"get lost." ang malamig niyang boses ang pumuno sa loob ng kwarto, walang pagbabago .
"No hon, I'll stay. Tutulungan kitang maibalik ang mga alaala mo, sinabi mo pa saakin noon na kahit anong problema kaya natin malampasan tiwala lang." hindi ko na alam ang gagawin ko, paulit-ulit niya nalang akong pinagtatabuyan.
Pinipilit kong pigilan ang luha ko na gusto ng tumulo, sinabi niya sa akin dati na ayaw niyang nakikita akong umiiyak. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang aksidenteng iyon, tatlong taon na rin akong umaasa na bumalik na ang alaala niya at bumalik na kami sa dati.
"I said GET LOST! ano bang hindi mo naiintindihan ha? Hindi ka naman siguro tanga, ayaw na kitang makita." At tuluyan na ngang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Sobra akong nasaktan sa sinabi niya, sa loob ng ilang taon ito lamang ang sinasabi niya sa akin.
Kahit na lagi niya ito sinasabi ay hindi pa rin ako sanay, parang dati lamang ay puro matatamis na salita ang binabanggit niya sakin hindi ba pwedeng bumalik nalang kami sa dati?
"Kahit kailan hindi ako aalis, maghihintay ako sayo Riley. Alam kong babalik ang alaala mo, hindi man ngayon pero alam kong babalik tayo sa dati." kahit na ako'y umiiyak ay pinilit ko pa ring ngumiti dahil gusto ko ipakita sakanya na kahit ipagtabuyan niya ko ay nandito pa din ako para hintayin siya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please support my story. ILY and godbless!
YOU ARE READING
Faded Memories
Teen FictionAng istoryang ito ay tungkol sa dalawang nagmamahal na sinubok ng tadhana. Masusubok lamang ang tibay ng pagmamahalan kapag may problema silang kinaharap. Kung gusto niyo malaman kung anong mangyayari then please continue reading it.