Napangiti nalamang ang dalaga sa bulungan ng ilang mga kababaihan sa kanilang dinadaanan.
Habang lumalakad ang pamilyang Sebastian sa red carpet ay maraming nakatingin na mga tao dito na para bang nagtataka kung bakit andito ang pamilya at karamahin ng mga ito ay nagbubulungan sa gilid.
"Diba sila ang mga Sebastian?"
"Hindi sila bagay dito"
"Nagbebenta daw ng droga yan kaya yumaman"
"Oo nga, kunyari pang pinaalis ang anak, wala namang naitulong sa pamilya"
Napatigil ang mga nagbubulungan ng tingnan at taasan ng kilay ni Thessaly at nilapitan ito ng dalaga "Alam niyo? Kesa pagbulungan niyo ang ibang tao. Bakit hindi niyo ayusin ang mga kompanya niyong malapit ng malugi?" taas noong sambit ni Thessaly sa babaeng ngayon ay nanggagalaiti na sa sinabi ng dalaga. "Bawiin mo ang sinabi mo!" galit na turan ni Mrs. Vickey siya ang may ari ng nagiisang kompanya sa Tetronis na malapit ng nalugi dahil sa kakulangan ng supply ng ilang mga produkto "Hindi ba totoo Mrs. Vickey?" sarkastikong turan ng dalaga.
Akmang sasampalin ni Mrs. Vickey ang dalaga ng pigilan ito ng isang binata "Wag kang magumpisa ng eskandalo dito Vickey!" bulong ng binata dito at binagsak ang kamay nito "Oliver, siya ang nanguna hindi ako" naging malumanay ang pananalita nito kay Oliver at biglang magpalakpakan ang mga tao dahil ngayon ay lumalakad ang pamilyang Grayson sa red carpet.
Ang lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa red carpet, ng makita ni Skye si Thessaly na kasama si Oliver na nasa gilid ng daanan ay walang emosyon niya itong hinila sakaniyang tabi at isinabay sa paglalakad "Bakit mo kasama yun?" deretso lang ang tingin ng binata at hindi niya nililingon si Thessaly, napatingin ang dalaga dito at napakunot noo dahil sa sobrang seryoso ng muka ng binata "Ha? Bat parang nagseselos ka mahal?" napangiti ang dalaga sa reaksyon ni Skye, napailing nalang ito dito at hinanap ang kanilang upuan.
"Good evening everyone.." nagsalita na ang mc at ang lahat ng bisita ay masayang nakatuon ang tingin sa nagsasalita sa entablado maliban sa binata na si Skye na nilalaro lang ang baso na nasa kaniyang harapan.
"Bat ang tahimik mo?" nagtatakang tanong ng dalaga dito ngunit hindi ito pinansin ng binata at binaling lang ang atensyon sa baso na kaniyang nilalaro, napataas naman ng kilay ang dalaga at dahan dahang hinawakan ang balikat ni Skye ngunit hindi parin siya nito pinansin " topak kaba? " naiinis na turan ng dalaga at umalis ng kanilang table.
"Sura! Parang tanga lang?" bulong nito sakaniyang sarili habang naglalakad papuntang confort room.
Pagdating ni Thessaly dito ay may nakita siyang isang lalaki na nakatayo sa pinto na isang guess rin na naka black mask ngunit desente ang kaniyang postura. Hindi ito pinansin ni Thessaly at pumasok sa loob ng comfort room.
YOU ARE READING
Skye Grayson (Chain Of Hearts Series #1) ON GOING
Romance"Don't you ever dare to leave me again Thessaly! Or else I will destroy your beautiful life you created." - Skye Grayson SINO ANG PUMATAY KAY MR. TYLER GRAYSON?!!! Ano kaya ang gagawin ng naulila sa ama na si Skye? |R18|