Tilaok ng manok, harurot ng mga motor at trycicle ang ingay na sumalubong sakin sa labas ng bahay.
Unang araw ng pasukan ko ngayon kaya gumising ako ng maaga, para mag lakad pa-puntang eskwelahan at para na rin makasabay si Gerald.
Ang crush ko.
First of high school pa lang hinahangaan ko na siya at ngayong third year, siya pa rin, pero hindi pa ako umaamin.
Nag-hahanap pa ng tyempo.
Marami kasi laging barkadang kasama yon, baka pagtripan lang nila ako kapag nagkataon.
Malapit na ako sa bahay nila nang lumabas ito at nag lakad.
Sumunod lang ako sa kanya at in'obserbahan.
Pansin ko na parang sampung lakad lang ang layo namin sa isa't isa.
Kahit nakatalikod siya ay na gwa-gwapuhan pa rin ako. Mula sa ayos ng kanyang buhok, sa plantsadong uniporme, at sa kaniyang kumikinang na mukhang bagong itim na sapatos.
Hindi ko siya tinawag hanggang makarating kami sa school.
Natapos ang flag ceremony at kaunting pa-welcome ng Dean, pumasok na rin kami sa room namin.
Mag papahuli pa sana ako pumasok para makausap siya pero mukhang serioso ito.
Buong lesson namin ay nag paikot lang ako ng ballpen sa daliri ko at nag isip lang kung kailan aamin sa kanya hanggang makatulog ako.
Lunch break na, nang nagising ako at na pag-pasyahang umamin.
Pumunta siya sa cr at nag abang ako sa labas. Katapat lang nuon ang garden na may mga upuan kaya pumunta ako ruon para umupo at hinintay siya.
Nakita ko itong lumabas na sa banyo kaya tumakbo ako.
"Gerald!" lumingon ito saakin at medyo yumuko nang makalapit ako sa gilid niya.
Tirik ang araw pero mas nakakasilaw ang gwapo niyang mukha.
Nag hahabol ako ng hininga dahil sa pag takbo at kaba.
"Ano?" bigla akong nangapa ng sasabihin.
Sayang ang dalawang taong pag titiis ko'ng di pag amin kung di ko ito di-diretsohin.
"G-gus-sto kit--tah"
"Ha?" naguguluhan niyang tanong.
"I like you.. " At nag ring ang bell, hudyat na kailangan na naming bumalik sa room.
Napatingin ako sa relo at lumingon kung na saan sya kanina pero wala akong nakita niisang tao.
"Hotdog ka Gerald" nasabi ko na lamang sa sarili sabay takbo papapuntang classroom.
~
Kakapasok ko pa lang ng kwarto ay bigla akong inutusan ni Ate na lumabas dahil may tao raw na kanina pa tawag ng tawag.
Nainis ako bigla dahil gabi na meron paring istorbo sa buhay.
Nang lumabas ako nakita ko siya.
Tila ba'y kumakalma ng paunti-unti ang aking sarili.
Nakita ko nanaman ang kaniyang mukha na parang buwan,
na nagliliwanag sa dilim ng gabi,
at mga mata niyang kumikislap na parang mga bituin sa langit."Rona.." bigla akong kinalibutan sa boses ng isang ginoong na aking nagugustuhan.
"Gusto rin kita"
YOU ARE READING
Pag-Amin
Teen FictionUmamin ba sayo ang crush mo na gusto ka nya? Pero umiwas siya sa sumunod na araw at binawela ka? Kung ganon, para sa'yo ang one shot na ito. Credit to the real owner of the cover.