Chapter 6:

9 2 0
                                    

Nagising ako na nasa kwarto na ako.

Nakabihis na rin ako.

Paano?

Anong nangyari kahapon?

"Gising ka na pala," sambit ng isang lalaking nakatalikod sa'kin.

"S-sino ka— ouch!"

Pinilit kong tumayo pero sobrang sakit ng ulo ko.

"Hey, hey. May hangover ka pa,"

"I see," dahan-dahan akong umupo sa kama ko, "bakit nga ba ikaw ang nagbabantay sa'kin ngayon? E hindi naman kita kilala. Nasa'n ang mga kaibigan ko?"

Mahina siyang natawa bago humarap sa'kin.

"Nalasing ka lang, hindi mo na agad ako kilala,"

"H-hiro?! Bakit ka nandito?!"

"Oh, kalma. Inutusan kasi ako ng Dad mo na bantayan ka. Alam niya na may gagawin kang kalokohan kapag wala siya kaya inutusan niya ako para bantayan ka,"

"Hindi mo naman ako binantayan, wala ka nga kahapon e,"

"Sino nagsabing wala?"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Nando'n ako,"

Lumapit siya sa'kin.

"Gusto mo ikwento ko sa'yo kung anong ginawa mo kahapon?"

Napalunok ako.

"Sumilip ka sa labas,"

Sumilip ako at mas lalong nanlaki ang mga mata ko.

"All of that..."

Humarap ako sa kanya.

"I-I made that?"

Tumango siya at mahinang natawa.

"Hindi lang 'yan,"

"You mean, there's something worst than that?!"

"Mag-toothbrush ka muna, ililibot kita sa mansion para malaman mo kung anong ginawa mo. Bababa na ako, sumunod ka ah?"

What the fuck did I do when I'm drunk?

Matapos kong mag-toothbrush ay tumakbo ako pababa ng hagdan.

Natigilan ako nang may napansin ako.

"Ikaw din ang may gawa niyan,"

"Anong ginawa ko?"

"Binato mo lang naman ng bote 'yong hagdan tapos ikaw din ang nakatapak ng bubog. Kaya ayan, may dugo sa hagdan,"

Chineck ko ang mga paa ko.

May sugat nga.

"Ano pang hinihintay mo? Bumaba ka na d'yan at ililibot pa kita sa mansion," sabi niya at inilahad ang kamay niya.

Lumabas kami ng bahay.

Napakakalat. As in, nagkalat ang mga basura at kung ano-ano pa.

Una naming pinuntahan ang garden.

"Sira na 'yong favorite plant ni Dad,"

"Sinira mo,"

Inalalayan niya ako papunta sa pool area.

Mabaho dito.

"Fuck!"

"Oh bakit parang diring diri ka? Suka mo 'yan,"

"Yuck,"

"Sumuka kasa pool kagabi, gusto ka ngang tulungan ng mga kaibigan mo pero you kept on saying no. Paatras ka ng paatras hanggang sa nahulog ka sa pool at nalunod. Dahil do'n, napilitan akong lumabas kung saan ako nagtatago para sagipin ka," patawa-tawa pa siya.

"Hindi kasi marunong lumangoy ang mga kaibigan ko,"

"I see,"

"Bakit hindi niyo nalang nilinis ang mga kalat ko?"

Kumunot ang noo niya.

"Bakit naman namin gagawin 'yon? Gusot mo 'yan, ikaw ang magplantsa," ngumisi siya.

"Pero bakit pala wala na sila? Pa'no ako nakapagbihis? Nasa'n na sila?"

"Binihisan ka ni yaya. Umuwi na sila kagabi pa. I guess, nasa school na sila ngayon," sabi niya habang naglalakad papasok ng mansion.

"What time is it?"

"May relo ka,"

Oo nga naman, may point siya.

Sumilip ako sa oras. 1:00 p.m. na!!

"Hoy ikaw, maliligo ako ah—"

"Sasabay ako?"

"No! Maliligo ako, ihatid mo ako sa campus. Hintayin mo ako!"

Tumakbo ako paakyat para maligo at magbihis.

Baka 'di ko na maabutan ang klase ng crush kong prof!

Hinatid ako ni Hiro sa campus.

Papasok na ako sa campus nang masalubong ko si Sir Sean.

"S-sir tapos na po ang klase niyo?"

"Kanina pa. Ngayon ka lang na-late, Ms. Sandoval," sumulyap siya kay Hiro, "who's that guy? Tsk, bago kasi atupagin ang boyfriend, school muna," sabi niya bago tuluyang lumabas ng campus.

Is he jealous?! WhaaAa!

"Boyfriend daw?"

Diary ng SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon